10

6K 253 87
                                    

"May problema ba?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain para sa gabihan. Nakasimangot kasi itong kumakain. Kaharap ko kaya kitang-kita ko ang mukha nito. "May nagawa ba akong mali?" nag-alalang wika ko.

"Wala!"

Binitiwan ko ang kurbertos at tumingin sa kaniyang mga mata. Kitang-kita naman na salungat ang kaniyang sagot sa kinikilos niya.

"Aviah, I know there is something wrong. Salungat ang sagot mo sa action mo ngayon. Tell me, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?"

"Ba't ba ang kulit mo! Sabi ngang wala eh!"

"Kita mo, meron nga. Sige na sabihin mo na. Para naman may maka-adjust ako. Pangit ba ang niluto ko o ayaw mo? I can cook for you. Tell me what you want. Kung tungkol ito sa picture mo, balik tayo roon at kukuhaan kita ng bago. Sabihin mo sa akin kung bakit ka nagkakaganiyan."

Di ako sanay na nakasimangot ito sa akin. Palagi kasi ito nakangiti sa akin. Kaya nakakapagtaka ang kinikilos niya.

Umiwas ito nang tingin sa akin. "Wala roon kung bakit ako nagkakaganito. Also, your food is awesome. I think I can't eat unless you are the one who cook. Maganda rin ang mga litratong kinuha mo. Hindi na ako magpapakuha ng mga litrato sa iba ng solo kung hindi ikaw ang photographer ko."

"Then bakit ka nagkakaganiyan?" Kung wala roon, di ano? Hindi ako manghuhula para hulaan kung anong rason kung ba't siya nakasimangot. Kanina pa kasi yan simula noong bumalik kami rito.

Sumulyap ito sa akin bago umiwas.

"Don't treat me as a sister, Salustio."

Simple lang pala ng dahilan kung siya nagkakaganiyan. Pagbigyan nga.

"Okay. Kung ganiyan naman ang dahilan, sige pagbibigyan kita. From now on, I will treat you as my cousin." Kung ayaw niya maging kapatid ang turing ko sa kaniya then I will treat her as my cousin.

Akala ko magiging masaya ito sa sagot ko ngunit hindi. Ang kaninang nakasimangot ay napalitan ng matatalim na tingin. Tila ba may nasabi akong hindi niya nagustuhan.

"Ayaw mo ba maging cousin ko?"

Binitiwan nito ang hawak-hawak na kurbertos. Sumandal ito sa kaniyang upuan and she even cross her arms.

"Alam mo, kanina ka pa."

"Kanina pa? Sa pagkakaalala ko, wala akong ginawa na masama. Teka, ayaw mo ba maging cousin? Tita na lang kaya?"

"I'm done!" Tumayo ito mula sa pagkakaupo.

"Saan ka pupunta? Hindi mo pa nauubos ang nasa plato mo." Tila wala ito narinig dahil tuloy-tuloy naglakad.

Problema niya?

~~~

"Hey, what's the problem? Hindi mo man lang inubos yung mga pagkain sa plato mo," wika ko nang puntahan ko siya sa kwarto nito. Nakatalikod ito sa akin na nakahiga. I know di pa siya tulog dahil hawak nito ang phone niya.

Matapos ako kumain, hinugas ko ang mga kinainan namin bago ako pumunta sa kwarto niya. Ayoko na may galit ang tao sa akin kaya palagi ako nagpapakumbaba.

Umupo ako sa higaan niya at hinawakan siya sa kaniyang braso. "Kung may nagawa man ako, sorry." Nanatili pa rin itong tahimik. Bumuntong-hininga ako. "Sige. Kung ayaw mo ako kausap ngayon, bukas na lang."

Ayoko naman ipilit ang sarili ko. Kung ayaw niya ako kausapin, dahil sa ginawa ko na hindi ko naman alam kung ano yun, di wag. Pero ano ba talaga ang dahilan kung ba't siya nagkakaganiyan? Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang nasa isip niya!

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now