Chapter 8 - Hi's

1.1K 40 4
                                    

Mark POV          

                Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay natapos na din ang operasyon kay Angel ko. Naging matagumpay ang operasyon sa kanang braso niya at kasalukuyang nagpapahinga sa isang kwarto dito sa ospital. Nandito din sa kwarto sina Niccolo, na nakaupo sa isa sa silya sa gilid ng kwarto, at si Kristian, ang frontdesk officer ng istasyon, na nakaupo sa isa sa mga silya at kanina pa na kanina pa may kausap sa telepono.

Tumingin ako sa natutulog na form ng Angel ko,Kasalanan mo to Mark! Kung hindi ka sana nagmamadaling lumabas sa pinto ay hindi ito mangyayari sa taong mahal mo! Ang tanga mo! Sabi sa akin ng konsensya ko

                Anong magagawa ko? Aksidente lang ang nangyare :( pero tama ka, kasalanan ko nga ang nangyare sa kanya, tugon ko sa konsensya ko

                Nagiging weird na ako, pati ba naman konsensya ko kinakausap ko na. Pero ano ba ang pwede kong gawin para sa kanya? At sa dami ba naman ng pwedeng instances na magkikita kami ganun pa?? Ang malas naman! Im sure pag nagising siya magagalit siya sa akin at hindi ko siya masisisi, kasalanan ko kung bakit nabali ang braso niya at kung bakit siya nandito ngayon sa ospital.

                "Arrrgh!" ang ungol ko habang nasa kailaliman ako ng pag iisip

                "Mark, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Niccolo

                "Hindi Niccolo e, kasalanan ko kung bakit siya nandyan ngayon" miserable kung tugon sa kanya. Maari siyang magtaka kung bakit ganun nalang ang pag aalala ko kay Angel ko pero sa ngayon wala akong pakialam sa sasabihin niya ang importante sa akin ay kung paano ako hihingi ng tawad at makakabawi sa kasalanan ko sa Angel ko.

                "Hindi mo kasalanan Mark, aksidente ang nangyare hindi mo to ginusto"

                "Pero ——"

                Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matandang babae, note: magandang babae, at sumunod ang isang lalaki na familiar sa akin, tama! ang bestfriend ng angel ko, na agad agad pumunta sa kama kung saan natutulog ang Angel ko. Sumugod silang dalawa sa kama na parang hindi nila kami nakitang tatlo, marahil sa sobrang pag aalala kay Angel ko.

                "Nak! Anong nangyare sa iyo?" paiyak na tanong nito habang hinahaplos niya ang mukha ng Angel ko. Tinawag niyang 'Nak' si Angel ko, siya ang Nanay niya. Hindi ako nagtataka kung bakit napakaganda ng mukha ng Angel ko dahil nakuha niya ito sa kanyang Mama.

                "Ehem! Excuse me po" biglang sabi ni Niccolo, kaya napatingin sa kanya lahat ng nasa kwarto.

                "I'm Niccolo po, manager ng Anak niyo at pati ni Carlo, Im so sorry po tungkol sa nangyari kay Sean, don't worry about the bill dito sa hospital because it will be fix by the company"

                "Dapat lang! Ano ba kasing nangyari bakit nabalian ng braso ang anak ko?!" galit na sagot ng Mama ni Angel ko. Lahat kami sa kwarto ay nanigas sa biglang pagbulalas niya ng galit.

                "Ehrm! Naiintindihan ko po kung bakit galit kayo pero aksidente po ang nangyare" magalang na sagot ni Niccolo sa nag aalalang nanay ni Angel ko. Pero hindi na sumagot ang nanay at binaling nalang ang tingin sa kanyang anak.

                Bigla namang pumunta at kinausap ni Carlo si Kristian sa gilid,

                "Salamat sa pag inform sa akin ha?" nahihiyang pasasalamat ni Carlo kay Kristian. It all made sense si Carlo ang kanina pang kausap ni Kristian sa telepono.

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now