Chapter 2

3.3K 105 0
                                    

Alam kong bata pa ako pero alam ko na kung paano magmahal...

Hindi man kita lagi naasikaso pero lagi naman kitang naiisip...

♡♥♡♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Isang linggo na ang nakalipas mula ng tumira ako sa bahay kasama ang mga anak ni Tita Yumi. So far ok naman, pag may nang aasar sa akin di ko na lang pinapansin.

Sabado ngayon kaya walang pasok ang iba, bumaba ako para tumulong sa gawaing bahay. Tinulungan kong magluto si Kuya Ukyo. Madami kasi ang nasa bahay ngayon.

Nang matapos kami ay agad kaming kumain, ang saya nilang kasabay. Halos kumpleto na sila kaso wala yung dalawa na may sarili ng apartment.

Tapos na lahat kumain at nalinis na ang pinagkainan kaya na upo ang lahat sa salas.

Nagkukwentuhan ang lahat, katabi ko si Kuya Masaomi at Kuya Kaname.

"Hey little sis, gusto mong bumisita minsan sa templo? Na tayong dalawa lang" sabi sa akin ni Kuya Kaname at kumindat pa.

"Ah sige po" hinila ko ang sleeves ng damit ko, bakit kaya ang ginaw at naliliyo pa ako? Napansin ata ni Kuya Masaomi ang pamumutla ko.

"May problema ba Psyche?" Tanong nito

"Wala po, masakit lang ang ulo ---" untik na akong matumba kung di lang ako napahawak sa center table, naikot na talaga ang paningin ko.

"Psyche" sigaw nung iba

Hinawakan ni Kuya Masaomi ang noo ko. "Ang taas ng lagnat mo" sabi nito at bigla na lang akong binuhat na parang prinsesa, hindi ko na alam pa ang nangyari at nawalan na ako ng malay.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Someone's POV

Agad na binuhat ni Masaomi si Psyche at dinala sa kwarto nito, kasunod nito si Ukyo at Kaname. At lahat naman ng naiwan sa baba ay nag aalala.

"Anung nangyari kay Ate" naiiyak na tanong ni Wataru, niyakap naman ito ni Louis.

"Napagod lang si Psyche kaya sya nagkanon" sagot nito sa bata.

"Tss baka nag iinarte lang ang isang yon, baka gusto ng atensyon" sabi ni Fuuto

"Manahimik ka Bubwit, hindi ka nakakatulong" sigaw dito ni Yusuke.

"Anong sinabi mo ha gurang?! " susuntukin na sana ni Yusuke si Fuuto ng pigilan ito ni Subaru. Hinawakan naman ni Iori si Fuuto na handa ng makipag away kay Yusuke.

"Tumigil nga kayong dalawa, hindi kayo pareho nakakatulong. At ikaw Fuuto bawiin mo ang sinabi mo kay Psyche" sigaw ni Azusa.

"Tss what ever" at umalis na si Fuuto

"Bakit ba tayo nagkaron ng demonyong kapatid?" Sabi naman ni Tsubaki.

Bigla namang tumahimik ang lahat ng dumating ang isa pa nilang kapatid...

Sa kwarto naman ni Psyche ay andun ang tatlong panganay. Hindi alam ni Masaomi ang gagawin, dahil doktor lang naman siya ng mga bata.

"Dapat siguro paltan muna natin sya ng damit" sabi ni Ukyo.

"Ako na ang magpapalit" prisinta ni Kaname, sinamaan agad ito ng tingin ni Ukyo at Masaomi.

"No dear brother, I won't let you do that" napatingin ang tatlo sa bagong dating na kapatid nila "Ako na ang magpapalit ng damit niya"

"Mabuti pa nga, ikaw na ang bahala sa kanya Hikaru" sabi naman ni Masaomi. Lumabas na ang tatlo at inumpisahan ng bihisan ni Hikaru ang dalaga.

Makalipas ang isang oras ay wala pa ding malay ang dalaga kaya na tatakot ang lahat.

"Sa tingin nyo kailangan na nating sabihin kay Tito Hayato ang tungkol sa anak nya?" Tanong ni Masaomi sa tatlo nyang kapatid na nasa kwarto ng dalaga.

