Chapter 2 - Turmoil Building

2.4K 60 14
                                    

Sean POV

                "Hoy! Gising na!!" panggising na tawag sa akin ni Mama

                "Mmmm! Ma inaantok pa ako ee"

                "Anong inaantok pa?! Hindi ba may pupuntahan ka ngayon?? Nandyan na yung kasama mo!"

                At sa sinabing yun ni Mama biglang nagising ang inaantok kong ulirat at napabangon agad-agad. Oo nga pala nu? May lakad kami ngayon ng bestfriend ko, mag aaply kami biglang radio dj's sa isang station ng radio dito sa dagupan.

                "Nandyan na Nay, babangon na po!"

                "Mabuti pa nga kasi kanina pa naghihintay dito si Carlo" sabi ni Mama habang palabas ako ng kwarto.

                Paglabas ko sa kwarto. Nakita ko kaagad si Carlo, siyang ang childhood bestfriend ko at mula elementary hanggang college magkaklase kami (Yep! Solid na solid kami hahaha). Kung itatanong niyo kung Gay din ba si Carlo, abay tama kayo hehe parang kagaya ko rin bihis lalaki magdamit at hindi masyadong showy. Alam ko na ang nasa utak niyo e haha kung may nagging nakaraan ba kami pero wala pure bestfriends magkapatid ganun lang. Kahit na minsan napagkakamalan kami na magsyota kasi wagas siya kung maka akbay, maka hawak sa beywang ko at higit sa lahat palagi niya akong niyayakap tuwing magkikita kami. Cute si Carlo, gustuhin talaga ng parehong babae at lalaki, at take note marami natong napaiyak both females at male's hehehe. Mabait, makulit at malambing na kaibigan si Carlo, halos lahat ng problema nandyan siya para sa akin handang tumulong at siyempre ganun din ako sa kanya.

"Best!! Namiss kita best best ko, antukin ka tlaga best haha" pagbati ni Carlo, sabay yakap sa akin

"Best naman e, alam mo namang mahal ko ang kama ko e"

"Mmmm sinong mas mahal mo sa amin ng kama mo?" pacute na tanong ng bestfirend ko sa akin at take note nakayakap parin siya sa akin

"Pag iisipan ko lang ha?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin siya sa akin ng mabuti habang ako ay nagkukunwaring nag iisip ng mabuti

"Mmmm wait lang ha? Ang hirap e" hirit ko pa

"Best nman eee please please ako piliin mo" at binigay niya sa akin yung pinakamaganda niyang puppy eyes at mas lalo pang naging cute ang bestfriend ko. Tumingin ako sa kanya sa mata medyo titingala ngalang ako kasi mas matangkad siya kesa sakin. 5'8" siya ako naman 5'5" (Authors Note: Hindi ko alam yung sign ng feet at inches hahaha I might be wrong pagpasensyahan niyo na po ).

"Ito na ang aking desisyon ang pinipili ay ............. *evil laugh* siyempre IKAW  best"

"Yehey!" at niyakap nanaman niya ako. Minsan talaga para ko siyang nakakabatang kapatid sa mga cute niyang galaw hahaha pero Im glad na siya ang bestfriend ko.

"Hehehe bitiwan mo na ako best nang makapaghanda na ako at makaalis na tayo"

"Sige sige best hintay kita dito nood muna ako tv" pangiting sabi nya sa akin

"Hahahala sige iswitch mo na yang tv" at pumunta na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay kumain na ako at nagtoothbrush at ready na ako. Pumunta na ako ng sala at naabutan ko siya na nanunuod parin.

"Best punta na tayo, halika na"

Lumingon siya akin at sabing

"Ano best? Halikan na? grabe ka Best sabi ko na nga ba e, may pagnanasa ka sa Best friend mo e"

At hindi ko pala nabanggit sa inyo, may pagkamalandi at mahangin itong bestfriend ko. At sa tuwing ginagawa niya ito, hindi tlaga ako makakilos at para bang nababato ako sa isang lugar, hindi kasi ako sanay na nilalandi o kung ano mang tawag sa ginagawa niya ngayon, oo malimit nyang ginagawa at dapat nasanay na ako pero hinding hindi tlaga ako masasanay at promise yan.

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyWhere stories live. Discover now