04

6.2K 234 23
                                    

"Napakalaki naman ang bahay niyo," aniya ko habang dinadaanan namin ang bakuran nila na mala-Dao Ming Si sa Meteor Garden sa laki at ganoon din sa kanilang bahay. Ang lawak talaga ng lupain nila. Hindi ito pupwedeng lakarin dahil mapapagod ka. Mayaman talaga si Aviah at pamilya nito. "Marami kayong sasakyan," wika ko nang mapansin ko ang mga sasakyan na nakaparada di kalayuan.

"Yung iba diyan ay hindi amin," dinig kong wika ni Aviah habang nagmamaneho.

"May special occassion ba at maraming tao sa inyo?" patukoy ko sa mga taong naka-formal attire habang pababa sa kani-kanilang mga sasakyan. "Bukas ko na lang kaya kausapin ang tatay mo? Baka nakakaabala ako."

"No, you stay with me. You need to talk to him. Wala rin special occassion sa pagkakaaalala ko. Maybe I should ask him when I see him." Huminto kami di kalayuan sa bahay nila mismo. Seryoso, madami talagang mga tao na nandito sa labas. "Let's go," anyaya ni Aviah nang bumaba ito. Mabilis naman ako bumaba sa sasakyan niya habang nasa likod ko ang aking bagpack. Samantala, iniwan naman niya sa loob ang kaniya.

Pinagmasdan ko hindi kalayuan ang bahay nila. A classy yet big mediterranean modern house. Pansin ko rin ang mga table sa labas at red carpet. May mga nagseserve pa ng mga pagkain sa mga bisita. Nakasuot ng formal attire ang mga nandito.

Hindi ko maiwasan mahiya dahil mukhang may gathering sila. Nagpunta pa ako rito.

"Aviah, bak—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan nito ang braso ko. She wrapped her to mine. Kaya ending para kami magsyota.

"Don't mind them. Hindi yang gathering naman ang pinunta mo rito kundi si Papa," putol nito sa sasabihin ko. Napabuntong-hininga ako. She's right. This gathering is not the reason why I'm here.

Relax, Agisi. Kakausapin mo lang naman ang tatay niya tungkol sa magiging 'anak' ko at kay Aviah. Kailangan ko sabihin na 'pananagutan' ko si Aviah at bago pa mangyari ang 'kasal' aaminin ni Aviah ang totoo. Basta, si Aviah at Nicholas ang ikakasal. Kaya wala dapat ako ikatakot. This is a simple talk between me and Aviah's father. Kaya, relax, Agisi.

I stare Aviah as she held my hand. She stare me with a smile. "Relax ka lang. Don't be nervous na parang ikakasal tayong dalawa dahil hinding-hindi yun mangyayari." Tumango naman ako. Yes, it will never happen. "Tara." Then she dragged me.

Habang naglalakad kami, pinagmasdan ko ang mga taong narito. I saw some boardmembers, councilors, governors, vice-governors, mayors, vice mayors, mga kagawad at kapitan, business tycoon of the Philippines, a celebrities and many more. Hindi ordinaryong mga tao ang narito.

Ano ba kasi ang mayroon ngayon?

"Aviah," we both stopped walking when we heard someone called by her name. Hawak-hawak niya ako kaya huminto rin ako. I saw a familiar old man walking towards us. The former mayor of Gilartaz, Don Jose Alvarez, the great grandfather of Aviah. "Congratulation for the both of you," he said as soon he was in front of us. He took a glance at my direction. Napalunok ako sa klase ng tingin niya. Nakakasindak. Masasabi mong makapangyarihan ito. "I hope you will not hurt my great granddaughter, young girl or...young man. Hindi mo naman siguro gusto na makalaban ang katulad namin, di ba?"

"Po?" Nalilitong sambit ko. Sa totoo lang nalilito ako sa sinabi niya. Mula sa congratulation nito na hindi ko alam kung bakit at sa may pa-don't hurt.

He look at Aviah. "I wish you all the best, my great grandchild. Just tell me if he or she did something wrong and I will take care of him. Oh, yung regalo ko pala ay ibibigay ko lang pagkatapos ang araw na ito."

Aviah is about to say something when someone called her name.

"Aviah!"

I saw a woman walking elegant towards to our direction. She is in her mid of 20's. Halos lahat ng kalalakihan ay nakatingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi makakatingin sa isang Milthiadis Panea Savien. All about her is scream elegant and beauty. Ang pinsan ni Nicholas.

"Mil, what are you doing here?" I heard Aviah asked when Milthiadis is now in front of us. She smiled at Aviah. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Of course, I'm invited," she answered then she turn her gaze to me. "Siya pala ang tinutukoy ni Tito," she look at me head from toe.

"Invited?"

"Hi, there. My name is Milthiadis Panea Savien." Inilahad nito ang kaniyang palad sa harap ko. Tinignan ko lang ito.

Lumingon ako kay Aviah. "Let's find your father." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito nang magsimula akong maglakad. I even hear Milthiadis whisper.

"Anak ka talaga niya. Parehong mang-aagaw at gold digger."

~~~

"No! I'm not here for that!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko sa narinig ko sa tatay ni Aviah. Narito kami ngayon sa opisina niya dahil may pag-uusapan kami pero hindi ko inaasahan na ito pala yun. Kaya pala nag-congratulate yung great grandfather ni Aviah ay dahil dito pati na rin yung mga tao na nandito.

"Wala kang magagawa! Ako ang masusunod sa pamamahay na ito!" mariin nitong wika. Naikuyom ko ang aking mga palad. "Subukan mo takasan ang responsibilidad mo at natitiyak ko na may kalalagyan ang nanay mo."

"Huwag na huwag mong gagawin ng masama ang nanay ko. Kahit na isa kang ma-impluwensiyang tao, hinding-hindi kita uurungan."

"Then marry my daughter! If you don't want to happen something in your mother, follow me. Gaya nang sabi mo, maimpluwensiya ako. Kayang-kaya ko na paikutin ka sa mga kamay ko, Agisi."

Damn, rich people. Sa pera nila, maiikot nila ang mga gusto nilang paikutin. But not me. Hinding-hindi ko gagawin ang gusto niya dahil sa una pa lang, hindi ko nabuntis si Aviah. Ni hindi ko rin siya mahal. Kahit pagkakagusto sa kaniya ay wala.

"Hindi ganoon yun kadali dahil sa una pa lang hindi ako ang nak—"

"Kakausapin ko lang muna si Agisi, Papa." Hindi pa ako nakakapagsalita nang hinila niya ako papunta sa isang kwarto. Gaya sa isang kwarto kanina, magara ang pagkakadesign. Malinis din.

Lavender. Lavender Scent.

"Agisi, I know this is too much but you must marry me." Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay habang nakatingin sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang pagiging desperada nito. "Please. I'm begging you."

"Aviah, sorry. Hindi ganoon kadali ang hinihingi mo sa akin," malumanay na sambit ko. Binitiwan ko ang kaniyang hawak. Tumingin ako sa ibang direksyon. "Hindi kita mahal at hindi ako ang ama ng dinadala mo." Sumulyap ako sa kaniya. "May pangarap din ako. Ayoko masira yun. Isa pa babae ako na may talong sa gitna, di ka nandidiri?"

"Hindi naman tatagal ang pagiging asawa natin, Agisi. We will annul after one year." She scanned my whole being. "To tell you honestly, I'm not disgusted about you. Hence, I'm more curious about you." Napatikhim ako.

"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo, Aviah? Mahirap bang sabihin yun sa tatay mo?"

Silence filled the room. She went to a nearest couch and sit there.

"My father is a dangerous man, Agisi. I can't take the risk to tell the truth especially right now. Isa pa naman sa ayaw nito ay napapahiya siya," she said while looking at me. I saw her nervousness. "I am afraid to him, Agisi. Hindi ko alam ano ang mangyayari sa akin sa oras na mapahiya siya." Napahilot ito sa kaniyang sentido.

"Aviah, I really want to help you pero hindi ganitong paraan."

She stared at me. "Wala na bang rason para mapapayag kita, Ags?"

Magsasalita sana ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko ito kinuha sa aking bulsa at agad na tiningnan ito. Isang message galing sa isa mga kaibigan ko.

Dala nang curiousity ay binuksan ko ito ngunit naestatwa ako nang malaman kung ano ang laman ng message niya.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now