"Mas mabuti na din siguro, para kung anu mang mangyari alam nya. Ako na ang tatawag" sabi naman ni Ukyo, tumango lang ito at lumabas na si Ukyo.

"Dalhin na kaya natin sya sa ospital? Para malaman talaga natin ang kalagayan niya" suhestyon ni Hikaru.

"Pag lumipas pa ang kalhating oras at hindi pa sya nagigising tsaka natin sya dadalhin, kailangan na din malaman muna ito ni Tito" sagot ni Masaomi

"Baba na din muna ako, pupunta ako sa bayan para bilhin ang gamot niya" sabi naman ni Kaname.

Sa salas naman ay hindi magkanda ayos dahil kinakabahan na ang lahat. Si Iori naman ay namitas ng mga bulaklak at inilagay sa isang vase, dadalhin niya iyon mamaya sa kwarto ni Psyche.

"Kuya, gagaling na ba si Ate?" Tanong ni Wataru kay Iori.

"Oo naman, malakas na babae si Ate Psyche mo kaya gagaling agad siya." Sagot nito sa kapatid. Gagaling talaga siya dahil andito kami para alagaan sya

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Psyche's POV

Nagising ako ng maramdaman akong nakatitig sa akin, dahan dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko si Fuuto.

"Hey sis, feeling well?" Sabi nito sa akin at inilapit pa ang mukha sa akin na halos isang dangkal na lang ang layo, ngumiti ito ng makitang naiilang ako. "Gusto man kitang halikan pero baka mahawa mo pa ako, hindi ako bobo kagaya mo"

Jusko bakit ba ito ang kasama ko sa kwarto? Lalo lang nasakit ang ulo ko. Pero nagulat naman ako ng alalayan ako nitong makaupo at bigla akong niyakap.

"Magpagaling ka agad, wala akong maasar dito sa bahay" tapos inihagis nito ang isang white cotton T-shirt at tumayo na ito at lumabas ng kwarto, problema kaya nun? Bumukas uli ang pinto at pumasok si Kuya Ukyo na may talang push cart na may dalang pagkain at kung ano ano pa.

"Kuya" sabi ko, umupo ito sa tabi ko at dinama ang noo ko.

"Mainit ka pa din, heto kumain ka muna ng lugaw." Binigay nito ang mangkok ng pagkain. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa mga gamit pang iba. "Kay Subaru galing ang bottled energy water, yung mga bulaklak naman kay Iori, yung prutas galing dun sa kambal, kay Wataru naman yang bunny na stuff toy, yang towel kay Louis, yung orange juice kay Yusuke. Si Kaname naman nagpunta ng templo para ipagdasal ang pag galing mo, si Masaomi hinahatid ang doktor na tumingin sayo, si Hikaru nag iwan ng pera para sa gamot mo" napatungo naman ako, may isa pa silang kapatid na dumating na hindi ko man lang nakilala.

"Napag alala ko pa tuloy kayong lahat, pakiramdam ko napaka pabigat ko" kinuha nito ang mangkok at nilagay sa cart, niyakap ako nito.


"Wag mong isipin yan, kapatid ka namin kaya natural na mag alala at alagaan ka namin"

"Salamat po"

Matapos kong kumain at uminom ng gamot ay sinabihan na ako ni Kuya na mag warm bath para sumingaw ang init ng katawan ko. Inihanda ko ang mga damit ko, nasa ground floor kasi ang CR. May pumasok uli sa kwarto ko at nakita ko si Subaru.

"Ihahatid na kita sa banyo" sabi nito na naiilang

"Sige" tumayo at pero naliyo naman ako kaya untik na akong matumba buti na lang at nasala nya ako.

"A-ayos ka lang?" Tanong nito.

"Oo, salamat" inalalayan ako nitong maglakad hanggang banyo, nasa sala naman ito at iintayin na lang nya ako.

Nakakapanibago na may nag aalaga sa akin pag may sakit ako. Napakasarap sa pakiramdam na may nag aalala para sayo...

My Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon