Chapter 9 - Heartbeat

1.1K 35 3
                                    

Sean POV

                Today is Sunday, kakalabas ko lang ng ospital kahapon matapos akong maoperahan at maconfine ng isang araw. And guess what? Start na ng work naming as DJs bukas, siguro nafefeel niyo yung frustration sa pananalita ko nu? And to tell you the truth ayaw kong pumasok bukas! Kasi wala pa kaming naiisip na concept sa program naming. Kung hindi ba naman kasi ako naaksidente e mmm kung iisipin mo nga naman naaksidente man ako o hindi ay ganito parin ang sitwasyon. Nakakafrustrate lang ng bonggang bongga Hayyyy!

                "Uy! Best! Relax ka lang dyan" sita sa akin ni Carlo

                "Pano ako magrerelax best! Wala pa tayong naiisip na concept! Bukas nay un oh! At alas nuebe na ng gabi, do you think makakaisip pa tayo ng concept?"

                "Wag ka ngang OA best, may naisip na ako"

                "At ano yun?"

                "Siyempre, dahil bago palang tayo pwede tayong magpa open forum magtatanong sila sa atin ng kung ano ano para makilala nila tayo"

                "Pwede yan best, para sa first day natin, e paano sa second day? Nganga tayo?"

                "Hindi ko nga naisip yan best ha?" kumamot sa batok si Carlo

                "Diba? Ano kaya ang permanent na concept natin?"

                "Ting! May bright idea ako best!"

                "At ano naman yun?"

                "Diba best? Mahilig kang magpayo?"

                "Oo at?"

                "Tama yan during our first day sasabihin natin na kung sino ang mga may problema pwedeng magpa advice sa atin"

                "Hmmm! I like that best ah, pero hindi naman pwedeng puro payuhan ang mangyayare sa programa natin best"

                "Kaya mag iisip pa tayo best, wait lang chill"

                At pagkaraan ng islang minute ay biglang nagsalita si Carlo,

"What if best, mayroon tayong question for the day? Na kelangang sagutin ng mga listeners?"

"Pwede din best, kung 3 hours tayo on-air at 1 hour and thirty minutes tayo magsasalita? Paano ang division ng oras natin?"

"Pwedeng sa unang 30 minutes natin, that's between 6 to 6:30 a.m., pwedeng iraise na natin yung tanong of the day at pwede na tayo magsingit ng 1 or 2 na problemang papayuhan natin, tas sa pangalawang pag on-air natin, that's 7 to 7:30 a.m., dun natin babasahin yung mga sagot nila sa, tanong of the day at sa pangatlong pagkakataon na magsasalita tayo sa araw na yun, that's  8:30 to 9 a.m, tas magpapayo ulit tayo sa mga problema nila and then magbabasa pa tayo ng mga mga sagot nila sa ating tanong of the day at sa huli tayo ang sasagot sa tanong at finally magpapaalama at off-air na tayo" precise na pagkakasabi ni Carlo.

Infairness sa bestfriend ko ah? Alam na niya ang gagawin namin, pati oras allotted na! pero teka teka? Halos magkanda hilo hilo ako kakalakad dito hindi man lang niya sinabi na may plano na pala siya!

"Teka teka! May plano ka na pala bat hindi mo man lang sinabi sa akin?" pagalit kong sabi kay Carlo

"Kasalanan ko ba e hindi ka nagtatanong e" sarcastic niyang sagot

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now