Chapter 7 - Accident

1.2K 50 8
                                    

Sean POV

Pagkapasok sa building ay eksakto ay 8:30 na ng umaga merun pa kaming 30 minutes bago mag alas nuebe ng umaga.

"Uy! Best san tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Carlo

"Malay ko ba, hindi ba sinabi sayo ni Sir Niccolo kung saan niya tayo imemeet?"

"Hindi e, mabuti pa magtanong nalang tayo sa frontdesk"

"Yess" pabulong na sabi ni Carlo

"Bat ka bumubulong dyan?"

"Ee kasi pupunta tayo sa frontdesk e, may cute na lalaki dun na kanina pang tumitingin sa akin" pakilig na sagot ni Carlo

"Ayan lumalandi ka nanaman" at tinignan ko nga ang lalaking nasa frontdesk, cute siya matangkad , moreno at mapupungay na mga mata, all in all pogi siya.

At pumunta na nga kami sa frontdesk

"Hello, Goodmorning" bati ko sa kanya

"Hi, Goodmorning Sir! How can I help you po?" bati niya sa akin at kay Carlo, na super kinikilig na sa tabi ko. Alam niyo kung pano ko nalaman? Ang higpit higpit na ng hawak niya sa braso halatang pinipigilan niyang ipahalata ang kilig niya Hahaha

Ang iniiwasan ko kung ganito siya ay yung pananalita niya

"Ka ---" sasagot na sana ako ng sumagot siya. Nako! Paktay tayo nito

"Keshi hinehenep nemin shi Shir Niccele e kemi pele yerng mge begeng deyjees hihihi" sagot niya. Alam niyo na ngayon kung bakit hindi pwedeng kinikilig si Carlo kasi nag iibang tao siya Haha

Tumingin sa kanya yung cute guy at tumawa siya ng napalakas

"Hahaha ano yun sir? Hindi ko kayo naintindihan hehe" taning niya kay Carlo

Sasagot nanaman sana si Carlo ng sumabat ako

"Pasensiya na ah? Ganyan talaga yan pag sinasapian hehe Btw I am Sean at siya si Carlo, pinatawag kami ni Sir Niccolo for the orientation, kami pala yun gmga bagong dj's" pangiting tugon ko sa kanya

"Ayos lang sir, dapat pa nga ako magpasalamat sa kanya kasi napatawa niya ako ng ganun hehe Ay oo pala sir, nasabihan na po ako ni Sir tungkol sa inyo pwede na po kayong umakyat sa 3rd floor nandun po yung office ni Sir nandoon narin po si Sir"

"Sige sige thank you ha?" sabi ko sa kanya

"My pleasure sir Sean, sir Carlo right?" tanong niya kay Carlo

"Yiish" sagot nito sa parehong boses haha

"Thank you sir at napatawa niyo ako" sincere na sabi nung cute na guy

"Yer welkem hihi ene pele neym mew?" tanong ni Carlo pero mukhang hindi ito naintidihan nung cute guy kaya ako na ang sumagot

"Ano daw pangalan mo?" sabi ko sa cute guy

"Ah hehe cute Im Kristian ho sir Carlo"

"hihi cute nemen ng neym mee hihihi Krishtien hihi" pabebeng sabi ni Carlo haha

"Mas cute po kayo sir" sabi ni Kristian kay Carlo sabay kindat, kaya itong bestfriend ko halos mahimatay na sa kilig haha kaya kelangan ko na siyang ilayo kay Kristian for now baka himatayin pa siya dito hahaha

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon