44

12 4 9
                                    

Jared Mitchell Park

04:31 PM

Jared 😩

Nilayasan ako ni Mia

Jared Mitchell: Yes bebi? 😅

Jared Mitchell: Hala bakit?

Hindi ko alam

Sabi ko mag-usap kami

Ayaw ako kausapin

Pagkatok ko sa kwarto wala na siya

Hindi ko alam kung saan nagpunta

Jared Mitchell: Ano bang pag-uusapan niyo?

Gusto ko sabihin sa kanya yung nararamdaman ko

Ayaw ko siyang saktan Jared

Kahit naman hindi na ganon kalalim yung nararamdaman ko kay Mia mahal ko pa rin naman siya eh

Pero ayaw ko kasi na umasa siyang magiging kami kung hindi ko na siya ganon kamahal di ba?

Jared Mitchell: Sigurado ka bang hindi mo na mahal si Mia?

Jared Mitchell: Yan ba yung sasabihin mo sa kanya?

Mahal ko pa siya Jared

Mahal ko si Mia

Okay na?

Jared Mitchell: Eh ano pa kailangan niyo pag-usapan?

Yung kami

Jared Mitchell: Ang gulo mo kausap

Ayaw ko naman mawala si Mia sakin eh

Pero gusto ko sabihin sa kanya na kailangan muna namin kilalanin ulit ang isa't isa

Hindi naman nawala yung feelings ko para sa kanya

Pero iba na ngayon eh

May priority na kami sa buhay at pwedeng magkaiba yung gusto namin mangyari sa buhay namin

Ayaw ko naman paasahin si Mia na hintayin ako na hindi niya nalalaman kung anong nararamdaman ko

Sa kanya at sa sarili ko

Jared Mitchell: Hindi mo kailangan ng tulong ko

Ha?

Jared Mitchell: Pinagpraktisan mo lang yata ako para sa paguusap niyo ni Mia eh

Jared naman eh

Jared Mitchell: Fine bebi

Jared Mitchell: Try ko hanapin si Mia sa mga friends natin

Jared Mitchell: Hindi ka kasi makahingi ng tulong sa kanila kasi mapagsasabihan ka na naman

Haha thanks!

Jared Mitchell: Sus! Para naman takot ka mapagsabihan eh hindi ka naman nakikinig ☹️

HAHAHAHAHAHA

Kilala mo talaga ako bebi

Love Is Not OverWhere stories live. Discover now