Chapter 3 - Chat

1.8K 51 11
                                    

Mark POV

                Pagkapasok ay sinara ko kaagad ang pinto at umakyat agad sa kwarto para makapagpahinga na, sa dami ba naman ginawang trabaho kanina sa office dumagdag pa yung pagkalito ko sa aking sarili nung nakita ko yung lalaking yun.  Binaba ko lahat ng gamit ko at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot kong kama.  Hindi naman ako dapat nakakaramdam ng ganitong apeksyon o kung ano man ang tawag sa naramdaman ko noong nakita ko yung lalaking yun. Mali ito! Sobrang mali ito! Bakit sa kapwa ko lalaki?! Bakit? Bakit nung nakita ko tumigil ang mundo ko? At bakit nung tumingin siya sa akin para akong natunaw sa kinatatayuan ko?? Arggggh!! Ayoko ng ganito!!

                Kelangan ko ng mapagsasabihan, Tama kelangan ko yun!! Yup Yup!! Kay Mama kaya?? Teka teka, hindi ko pwedeng sabihin kay Mama ang nangyayari sa akin ngayon nu? Anong sasabihin ko sa kanya? Na confuse ang anak niya sa pagkatao niya? Hindi pwede yun baka mahigh blood pa si Mama. Pero kanino ko dapat sabihin to? Kelangan ko tong masabi kung hindi baka sasabog na ako sa sobrang pag iisip. Kanino ko dapat sabihin? Arghh! Pati ba naman kung kanino ko sasabihin ay pinoproblema ko? Pero may biglang pumasok sa isip ko, paano kung may mapagsabihan nga ako ay baka mahusgahan ako? Ano ba naman to?? Nagiging komplikado na lahat!

                Bumangon ako at tumingin tingin sa paligid at nakita ko yung laptop ko. Tama! Sa blog site nalang ako magtatanong at magsasabi ng sitwasyon ko ngayon. Doon kahit sabihin ko problema ko hindi nila ako kilala. Tinurn on ko yung laptop at pumunta sa blogsite, pagkaload ng page ay naglog-in na ako kaagad:

                Username: trademarky12

     Password: ***********

                Pagkalog-in ko ay nagtanong na ako kaagad sa mga nasa chatbox kung pwede ako magtanong ng serious matter at thankful ako dahil pumayag naman sila. At tinype ko:

                trademarky12: guys, I have problem kasi confuse ako sa sarili ko ngayon mula nung nakita ko tong particular boy na to ay hindi ko mapigilang hindi isipin siya at isiping dapat akin lang siya. Isang beses ko palang siyang nakita pero ganun na agad ang nararamdaman ko para sa kanya. Anong gagawin ko guys? Help me naman oh :(

                Buong puso kong tanong sa kanila.

                May mga sumagot agad pero jokes lang at hindi seryoso, tulad nalang ng:

                "Wala libog lang yan at kung libog lang naman sa akin mo na ituon yan, add me sa skype thunderrific69", at;

                "Himas lang yan pre hahaha LOL"

                Halos isang oras na nung nagtanong ako pero puro ganyan ang natatanggap kong  payo, kung payo mang matatawag ang mga sinasabi nila sa akin merun ding mga hindi ganyan pero puro ganito:

                "Okay lang yan pre", at;

                "Kaya mo yan tol /dude".

                Naappreciate ko naman yang mga encouraging words nila pero wala yung sagot na hinahanap ko para sa akin kulang na kulang ang encouragement kung walang specific answer. Medyo naging demanding ako  lang ako pero serious matter kasi to e at kelangan ko ng serious din na advice.

                Makaraan ng isat kalahating oras mula  nung nagtanong ako pero puro ganun padin. I even told them na sana yung seryosong advice naman pero makulit talaga sila e at gusto lang siguro nilang gawin is to lighten my mood sa mga sinasabi nila pero its not working they are making it worse. Susuko na sana ako ng may nagpm sa akin at yung nagpm ay yung user na ay aabangan kong maglog-in para kausapin, si querkykid.

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now