Chapter 19

13 2 0
                                    

KYLIE'S POV

Nakakainis!! Ano ba naman utak ang meron ako at walang katapusang flashback ang nagaganap? Arggh! Imbyerna eh!! Kasalanan niya 'to! Masyado niyang ginulo ang utak ko. Binulabog niya ang puso ko! Ayaw  na tumigil ang lakas ng tibok sa tuwing naiisip ko yung mga sinabi niya. Imagine? Si Jeremy Crisford, ang mortal enemy ko, may gusto sa akin? Pakiramdam ko nananaginip lang ako. 

Masyado na ba akong nagiging harsh sa pakikitungo sa kanya? Sorry naman! Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ganun siya! Kasi si Jeremy ay isang harsh na tao.  Isa siyang cold-blooded animal na masungit at medyo masama ang ugali. KSP din siya, lagi. Tapos ngayon? Ano itong nangyayaring ito? Bakit siya nagkakaganito? Bakit siya naging sweet? Ahh! Kylie! Ano ba nangyayari sa'yo?!

Lumabas ako ng kwarto at naisipan kong magpunta sa kusina para kumain. Napatingin ako sa orasan at nakita  kong it's almost midnight na pala. Hindi ako makatulog. Kasalanan 'to ni Jeremy. =__=

Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si ate Era na umiinom ng gatas.

"Ate Era? Hindi ka makatulog?" tanong ko.

Nagulat siya, "Ms. Kylie, kayo po pala. Hindi nga po ako makatulog eh." sabi niya sa akin.

Umupo ako sa stool sa may tapat niya, "Ako din nga eh. Hay, ngayon lang ako nagkaganito. Madalas naman pagkahiga ko tulog agad ako. Pero ngayon, ewan ko ba." sabi ko sa kanya.

"Baka naman po in love ka, Ms. Kylie?" tanong niya na ikinasamid ko naman bigla.

"Ate Era naman eh!" Bigla ako kinilabutan  at inabutan din niya ako ng gatas.

Natawa siya, "Ikaw talaga. Okay lang naman pong mainlove. Isa pa, bata ka pa naman. Natural lang yan." sabi ni ate Era.

Uminom ako ng gatas, "Alam ko kasi ate Era, pag nanonood ako ng romantic movies, nakakakilig yung makakitang in love yung mag-loveteam. Syempre, ako, hindi ko maiwasan ang mainggit. Pero, yung mga love story na yun, hindi pwedeng hindi darating sa pagka-heartbroken. Based on their actings, feeling ko super sakit at nakakabaliw. At yun naman ang ayaw kong maramdaman." sabi ko sa kanya.

"Ms. Kylie, a movie is a mere representation of reality. Kadalasan, yung mga pinapakita sa palabas ay mga experience ng ibang tao. Oo, masakit masaktan. Pero hindi mo naman po mararamdaman na nasasaktan ka kung hindi ka magmamahal. Example nun ay yung family, dahil mahal mo sila, ayaw mong makikita silang nasasaktan dahil mas masasaktan ka. Kaya naman, wag kang matakot magmahal." sagot ni ate Era.

Napangiti ako sabay tango pa dahil tama ang mga sinabi niya. "Thank you ate Era, ang galing mo talaga. Buti nalang nakausap kita. Kain tayong choco mousse?"
Alok ko sa kanya. Ichura ko naman pag ako lang kumain magisa. (¬_¬)ノ


JEREMY'S POV

Isang linggo at some days na. Isang linggo and some days na akong hindi makatulog ng maayos. Isang linggo and some days na akong hindi kinakausap ng maayos ni Kylie. Isang linggo and some days na akong naeewan. Aish! Hindi ako 'to! I mean, ako 'to - before. Hindi lang siguro ako sanay.

Hay. Ang ewan ko, nagaadjust ako sa sarili kong ugali. Ang galing talaga. ƪ(‾.‾“)┐

Bumaba ako para kumuha ng milk. This is so troublesome.

Pagbaba ko ay nakita kong it's almost 1 AM. Tsk. Makakatulog pa ba ako nito? Tss. Kasalanan kasi 'to ni Kylie eh! Bakit ba kasi hindi niya ako pinapansin! Feeling ko tuloy ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganyan. Tsk.

Papunta na akong kusina nung nakarinig ako ng usapan. Sumilip ako at nakita ko kung sino yung naguusap.

"Kylie?" tapos may kasama pa siyang, maid ata yun? Yun yata yung personal maid niya. Hindi ko alam ang pangalan at wala na akong balak alamin.

Hindi ako nagpakita at pinakinggan ko ang usapan nila... Nakita kong kumakain pa sila ng choco mousse. Sus, si Kylie talaga. Kung papipiliin ko siguro siya between me and choco mousse? She would choose the cake over me. Tsk. =___=

"Kasi ate, nagulat ako sa kanya. Hindi ko akalain na gagawin niya yun! Nung sinabi niya yun sa akin, sobrang nagulat ako. Hindi ko alam sasabihin ko, kaya, nagwalk-out ako." sabi niya dun kay ate.

"Naku Ms. Kylie, bakit naman kayo nagwalk-out? Sigurado akong maguguilty siya. Kung ako sa inyo, kakausapin ko na siya. Linawin mo na po yung mga bagay-bagay sa kanya para maging maayos kayo." paliwanag ni ate. Teka. Ako ba yung pinaguusapan nila?

"Eh naman eh! Hindi ko alam kung maniniwala ako. Naalala mo ba dati? Halos palayasin na ako nung Jeremy na yun! Tapos ngayon sasabihin niya na gusto niya akong ligawan. Kamusta naman yun?" sabi niya.

So yun ba ang reason niya kaya niya ako iniiwasan? Ugh Kylie! You're so stupid!

"Kahit naman po gaano kasama yung nagawa niya sa inyo dati, hindi po nun ibig sabihin na hindi naman posibleng hindi siya magkagusto sayo. Eh sobrang bait niyo po tsaka napakatotoo nyo sa sarili. Kaya hindi po nakakapagtaka na magkagusto sayo si young master."

Tama! Tama si ate! Kaya Kylie, maniwala ka na at pansinin mo na ako!!

"Talaga?" napangiti siya, "Hmm. Sige na nga! Papansinin ko na siya bukas." sabi ni Kylie.

Tumakbo na ako sa kwarto wearing my super wide smile.

I can't wait for tomorrow.

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon