06

5.9K 237 15
                                    

A/N: MWF po ang update. TTH, Saturday and Sunday po ay pahinga ko.

•••
"Nay, kasal na po ako." aniya ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ako na magbar si Aviah ay dahil sa aking ina. Ngayon ang labas niya sa ospital kaya kailangan ko siya samahan. "Nay!" Lumapit ako sa aking ina nang umupo ito sa upuan na tulala. "Ayos lang kayo? Gusto niyo po ba bumalik sa ospital?"

Kakarating lang namin sa bahay ngunit ganito na ang nangyayari sa kaniya. Mukhang mali na umalis pa kami sa ospital kaso ang sabi ng doctor ay maayos na raw siya.

Bumaling ito sa akin ng tingin. Akmang magsasalita sana ako nang kutusan niya ako.

"Ang bata-bata mo pa, asawa ang inatupag mo!"

"Aray, Nay!"

"Di ba sabi ko sayo ay unahin mo muna ang pag-aaral kaysa pagjojowa na yan? Salustio naman, alam mo naman mahirap lang tayo." Hinilot nito ang kaniyang sentido. "Kailan ka manganganak?"

"N-Nay, hindi po ako buntis." Masyado ata na-advance ang utak niya. Siguro dahil kagagaling namin sa ospital.

"Anong hindi? Hindi ba't ang mga kabataan ngayon kaya nagpapakasal ay buntis, arrange marriage, mahal ang isa't isa at nakabu—teka, huwag mong sabihin na nakabuntis ka? Anak naman, dapat gumamit ka ng proteksyon. Napakahirap ang buhay ngayon."

"Nay, hindi po ako nakabuntis or buntis," paglilinaw ko. Ayoko na magconclude pa siya ng kung ano. Sinabi ko na sa kaniya ang totoong rason kung bakit ako nagpasakal este nagpakasal. Sinabi ko halos lahat sa kaniya tungkol sa amin ni Aviah.

"Paano kung malaman ng pamilya niya ang panggagago niyo sa kanila habang kayo? Anong gagawin niyo?" tanong nito nang matapos ikwento ang lahat.

"Hindi ko alam," kibit balikat kong sagot. Hindi ko rin naisip ang bagay na iyon. Itanong ko na lang kay Aviah kapag umuwi na siya. Tumingin ako sa kisame. "Siguro hanggang hindi pa nila alam ngayon ay kailangan ko na magdasal at hilingin na sana ay wala pa silang alam."

"Dapat lang na magdasal ka dahil hindi biro ang pamilya niyang napangasawa mo. Pwede ka naman kasi tumulong pero sa pagpapakasal pa talaga ang tinulong mo. Sa oras na malaman nila yan, sigurado akong lagot kayong dalawa lalo ka na."

Totoo ang sinabi ni inay. Sa aming dalawa, ako talaga ang pinakalagot sa oras na malaman nila na niloloko lang namin sila. Ako ata sa amin ang pinakamaraming kasalanan. Nagpanggap na asawa at ama. Hindi lang iyon dahil nanghihingi pa ako ng pera kay Aviah kapalit ng pagpapanggap.

"Just be a good partner sa kaniya." Lumingon sa aking ina matapos niya iyon sabihin. "Kahit na pagpapanggap yan ay asawa mo pa rin siya. Kaya ingatan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan."

"N-nay..."

"Anak mo man o hindi. Pagpapanggap man o hindi. May pamilya ka at dapat na alagaan mo sila." Niyakap niya ako na siya kinataka ko. "Huwag ka sana maging katulad ng ama mo. Be responsible."

~~~

Tahimik na nanonood ako ng youtube sa tv nang makarinig ako ng sunod-sunod na doorbell. Mabilis na lumabas ako. Bumungad sa akin ang mga kaibigan ni Aviah na nasa labas ng gate.

"Ang aga niyo ata umuwi," aniya ko nang buksan ko sila. Pasado alas-siyete pa ng gabi. Ini-expect ko pa naman na uuwi sila ng alas dos.

"Aviah insisted to go home nang matapos niya makausap si Nicholas," wika ni Vivianny. Sa narinig, tumaas ang kilay ko.

"Nagkita sila?"

"Alam mo naman na mga boyfriend namin ay mga kaibigan niya, right? Di namin alam na sinama pala nila ang gagong yun. Kinausap niya si Aviah ng sila lang. Pabalik niya sa amin umiiyak na at gusto na niya raw umuwi. We insisted na ihatid siya kahit gusto niya umuwi mag-isa." kwento ni Adriana.

"Saan siya?" Pansin ko kasi na wala siya na lumabas. Same with Chaerin.

"Front seat together with Chaerin. Kinakausap siya. Pilit namin siya tinatanong kung ano bang pinag-usapan nila pero hindi siya sumasagot."

Mabilis na tinungo ko ang pwesto ni Aviah.
Kumatok muna ako bago ito buksan. I saw Chaerin looking at Aviah then me. Si Aviah naman ay umiiyak ata dahil gumagalaw ang balikat nito.

"Iyak lang siya ng iyak habang nasa daan kami. We tried to stop her because we know it is not good for her but she's too hard-headed. Baka masakit talaga ang pinag-usapan nila ni Nicholas." Chaerin informed me.

"Aviah, stop it. Buntis ka baka mapahamak yang dinadala mo." I touched her shoulder. "Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Nicholas at nagkakaganiyan ka? Wala ba siyang ginawa sayo na masama?"

Hindi namin kasi ito iiyak kung wala silang pinag-usapan na masakit sa part niya o ginawa.

She stops crying then she look at me. Kitang-kita ko ang pagpula ng kaniyang mga mata at ilong tanda ng kaniyang pag-iyak. Pero kahit ganito ang itsura niya, ang ganda niya pa rin. Totoo nga sabi nila sa school tungkol sa kaniya.

Kayang-kaya niya makuha ang puso ng kalalakihan o kababaihan dahil sa taglay niyang kagandahan.

Except for me. I admit. She is indeed beyond beautiful. Beautiful disaster.

"A-Aviah." Nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat nang lumabas ito at agad ako niyakap. Her shoulder wrapped my neck that made me touch her waist. Ang ulo niya ay nasa bandang balikat ko.

"We talked. Pinag-usapan namin ang tungkol sa amin at sa sitwasyon ko. Sabi niya, mahal na mahal niya ako but...he is not ready to become a father. I-abort ko na lang daw ang bata then mababalik pa ang relasyon namin. You know how much I love him, right? Sa lalaking naging boyfriend ko, siya lang talaga ang minahal ko ng sobra. Pero, Kith, hindi ko kaya ang gusto niya. I want to keep this baby. Gusto ko siya palakihin."

Tarantadong lalaking iyon! Mahal niya ang babae kaso hindi pa handa maging ama! Sana man lang gumamit siya ng protection bago niya siniping ito! Bwisit ang lalaking iyon.

Mabilis na nilayo ko si Aviah sa akin. Lumingon ako sa mga kaibigan nito. "Samahan niyo muna si Aviah habang wala ako."

"Ha? Saan ka pupunta?"

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

"Pupuntahan ko si Nicholas at susuntukin para magising siya."

"What? Baka mapahamak ka!"

"Wala akong pakialam! Basta maiganti ko lang kayo sa kaniya ay ayos na ako. Tarantado siya! Walang matinunong lalaki na sasabihin na babalikan ka niya sa oras na i-abort mo ang bata!"

Magsasalita sana ito nang makarinig kami ng mga busina. Lahat kami ay napatingin doon. Ngumiti ako ng makitang nasa akin ang swerte ngayon.

"Tol, hindi kami pinapasok noong guard sa labas. Binugbog na lang namin para pumasok. Ikaw na lang bahala doon ah. Tutal di mo man lang kami ini-inform na strict pala ang subdivision niyo," aniya Roni or should I say Ronia Christine Cruz na naka-motor na may side car kasama ang mga kaibigan namin na ganoon din.

Siguradong hindi kanila ang motor na dala nila ngayon. Kinuha siguro nila yang motor kay Mang Lando pang racing. Pero what? Did they punch the security guard? Mga tarantado talaga. Kaya palagi ako nagkakaroon ng mga kaaway dahil sa kanila katulad nila Tantan.

"Sino yang mga bebot na yan? Ikaw ha, todo tanggi na hindi kabilang sa amin pero ang totoo kasama ka rin namin sa pederasyon. Saan pala asawa mo?"

"Libre ba kayo ngayon? Pwede bang samahan niyo ako?" tanong ko sa kanila at lumapit dito.

"Oo naman. Syempre kaibigan ka namin. Ano pala ang gagawin mo?"

"May igaganti lang ako."

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now