8

12 4 16
                                    

Maria Lynvern Peñero

04:11 AM

Maria Lynvern: Justine, Justine!!! Bakit online pa bebewaps? 😌

Anong paki mo?

Maria Lynvern: May pake ako kasi ako ang asawa mo

HA???

Maria Lynvern: Wag kang kiligin ako lang to si Mia 🥰

Sinong nagsabi na kinilig ako?

Maria Lynvern: May mga bagay talagang hindi na kailangan sabihin JK

Maria Lynvern: Parang tayong dalawa na hindi pinaglalayo ng tadhana kasi para sa akin ka talaga

Di rin

Maria Lynvern: Okay lang naman kung hindi kasi pwede naman natin pilitin

Di ka ba napapagod Mia?

Maria Lynvern: Bakit kasi kanina pa ko takbo ng takbo sa isip mo? Yiiieee ikaw ha bebewaps luma na yan pero sige pagbibigyan kita

Ano? Pinagsasabi? Mo?

Di ka ba napapagod sa kakahabol sakin?

Ano nagtapos ka ng pag-aaral mo para lang habul-habulin ako?

Maria Lynvern: Sabi kasi ng magulang ko chase your dreams kaya hinabol kita

Ako pa talaga pangarap mo ah?

Maria Lynvern: Wag ka ng humugot bebewaps di na natin kailangan ibalik ang nakaraan mga bata pa tayo nun pwede pa tayong magkamali

Maria Lynvern: Ngayon naman ang pagkakamali na lang na nagagawa natin ay pinipigilan pa natin ang mga sarili nating bumalik sa isa't isa

Maria Lynvern: Bebewaps ano pa bang hinihintay mo? Maria na ang lumalapit sayo nakukulangan ka pa ba? Kung oo pwede naman na tayo bumuo ng pamilya

Ang sakit mo sa ulo Mia

Maria Lynvern: Saang ulo ba? 😌

Bastos pa

Maria Lynvern: Sus kunwari pa to eh pwede na nga tayo sa mature roles 😌😌😌

Bahala ka mag-mature role mag-isa mo

Maria Lynvern: Sure ka hahayaan mo kong mag-isa baka magsisi ka bigla kapag kinaya ko baka bigla mong gustuhin na samahan ako

Ewan ko sayo

Maria Lynvern: Samahan ako sa pagtanda 😭

Maria Lynvern: Ano bang naiisip mo JK?

AKO PA!!!

Ako pa nga ang may naiisip na hindi tama 😒

Maria Lynvern: Aba totoo naman bebewaps 😍 masyadong malinis ang intensyon ko sayo kaya hindi ako mababahiran ng kung anumang dilim na naiisip mo

Maria Lynvern: Pero kung gusto mo naman na samahan ako sa dilim at gumawa ng kung ano-ano game naman ako

Dumi mo Mia

Maria Lynvern: Anong madumi dyan? Sinasabi ko lang naman na puro ang nararamdaman ko para sayo isama mo pa pati puri ko

Marumi ka

Maria Lynvern: Aba bebewaps four times ako kung maligo sa isang araw kahit amuyin mo pa ko

Di bale na lang

Maria Lynvern: HAHAHAHAHAHA

Maria Lynvern: Ang tuyot mo masyado bebewaps

Maria Lynvern: Kulang ka ba sa dilig?

MIA!!!

Ayaw ko na magreply bwisit ka

Bahala ka na dyan

Maria Lynvern: Wait lang bebewaps wala man lang bang good night kiss dyan?

Good night kiss pa nandito ka ba?

Maria Lynvern: Aha! Ibig sabihin kung nandyan ako ikikiss mo talaga ko?

Maria Lynvern: Sabi ko na nga ba patay na patay ka pa rin sakin hahahahaha

Maria Lynvern: Okay bebewaps don't worry soon makakakiss ka na rin sakin kapag gabi kahit pati umaga hapon madaling araw at magdamagan pa

Maria Lynvern: Kahit hindi lang kiss kung gusto mo ng more pwede rin pero wag masyado ah kasi strict pa rin parents ko need pa rin natin magpaalam tsaka dapat i-approve pa yung pagpapakasal natin

Hibang ka na talagang babae ka

Maria Lynvern: Maria thingz ❤️

Matulog ka na nga lang Mia

Baka kulang ka lang sa tulog kaya ka ganyan ka-hibang

Maria Lynvern: Uy concern siya sakin

Maria Lynvern: Well baka Maria yan 😌 kaya naman hindi kita masisisi kasi hello Maria na naghahabol sayo? Jeep nga di ko hinahabol kahit late na ko eh

Ewan

Maria Lynvern: Kilegs HAHAHAHAHAHA

Maria Lynvern: Bagal mo naman gumanti bebewaps keep up naman

Maria Lynvern: Ano sa lagay na to ako na lang lagi bubuhat sa relasyon natin? Ano na lang sasabihin ng mga anak natin kung laging mama nila ang nagdadala ng pamilya

Maria Lynvern: Ikaw ang lalaki kaya ikaw dapat bumuhat sakin bridal style ha

Oo sige tas ibabato kita sa rumaragasang tren para matuluyan ka na

Maria Lynvern: Aww ganyan ka kapatay na patay sakin bebewaps?

Matutuyuan ako ng dugo sayo Mia ayoko na

Maria Lynvern: HAHAHAHAHA

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon