Chapter 9

14 0 0
                                    

KYLIE'S POV



"Welcome Back Kylie." nakangiting sumalubong sa 'kin si Mr. Crisford.


"Welcome back Ms. Kylie." bati naman ni Mr. James.


"Ate Kylieeee!" alam na. Edi ang cute na cute na si Courtney ^__^





Niyaya ako ni Mr. Crisford sa office niya. May mga sasabihin daw kasi siya sa 'kin. E syempre, sino ba naman ako para hindi sumama di ba? 



"Sorry po sa abala." yun na  lang yung nasabi ko. Nahihiya pa din kasi ako eh. Pagkatapos ko magdrama at umalis, eto ako ngayon at babalik-balik. Epal lang?


"No Kylie. Don't say sorry. Ako pa nga ang dapat magsorry sa'yo, in behalf of my grandson." sabi naman ni Mr. Crisford.


"Nagsorry naman din po siya sa 'kin eh. Okay na po." sabi ko na lang.


"How about the favor? Okay lang ba sa'yo?" Favor? Ahhh! Yung sa pakikipag-friends ko sa kanya? Hayy. Ano nga ba?



Magsasalita na sana ako nung biglang nagsalita si Mr. Crisford, "Alam mo ba, as his lolo, nasasaktan ako pag nalalaman kong wala siyang friends ni isa sa school. Yung mga spies ko, they kept on reporting me the same news that Jeremy's alone, always. Hindi ko pa din talaga alam ang dahilan, all he kept on saying is that ayaw na niyang makipagkaibigan kahit kanino. Ikaw ba Kylie, importante ba ang friend sa buhay?" tanong ni Mr. Crisford.



"Opo. Friends are like second family. Sa kanila mo napapakita yung totoong ikaw. Sa kanila mo nasasabi lahat ng darkest secrets mo without fearing that they will leak it out. Sila yung mga taong pinagkakatiwalaan mo bukod sa family mo. Sila yung matatakbuhan mo pag may problema ka. Sila yung mga taong sasagutin ang phone mo kahit na 2am in the morning para lang makinig sa mga problema mo. Importante po ang friends sa buhay. Kasi kung wala kang kaibigan, hindi mo mararanasan ang maging masaya at gumawa ng kalokohan kasama sila." sabi ko na may ngiti sa labi.



"Very well said, Kylie." napatingin ako kay Mr. Crisford na nakangiti at tumatango-tango pa.


"To be honest po, malaking challenge po talaga yung pinapagawa niyo sa 'kin. Pero naisip ko po na, hindi lang po pala dapat yung negative side ang tingnan ko kay Jeremy. Nung mga araw na magkasama po kami sa bahay, nakita ko po ang iba sa positive sides niya na hindi ko nakikita dito or sa school. At yun po ang gagawin ko para mabuksan po ang puso ni Jeremy na makipagkaibigan ulit." pag-aassure ko kay Mr. Crisford.


"Thank you Kylie. Hindi ako nagkamali sa'yo. I will be expecting that you can change that boy."


"Wag po muna kayong magthank you, hindi ko pa po kasi nagagawa eh." sabi ko.


He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon