16

6K 241 48
                                    

"May gusto ka kainin? Bibilhan kita." Tumalikod lang si Aviah sa akin. Nagbuntong hininga ako.

Kasalukuyan kami nasa ospital ngayon. Sabi ni dok, ayos na raw si Aviah ngunit kung di raw siya nadala agad sa ospital ay tiyak na may mangyayari sa kaniyang masama at sa baby. Pwede rin nga siya lumabas kaso mas pinili ni gov na magstay muna si Aviah sa ospital. Speaking of gov, nang di pa nagigising si Aviah doon ko napatunayan na bawal siya galitin dahil binugbog niya ako. Pinunta niya ako roon sa isa isa mga lumang bahay nila at doon ako binugbog. Kulang na lang ay baril niya ako kaso mukhang naalala niya ang kaniyang anak kaya di niya natuloy.

When I returned home, nakita ako ng Mama ni Aviah at sinermonan si gov kaso di ito nakinig kesyo ginawa niya lang iyon para sa kaniyang anak. And I can't blame him for doing that. May kasalanan din ako kung bakit dinugo si Aviah. Ako naman kasi ang huli niyang kinausap that cause her stress.

May sigawan pa.

"Your friends will be here after there class. I also texted Nicholas to go here and he said okay and he will bring foods you like." I added as I slice an apple. She had no response about it. Nagbuntong hininga ako.

Mula nang magising ito ay hindi na niya ako pinansin. Hinayaan ko na lang tutal ako naman ang dahilan kung bakit muntik na mawala ang baby niya.

"Your father and mother will go here after there meeting." Kinuha ko ang ini-slice na apple at kinain ito. Sarap. Isa pa nga. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa naubos ko ang ini-slice ko na apple. Di bale, magslice ulit ako.

"Bwisit ka talaga." Lumingon ako sa direksyon ni Aviah na ngayo'y nakatingin sa akin nang masama. Ano na naman ginawa ko? "Ayos mo naman talaga kausap. Di mo man lang ako pipilitin na sabihin kung ano gusto ko kainin."

"Di ka kasi nagsasalita kaya I assume na hihintayin mo yung pagkain na dala ni Nicholas."

"Labas." Tinuro pa nito ang pintuan. "Ayoko makita ang pagmumukha mo. Naiinis ako sayo."

Magsasalita sana ako kaso bigla nagring ang phone ko kaya mabilis ko ito kinuha sa aking bulsa. I saw Liana's name on my screen. She's calling me through instagram. I was about to answer when Aviah asked a question that made eyes landed on her.

"Sino yang tumatawag sayo? Nanay mo ba yan?"

"No, it is som—"

"Give it to me. Your cellphone." Nilahad pa nito ang kaniyang palad while tumaas ang kanang kilay nito. Tingnan ko ang phone bago binalik sa kaniya. Nagdadalawang isip ako ibigay ito sa kaniya. "C'mon give it to me kung ayaw mo magdagdagan yang mga pasa mo."

Lumapit na lang ako sa kaniya at binigay ang phone ko. I'm not afraid na makakuha ulit ng mga pasa. It just that I don't want to be her stress at this time again.

"Liana." Banggit nito sa pangalan ni mahal. Bumaling ito sa akin at sobrang sama ang tingin sa akin dahilan para mapalunok. Iba kasi ang tingin nito, yung tipong papatayin talaga or worse ipapatay. "Wala bang importante rito? Like important photos? Videos? Files?"

"Wala naman. Bakit mo na—Bakit mo tinapon ang phone ko?" Hindi makapaniwalang wika ko.

Tinapon niya ang phone ko roon sa dingding. Sa sobrang lakas, nagkapira-piraso ito.

"Nadulas ang kamay ko."

Ha? Nadulas?! Hindi man siya nadulas sa pagtapon dahil kitang-kita ko ang gigil niya nung tinapon niya iyon. Sinadya niya iyon! I was about rebutted nang tumalikod ito sa akin.

"Don't worry bibilhan kita ng bago mong phone. Yung keypad na nokia 1100. Matibay iyon. Iyon na lang gamitin mo. Pambawi ko sa nadulas kong kamay." Talagang diininan nito ang salitang nadulas.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now