13

6.1K 245 44
                                    

"I heard kasal ka na raw, Agisi. Subukan mo pang tumanggi dahil may picture pa kayo." Pinakita ni Jenra ang larawan namin ni Aviah noong kasal namin. Nandito siya ngayon sa bahay namin ni Inay, to be specific sa kwarto ko.

Kasalukuyan akong nakahiga. Suot-suot ko ay isang basketball jersey na apelyido ko sa likod at pajama.

"Pinuntahan mo pa talaga ako para riyan? Grabe ka. Sana pinabukas mo na yan."

Bukas pa ang balikan namin kaya eto at nagpapahinga ako kaso may distorbo.

"Hindi dapat pinapabukas ang ganitong bagay!" Ito na naman po siya sa pang-iintriga. "Kaya pala nag-unfollow at unfriend ka at tinira mo lang si Aviah kasi kasal ka na pala sa kaniya. Kung hindi ko lang narinig, siguradong di mo sasabihin sa akin ang tungkol dito."

"We are just pretending, Jenra."

"What? What do you mean?"

Doo na ako nagsimula magkwento sa kaniya. Mula noong una akong pinakilala ni Aviah noon sa tatay nito sa labas ng school hanggang ngayon na sitwasyon namin. May mga di lang ako sinali like ginuhit ko si Aviah nang nakahubad, nahalikan at yung tungkol sa part na super crush nito.

"So you've been here when you returned from that honeymoon kasi nagtext sayo si Aviah na babantayan si Nicholas?" Tumango naman ako.

Kinabukasan noon ay naka-receive ako ng personal message sa fb ko na galing kay Aviah. Hindi raw siya makakabalik at hindi rin daw siya makakauwi sa bahay dahil kailangan niya alagaan si Nicholas. Pinilit ko enjoy-in ang mga natitirang araw ko roon. Ngunit di pa rin mawala sa isip ko na mag-alala kay Aviah.

I hope she's okay as well as Nicholas. Kahit na kinuyog ako ng mga kaibigan niya, hindi ko pa rin nanaisin na may mangyari sa kaniya na masama.

"Bakit mo pinapunta ang asawa mo roon, Agisi?! You know she's your wife dapat ikaw ang inuuna niya at hindi si Nicholas!"

"Jen, alam mo naman na nagpapanggap lang kami. Hindi ko siyang pwedeng hadlang lalo pa't nakikita ko naman na mahal na mahal ni Aviah si Nicholas kahit gago siya. And I think, he needs Aviah."

"Pero Agisi sa mata ng diyos at ng mga tao, kasal siya sayo. Ano na lang ang sasabihin nila sa oras na malaman nila na kasama niya ex niya kesa sa sariling asawa nito? Especially her parents na walang alam tungkol sa pagpapanggap niyo? May karapatan ka sa kaniya, Agisi." I didn't tell her that Aviah's father knew about the pretending thing. Kahit si Inay di ko sinabi ang bagay na iyon.

Jenra is right. Kasal siya sa akin. May karapatan ako pero Aviah is not a thing to be own by someone like me. She is more than that... maybe a water to a someone.

"Kung may nararamdaman ako sa kaniya, Jenra, talagang aangkinin ko siya kahit di siya bagay. Ipagdadamot ko pati na rin ang atensyon niya. Gusto ko sa akin lang kaso hindi eh. May mahal siya at kinakailangan siya ng minamahal niya. Ang tanging magagawa ko lang ay protektahan siya at alagaan pati na rin suportahan sa kahit anong bagay."

"So, wala ka gusto sa kaniya kahit na magkasama na kayo sa iisang bubong?" Tumango ako. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at niyugyog iyon.

"That's Aviah Delilah Mae Alvarez! Maraming patay na patay doon babae man o lalaki tapos ikaw hindi mo siya gusto. Grabe na yang mata mo. Magpa-doctor ka na," exaggerated nitong sabi.

Inalis ko ang paghahawak nito sa akin. Wala pa kasi ata siya balak tumigil. Baka pati utak mayugyog din.

"Wala problema sa mata ko saka maganda naman talaga si Aviah. Inaamin ko iyon kaso wala talaga akong nararamdaman sa kaniya," pagpapakatotoo rito.

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now