15

6.3K 231 64
                                    

"Bakit ka kasi naiwan pa nang marka?!" maktol ko rito habang nasa restroom kami ng restaurant kung saan kami kumakain ng dinner with her parents. Kasalukuyan ko inaalis yung mga marka na nasa leeg ko na pakana niya. Her parents thought that was love bites but its not! Sinamaan pa ako nang tingin ng tatay niya habang kumakain kami. Buti na lang nag-excuse si Aviah kaya sumama ako.

If I stay there then I will be dead.

"Why? It suits you naman." I saw her from the mirror smirked. "Di mo nga yan inalis nung nasa school tayo." Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito at nagpokus na lang sa pagkuskos. Nakita ko ito sa salamin na lumapit sa akin. "Normal lang na magkaroon ka ng mga love bite kasi may asawa ka." Niyakap niya ako sa likod dahilan para huminto ako sa aking ginagawa.

"Di man kasi love bite ang ginawa mo! Gigil yun! Gigil." Diininan ko pa ang gigil.

"Kasalanan mo naman eh kung bakit ako nanggigil sayo."

"What?" Humarap ako sa kaniya. "Bakit kasalanan ko? Ako na ang biktima ako pa ang may kasalanan."

"Kasalanan mo naman talaga! Kung naging mabuting asawa ka lang sa akin di yan mangyayari sayo!"

Wow! Ako pa talaga ang di mabuting asawa sa aming dalawa!

"Kailan pa ako naging di mabuting asawa, aber? Ikaw kaya diyan ang di mabuting asawa! Iniiwasan mo nga ako kapag kinakausap kita. Di ka man lang nagpapasabi sa akin kung saan ka natutulog. Ikaw kaya ang iwasan ko, tingnan mo lang."

She cross her arms. Her right eyebrow raise.

"For your information, I always been a good wife! Ikaw kaya ang hindi! Tinitigan mo nga kaibigan ko na kanina while I'm there! Asawa mo ako! Asawa! Hindi ka pa nakuntento kasi lumabas ka para lang tingnan yung post ng nililigawan mong panget! Siguro pinagnanasahan mo siya kaya lumabas no?! Cheater! Cheater ka!"

Grabe siya magparatang sa akin. Akala mo naman wala siya ginawa.

"Ikaw nga nagpapaakbay sa boyfriend mo! Di lang iyon kasi sinusubuan mo pa siya ng mga pagkain. May pakiss ka pang nalalaman sa pisngi. Akala mo walang asawa kung maka-asta!" Akala niya di ko siya napapansin, pwes nagkakamali siya. Ako pa talaga ang sinabihan niyang cheater.

"Syempre boyfriend ko siya at pagpapanggap lang ito sa atin!"

Natahimik siya na tila may na-realize sa kaniyang sinabi. Tumalikod na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nakita ko sa salamin na nakatingin ito sa akin nang malungkot habang abala ako.

"Kung tapos ka na magcr, lumabas ka na. Baka hinahanap ka na roon," walang emosyon kong wika rito.

"S-Sigurado ka? I can still wait you."

"No, I'm fine. Sige na. Iwan muna ako rito."

~~~

"Akala na namin ay kin—why are you crying?" J heard Aviah asked as soon as I arrive. Her parents was about to stand and went to my direction when I immediately stop them.

"I'm okay po. Let's eat na lang po." I said and sitted beside Aviah.

Nilapag ko ang phone ko sa tabi ko at sinimulan kumuha ng mga pagkain. Sumisinghot singhot pa ako nang simulan ko kumain. I need to eat a lot so that I can't answer their question why I'm crying in front of them.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka." I heard Aviah said then tap my shoulder. Nilunok ko muna ang lahat bago ko kinuha ang tubig at uminom dito. Di ko man lang nalasahan ang mga luha ko or maybe the pain is the reason why I feel nothing.

"Hija, why are you crying? May nangyari ba?" nag-alalang tanong ng Mama ni Aviah. Ang kaniyang asawa naman ay tahimik lang na sinusuri ako.

"Wala po. Tears of joy lang po."

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon