Finale: CHAPTER 12

2.6K 91 5
                                    

LIFE HAS 2 RULES:
#1: NEVER GIVE UP.
#2: ALWAYS REMEMBER RULE #1...

♥♡♠♤♣♧♥♡♠♤♣♧♥♡♠♤♣♧

Days goes by, hanggang sa dumating na ang araw na kinakatakutan ko, ang birthday ko. Ngayong araw na sila magpapasya kung gusto pa ba nila akong maging kapatid o hindi.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay di naging madali ang lahat, mahirap ibalik ang lahat sa normal. Nakakalakad na din ako at nakabalik na ako ng school. Kumuha na din kami ni Yusuke ng entrance exam sa Meiji University at iniintay na lang namin ang resulta.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hanggang ngayon di ko pa din alam kung sino ang last dance ko, si Mama Yumi kasi ang nag ayos ng debut ko, umuwi sila ni Papa kahapon para nga sa debut ko. Hiniling ko nga na simple lang ang birthday ko pero ayaw nila dahil unica hija daw ako.

Suot ko ang pink tube gown na bulky ang skirt at puro lace iyon at may mga butterfly na design. Naka doll shoes lang ako dahil kakagaling ko lang sa injury, inayos din ni Louis ang buhok at mukha ko. Kung tutuusin ang ganda ganda ko ngayon, pero hindi ko makuhang matuwa.

Imbitado lahat ng taga school at mga kaibigan ko. Andito din ang kamag anak nina Mama Yumi at ang kakambal nito na si Tita Yuri at ang mga anak nito.

Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa kwarto ko, bumukas iyon at pumasok ang pinsan ko na si Cupid, anak sya ng kapatid ni Papa. Naka fedora hat ito, naka long sleeve na pinatungan ng vest at pant and chuck taylor na sapatos. Kamukha talaga ito ng greek God na si Eros o mas kilalang Cupid, well kaya nga yun ang pangalan nya eh. At dahil gusto ng mama ni Cupid na may ka love team ito kaya ako ang pinagdiskitahan at pinangalan ng Psyche na asawa ni Cupid sa Greek stories. Enough about my cousin, sya lang naman ang escort ko pero hindi sya ang last dance ko.

"Chi, tara na baba. Mag uumpisa na ang party mo" kinakaon pala ako nito. Tumayo na ako at humawak sa braso nito.

"Ang gwapo mo ata ngayon ah, kung di lang kita pinsan crush na kita" pang aasar ko dito

"Naku Chi matagal na akong gwapo ngayon mo lang napansin? Tsk" napatawa na lang ako sa kayabangan nito. Tumigil kami sa pinto, iniintay namin na tawagin ng emcee ang pangalan naming dalawa.

"And now let's welcome our debutan with her escort. Psyche Daidouiji together with Cupid Daidouiji " nagpalakpakan lahat ng tao ng tawagin ang pangalan ko. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa stage na ginawa at nakatayo sa garden. Nakatingin sa akin ang lahat ng may pag hanga, nakita ko din ang mga tao na ayaw ko sanang makita, ang Asahina Brothers. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanila.

Nang makarating kami sa stage ay agad nag umpisa ang party. Kumain muna lahat ang bisita, samantalang kami ni Cupid ay nag asaran lang.

Tapos nag umpisa nauli at nagbigay ng message ang magulang ko at mga tito at tita ko. Then 18 candles na puro classmates ko, 18 gifts na random ang nakalist, 18 sweets na galing sa mga pamangkin at batang pinsan ko, 18 balloons na consist of my magazine family, 18 treasures mga tita at tito ko, and lastly ang 18 roses.

Nasa gitna na ako ng pavilion at hinihintay ang first dance ko which is si Papa.

"Psyche, dalaga na ang anak ko" at iniabot nito sa akin ang rose at isinayaw ako. "Matutuwa siguro si Hera kung makikita ka nya"

"Nakikita naman tayo ni Mama ngayon at alam kong masaya sya para sa atin" sagot ko at tumango lang ito

(Insert: STUCK IN THE MOMENT by justin bieber)

Then ang second dance ko ay si Yunan, anak sya ng may ari ng Meiji University na kaibigan ni Mama Yumi.

"Happy Birthday" sabi nito at ngumiti at iniabot ang bulaklak.

My Brother'sWhere stories live. Discover now