Chapter 10 - First Day

1K 37 9
                                    

Sean POV

"Gooood Morninggggggg mga Bestfriends!!" bati ni Carlo

At yepp! Tama kayo sa mga iniisip niyo, we are on-air for the first time!

"Goooood Morninggggg sa inyo! At Good Morning sayo partner!!" akin namang bati

"Goodmorning din sayo partner!! At dahil unang araw natin as DJs dito sa 92.43 LoveMore Radio FM, gusto ko lang pasalamatan ang mga bosses natin ,dahil pinagkatiwalaan nila tayo, diba partner?"

"Oo naman partner, lalong lalo na sa napakagwapo nating boss na nakabantay sa atin ngayon Hahaha si Sir Niccolo Dizon! Hi Sir! At Salamat sayo!" kumaway ako kay sir at sinuklian naman niya ito nag ngiti.

"Yess! Thank you sir! At bago namin makalimutan mga kabestfriend ay magpapakilala na muna kami, Ako ang super sexy duper hot ninyong nakapaghatid ng mga sulat, Ako si Carlo -- Carlo Kartero!"

"At siyempre mga kabestfriend, Ako naman ang DJ na kung saan-saan napupunta Hahaha, Ako si Luke--Lukewatsero!" (Authors Note: Aminin niyo, medyo waley yung intro ni Sean as "Lukewatsero" no? hahaha pagpasensyahan niyo na muna ha? Iisip ako ng mas maganda hehe)

"At dahil new DJs kami dito sa LoveMore FM ay hahayaan naming kayong magtanong ng tungkol sa amin"

"Tama yan mga kabestfriend, hahayaan naming kayong magtanong sa amin for the whole 3 hours na magkakasama tayo ngayong umaga! Kaya naman itxt niyo na sa amin ang mga tanong niyo, just LMR space your question at isend niyo yan sa 1234"

"O kaya naman magtanong na sa amin sa aming official fb fanpage, that's 92.43 LoveMore Radio Official, hintayin niyo yung post at icomment na ang inyong mga tanong!"

"That's right, keep sending those questions dahil ngayong araw lang namin yan sasagutin :)"

"Dahil bukas bibigyan namin ng pansin ang mga problema ninyo! Uhuh! Tama ang narinig ninyo, dahil bukas bibigyan namin ng mga kasagutan ang mga problema ninyo"

"At kung may problema kayo ay pwede ninyong isangguni sa amin yan, pwede niyong ipadala ang mga mensahe niyo sa aming official fb accounts, that's Lukewatsero (Official) at Carlo Kartero (Official)"

"Tama yan, at bukas na bukas na yan mga kabestfriend!! At mamayang alas siyete ulit kami magbabalik ni Lukewatsero para sa inyong mga tanong"

"Tama ka dyan Carlo, kaya manatili paring makinig sa istasyong kayo ang bestfriend ...."

"92.43 LoveMore FM, iba to!!" sabay naming sabi ni Carlo at agad na pinatugtog ang "Stop" ng Spice Girls.

Tinanggal ko ang headpiece sa ulo ko at bumuntong ng hininga. Hayy!! Sa wakas nairaos ang first on-air!! Woohhh!

"Huyy! Best! Okay ka lang?" tanong sa akin ni Carlo

"Oo best, nabunutan lang ako ng tinik na nasurvive natin yun"

"Kaya nga e, di bale sa tingin ko nagawa natin yun ng maganda"

"Sana nga best" at ngumiti ako sa kanya

"Mahaba haba pa oras natin best, hinga ka muna ng malalim para medyo marelax ka :)"

"Salamat best"

Mga ilang minuto pa ay biglang pumasok sa loob ng booth si Sir Niccolo na may dalang tubig.

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now