Mia's Messenger
Mia Vera Cruz
03:47 PM
Grabe sobrang tagal pala natin nag-usap 😭
Thank you ha?
Mia Vera: Wala yun, ano ka ba?
Mia Vera: Ngayon nga lang tayo nagkausap.
Kasi naman yung kapatid mo sira ulo din!
Ginamit ka pa para pagselosin ako parang tanga
Hindi tayo pinakilala sa isa't isa kahit noong nandito kami dati
Tapos busy ka rin nun kaya di tayo masyado nagkikita kayong dalawa lang din magkasama ni Justine nun
Mia Vera: Matagal kasi siyang hindi umuwi.
Nasabi niya nga sa akin kanina
Uy sorry pala ha? Yung dati pa pati yung kanina, nung binanggit ko yung tungkol sa parents mo.
Mia Vera: Okay lang yun. Matagal na yun ☺️
Tama si Justine 😭 ang bait mo nga!
Mia Vera: Bakit naman?
Wala lang HAHAHAHAHA inaaway kita sa isip ko eh HAHAHAHAHA tapos ganyan pala nangyari sayo feeling ko tuloy ang sama sama ko
Mia Vera: Hayaan mo na yun. Ang importante okay na tayo ngayon.
Mia Vera: Babalik pa naman kayo ni Justine dito. Magkakasama at magkakakilala pa tayo. Mas makikilala natin ang isa't isa pagtagal.
Nasabi ko na naman sayo di ba?
Yung tungkol sa pinag-usapan namin ni Justine.
Mia Vera: Alam ko kung gaano ka kamahal ni Justine, Mia. Ipinangalan niya pa nga ako sa iyo di ba? Balak niya kasi talaga maging anak ninyo ako 😂
Mia Vera: Alam ko din na hindi nawala ang pagmamahal niya sayo kahit nagkalayo kayo Mia. Tingin ko, naguguluhan lang si Justine ngayon sa sitwasyon ninyo.
Mia Vera: Feeling ko gusto niya lang na siya ang sumusuyo sayo hindi yung ikaw yung parang nanliligaw sa kanya 😂 ikaw naman kasi, masyado mo nape-pressure si Justine.
Bawal bang manligaw babae?
Tsaka ilang beses ko nga kasi siya nabasted noon.
Bumabawi lang naman ako.
Mia Vera: Basta nandito lang ako para suportahan kayong dalawa. Ayusin niyo na lang ang problema ninyo. At pag-uuwi kayo dito, sabay dapat kayo ah? Hindi yung magkaaway kayo at uuwi kayo dito para takasan ang isa't isa.
Seen
![](https://img.wattpad.com/cover/284041949-288-k770208.jpg)