Chapter 6 - The List and his OOTD

1.3K 42 6
                                    

Mark POV

                Pagkalabas ko ng Office ni Niccolo ay pumunta ako kaagad sa Office para i-photocopy yung list ng names ng mga nag apply, hindi ko rin kasi pwedeng iuwi ito kelangang ibalik rin to mamaya maya kaya much better nalang na iphotocopy ko to para magkaroon ako ng sariling copy. Pagkatapos kong ma-photocopy ang list ay pumunta na ako sa office cubicle ko para tignan ito for the first time at siyempre para iinspect narin ang list. Babasahin ko palang ay unang pangalan ng biglang may nagsalita sa likod ko.

                "Mark, saan ka ba galling? Hindi mo ba alam na marami tayong gagawin ngayon?" tanong sa akin ni Bryan, workmate ko.

                Agad kong tinago ang photocopied list sa drawer ko at sumagot ako sa kanya.

                "May kinuha lang ako kay Sir Niccolo"

                "Kay Sir Niccolo? Ano naman yun? Yan bang nasa desk mong folder?" tanong niya sa akin.

                "Oo" maikli kong sagot sa kanya

                "Oh Sya Sya! Halika na nagagalit na Head doon"

                "Sige, ililigpit ko lang to"

                "Sige, dalian mo ha?"

                 "Oo naman"

                "Oh sya, una na ako" sabi niya sa akin.

                "Sige sige"

Pagkaalis niya ay inayos ko na ang desk ko at kinuha ang bag ko. At ngayon ay papunta na ako sa conference room. Pagkapasok ko sa conference room ay agad akong binati ni Sir Darwin.

"Uy! Nandito ka nap ala Sir Mark, nandito na ang VIP natin makakapag umpisa na tayo" pabirong bati sa akin ni Sir.

"Sir naman oh" nahihiya kong tugon sa kanya habang umu upo ako sa chair ko. Ngumiti lang sa akin si Sir.

"Okay, now that we are all here, we can start this meeting. This meeting's agenda are the following .............." at nag umpisa na ang meeting. Tinignan ko ang oras alas 10 nag umpisa ang meting

Natapos ang meeting eksaktong alas 2 na ng hapon, apat na oras din kaming nakaupo at nakikinig sa mga diskusyon sa conference room, buti nalang hindi kami nagutuman dahil may food na pinadala ang management. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay pinagawa na kami kaagad ng mga plano para sa constructions ng mga bagong tower na gagawin para sa pagpapalawak ng area kung saan pwedeng pakinggan ang 104.1 LoveMore Radio. Dire-diretso ang trabaho kungbaga walang pahingahan. Eksaktong alas 5 na nang hapon nung natapos kami sa ginagawa namin, may mga minor adjustments pa kaming gagawin bukas para kunti nalang ang ipabago sa amin pagdating ng presentation sa Monday.

Sa sobrang pagod ay umuwi na ako agad para makapagpahinga at habang nakasakay ako sa jeep naramdaman kong parang hindi ako kompleto parang may nakalimutan ako at kahit na anong gawin kong pagalala ay hindi ko parin maalala kung ano yun. Pagkadating ko ng bahay ay iniisip ko parin kung ano yun pero wala parin, hinahap ko din si Mama sa buong bahay pero wala siya baka may pinuntahan  kaya nagpasya na muna akong kumain ng pang gabihan. Habang kumakain ako ay pumasok si Mama sa pinto. Tinanong ko kaagad siya,

"Ma, saan kayo pumunta?"

"Sa kapitbahay Nak, nangapit-bahay lang wala na kasi ako magawa dito sa bahay"

"Mabuti naman Nay at lumabas kayo para hindi kayo makulong dito at ng magkaroon kayo ng exercise"

"Oo Nak, ano masarap ba yang luto ko?" pangiting tanong ni Mama sa akin habang umupo sa upuan sa kabilang dulo ng mesa.

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now