Maria Lynvern Peñero
02:41 PM
Maria Lynvern: Sino si Miss A?
Maria Lynvern: Ok dehins naman masak8 🙂
Seen. 07:32 pm
07:33 PM
Sorry nasa rehearsal ako
Ngayon ko lang nakita chat mo
Sino si Miss A?
Seen
Hoy anong arte yan?
Paano ko masasagot kung di mo sasabihin?
Maria Lynvern: 🙂
Mia wag ka muna umarte pagod ako
Maria Lynvern: Kahit kailan di ako napagod sayo JK ngayon lang
Ang arte
May balak ka bang mag-artista?
Maria Lynvern: Sino muna si Miss A?
Sino nga si Miss A?
Maria Lynvern: Justine badtrip ako sayo ah wag mo kong gamitan ng ka-slowan mo ngayon pls lang bebewaps
Maria Lynvern: Mahal naman kita pero wala ako sa mood
Bwisit!
Sino nga kasi yan? Malay ko ba kung sino yang sinasabi mong Miss A
Maria Lynvern: Kaya ko nga tinatanong kasi di ko kilala tas tatanungin mo ko? Tanga ka ba bebewaps? Ayan sabi na kasi wala ako sa mood bakit kb kc gnyn 😭
Saan mo ba kasi narinig yung Miss A
Sino ba nagsabi sayo nyan?
Maria Lynvern: Edi dun sa Alexa na epal
Maria Lynvern: Napakaepal talaga nun sa gc namin bwisit na bwisit ako doon di ko makalimutan yung yakap siya ng yakap sayo sa concert ni Jin
Last month pa yun?
Maria Lynvern: So dapat ba kapag last month mo pa ko pinagtaksilan makalimutan ko na siya kasi past is past naman tapos na ganyan ba dapat?
Di naman kita pinagtaksilan
Maria Lynvern: Ah talaga 🙂 kaya pala ilang beses ka nayakap ni Alexa
Yakap lang yun
Wala naman ibang meaning yun
Maria Lynvern: Sus palibhasa lalaki ka
Mas okay ba sayo kapag lalaki rin yayakap sakin?
Maria Lynvern: Ikaw bahala baka gusto mo lalaki kasi mula nung naghiwalay tayo ayaw mo na sa babae wag ganun ah
Bwisit ka talaga Mia
Maria Lynvern: HAHAHAHAHAHA yung totoo bebewaps nag-iba ka na ba ng gusto?
Bwisit hindi
Kung makaarte naman to akala mo niloko ko
Maria Lynvern: Ganyan nga kasi dapat magpapaliwanag ka kapag may nakita kong di ko nagugustuhan
Arte mo
Parang ang cheater ko sa paningin mo
Maria Lynvern: Buti naman di mo na ko tinatanggi
Di naman tayo
Maria Lynvern: Hindi pa tayo
Maria Lynvern: Correction lang kasi baka nagkamali ka din pero okay lang kaya nga ako nandito para itama lahat ng magiging pagkakamali mo swerte mo talaga
Sana itama mo rin yung mali ko nung nakaraan
Maria Lynvern: Anong pagkakamali ba yan? Akin na magaling akong magtama
Ikaw
Maria Lynvern: Sabi na nga ba nagsisisi kang iwan ako eh okay lang yan bebewaps nandito na ko ngayon di na ko mawawala ulit sayo
Bwisit ka!
Maria Lynvern: Di mo pa rin sinasabi sakin kung sino si Miss A
Maria Lynvern: Kapag talaga di totoo yan kakalbuhin ko yun si Alexa
Baka naman si Alexa lang yan
Tamo A din siya
Wag ka kasi magpapaniwala sa sabi sabi ng iba
Maria Lynvern: Di nga ako naniwala sa kanya kaya nga tinatanong kita di ba? Naku JK isip isip din kasi gamitin mo yang ulo mo sa taas ako na bahala sa baba
MIA!
Maria Lynvern: Char kung di ka pa ready sa mature role pero ako redi na rekdi pwiding pwidi na mag start HAHAHAHAHA
Ewan ko sayo
Maria Lynvern: Bwisit na Alexa yan sabi na nga ba nuknukan yan ng sinungaling humanda sakin yang babaeng yan kakalbuhin ko yan kapag nakita ko yan
Maria Lynvern: Miss A Miss A pang nalalaman di naman pala totoo sasabihin pa kasama niyo
Avianna?
Maria Lynvern: Sino si Avianna?
Siya si Miss A?
Girlfriend ko?