29

12 3 5
                                    

Mia Vera Cruz

11:37 AM

Uwi na ko

Sasama sila lahat

Mia Vera: Talaga?

Mia Vera: Baka naman kaya ka uuwi kasi may trabaho pa rin kayo dito

Mia Vera: Kaya kasama mo sila kasi trabaho pa din

Haha! Hindi po ma'am

Bakasyon talaga kami

Pero tatlong araw lang siguro kami dyan

Mia Vera: Ang bilis naman.

Okay na yun ma'am Mia ☹️

Kaysa wala di ba?

Ang importante makakauwi ako dyan.

Promise susulitin natin ang bakasyon ko dyan

Kung kailangan palayasin natin sila araw-araw para hindi sila makasagabal sa atin, palalayasin natin sila.

Mia Vera: Hanggang ngayon ba naman hindi ka marunong mag-asikaso ng bisita?

Hindi natin sila bisita

Mga istorbo sila

Mia Vera: Bakit mo sila isasama kung istorbo pala sila?

Naaawa ako sa kanila eh

Wala silang ibang mapupuntahan

At least magkakaroon ka ng pitong magsasaka, ayaw mo ba yun?

Mia Vera: Ang gwapo naman ng mga magsasaka ko.

Mia Vera: Wala akong ipapa-sweldo sa inyo. 😂

Ma'am kami pa magbabayad sayo

Utusan mo lang kaming magsaka at mag-araro

Mia Vera: Oo na!

Mia Vera: Kailan ang uwi ninyo para makapaghanda ako

Mamayang gabi

Mia Vera: Agad?!

Ayaw mo na ba kong makita Mia?

Kanina ko pa napapansin, tanggi ka ng tanggi sa akin.

Mia Vera: Wala na kasi akong mabibilhing sariwang karne at isda sa palengke ngayon!

Hayaan mo sila.

Mia Vera: Magpapahanap ako.

Mia Vera: Ayos lang ba sa inyo kung mag-iihaw na lang ako ng liempo para sa hapunan?

Ang sarap naman Mia ko 😭

Gusto mo bang lumipad na ko pauwi sayo?

Mia Vera: May mga isasama ba kayong bisita?

Mia Vera: Mga ilan ba kayong pupunta?

Mia Vera: Maghahanda na lang ako ng para sa dalawampung katao.

Mia ko, ang dami naman masyado.

Uuwi lang kami dyan.

May balak ka bang katayin kami bago matapos ang linggo?

Mia Vera: Para namang hindi kita kilala?

Mia Vera: Napakalakas mo kayang kumain.

Sige Mia ko

Samahan mo na rin ng ensaladang mangga at bagoong ang inihaw ko 😂

Mia Vera: Opo kamahalan! Mag-iingat kayo sa biyahe.

Masusunod, kamahalan!

HAHAHAHAHA

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon