27

11 3 4
                                    

Mia Vera Cruz

03:29 AM

Mia alam ko tulog ka na

Sorry ah?

Hindi pa kasi ako makakauwi dyan ngayon

May trabaho ako ulit eh.

Promise kapag natapos ko na yung trabaho ko uuwi ako agad dyan sayo

Seen. 05:28 am

05:30 AM

Mia Vera: Good morning.

Mia Vera: Okay lang JK mag-iingat ka dyan ah?

Bakit gising ka na?

Matulog ka pa.

Mia Vera: Ikaw?

Mia Vera: Bakit gising ka pa?

May trabaho lang kami

Mia Vera: Baka puro trabaho inaatupag mo dyan ah. Sinabi ko naman sayo na ingatan mo ang sarili mo.

Hahaha! Nag-iingat nga po ma'am mia 😊

Ikaw ba nag-iingat din?

Baka naman lagi mong sinasabi sa akin na alagaan ko ang sarili ko dito pero ikaw nagpapabaya naman?

Mia Vera: Hindi ko gagawin yun.

Talaga lang ah?

Kapag nalaman ko lang talaga Mia

Mia Vera: Wag mong ibahin ang usapan JK

Mia Vera: Itigil mo na kung ano ang ginagawa mo at magpahinga ka na

Mia Vera: Kilala kita maaga ka kung bumangon.

Mia Vera: Kahit ngayon ka pa matulog, wala pang alas-7 gising ka na.

Kilalang-kilala mo talaga ko, ma'am.

The best ka talaga!

Mia Vera: Hindi ako nakikipagbiruan ah.

Opo magpapahinga na nga po

Mia Vera: Kapag hindi ka pa natulog ngayon, ilang oras lang lalo ang magiging tulog mo.

Mia Vera: Ganyan mo ba alagaan ang sarili mo dyan sa Maynila?

Mia Vera: Umuwi ka na lang dito. Wag ka na dyan!

Ma'am huminahon ka. Hahahaha!

Okay lang ako. Promise!

Hindi ko pinababayaan ang sarili ko dito.

Tsaka nag-iba na ang body clock ko dahil sa trabaho.

Matutulog ako ng mahaba, promise.

Mia Vera: Hindi mo ko niloloko?

Bakit ko naman yun gagawin sayo?

Paggising ko mamaya, tatawag ako sayo.

Mia Vera: Okay

Love Is Not OverWhere stories live. Discover now