08

5.7K 271 27
                                    

"Is you taking care of my daughter properly, Agisi?" His firm voice filled the dining room. We are currently in the house of Aviah's parents. They invited us for a dinner.

Dalawang linggo matapos ang nangyari gulo ay naging maayos naman ang buhay namin bilang mag-asawa. Starting from that day, Aviah started to cook for me like breakfast, lunch ane dinner. Three days from that day, pinahinto ko siya. I appreciate her actions but I don't deserve that kind of treatment. Ang ginawa ko ay ako na ang nagluto para sa kaniya. Lahat ng mga gusto niya ay tinatanong ko at ginagawa ko.

"Pa, inaalagan ako ni Kith. She did a great job." Aviah inserted in our conversation. Hinawakan nito ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa. Magkatabi kasi kami and his father is in the middle. Nasa kanan nito ang asawa at sa kaliwa ang anak.

"Mabuti naman. Ayoko pa naman tinatrato ang anak ko ng masama." Ako maayos ko tinatrato ang anak niyo kasi alam ko kung gaano kayo ka-delikado pero yung mahal nitong anak mo hindi ata alam.

Pasalamat na lang ako na hindi alam ni gov ang nangyari sa amin ni Nicholas o ang insidente sa subdivision na pakana ni Ron. Mukhang magaling talaga magtago itong si Aviah. Sa bagay, mukha naman napapaniwala namin sila.

"I saw you yesterday working from a coffee shop. Bakit ka roon nagtatrabaho? Why not try to focus on your family and studies? Bibigyan din namin kayo ng pera kung yun ang iniisip mo, Agisi. Just tell me kung magkano ang kailangan niyo. Marami akong pera."

Sa loob ng dalawa linggo rin ay nagtatrabaho na ako sa isang coffee shop bilang cashier. Nag-apply ako bilang part time and Aviah knows about it. Sa una, ayaw niya ako magtrabaho dahil may mga pera naman siya kaso ako wala. Sa sitwasyon namin na pagpapanggap, ako yung nakabuntis. Kaya normal lang na maging provider ang katulad ko.

Napayuko ako sa narinig mula sa kaniya. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nagtatrabaho ay dahil ayoko umasa sa mga magulang ni Aviah. Alam ko may kaya sila. Pero pamilya na kami eh. Pagpapanggap man o hindi, kailangan ko magtrabaho para sa kanila.

Just what my mother said to me, just be responsible partner.

"Alam ko naman po iyon, Sir, na marami kayong pera." Naramdaman ko ang pagpisil ni Aviah sa kamay ko. "You can spoil your daughter if you want to." Umangat ako ng tingin. Sinalubong ko ang mga titig niya. "I also want to spoil her too. Ayoko na po umasa kami lagi sa inyo. Asawa niya po ako at responsibilidad ko simula noong nagpakasal kami ang mga kailangan niya. Alam ko na maliit ang sahod ko kumpara sa binibigay niyo pero ang mahalaga may binibigay ako sa kaniya na pinaghirapan ko talaga gawin."

Naging tahimik ang paligid matapos ko magsalita. Maya't maya ay nakarinig ako ng tawa mula sa ama ni Aviah.

"I like you." Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Di ba wala kayo for seven days? We decided na ipa-stay kayo sa isla namin na kayong dalawa lang for your honeymoon kahit nauna ang honeymoon niyo kaysa kasal." Sa narinig, parang nag-init ang aking mga pisngi.

Sir, kung alam niyo lang na wala talaga nangyari sa amin ng anak niyo!

"But before that we need to talk. Tara sa opisina ko."

~~~

"S-Sir, ba't niyo ako sinuntok? Wala naman ako ginawang masama," aniya ko nang bigla nito ako sinuntok pagkasarado niya ng pinto. Lumapit ito sa akin at hinila ang collar ko.

Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Ibang-iba siya kanina. Kung kanino seryoso lang siya ngayon galit na galit. Sa pagkakaalala ko wala naman ako ginawang masama o nasabi. Kaya bakit siya ganito?

"Do you think I didn't know?" Mas hinigpitan nito ang paghawak sa collar ko. "Nicholas told me you are not the father." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Shit! "At first, I don't want to believe but he showed me a picture between him and my daughter. Siya raw ang ama. Nag-imbestiga rin ako. Tell me, bakit ka pumayag maging asawa niya? Dahil ba sa pera? Kasi yun ang sabi sa akin ni Nicholas kaya mo yun ginagawa!"

I Fell and She Fell Harder [INTERSEX]Where stories live. Discover now