Chapter 11

2.2K 74 0
                                    

You are braver than you believe, stronger than you seem, and smarter than you think...

♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔♔

PSYCHE'S POV

Dalawang linggo akong di nakapasok sa school dahil sa nabalian ako ng buto kaya naka cast ang paa ko. Aabutin pa daw ng dalawang linggo bago pa tuluyang makalakad ako. Kaya eto tambay sa kwarto ko at dinadalan na lang nila ako ng pagkain. May CR na din sa 2nd floor kaya dina mahirap bumaba.

Si Yusuke naman ang nagbibigay ng notes sa school at si Kuya Ukyo naman ang nagtuturo sa akin para di ako malate sa lectures. Si Kuya Masaomi ang nag checheck up ng paa ko dahil kaya naman daw nito mag handle ng bone fracture. Tapos lagi akong pinagdadasal ni Kuya Kaname sa templo. Yung kambal naman araw araw akong kinukulit at naglalaro ng mga games na bigay sa akin ni Kuya Natsume. Si Louis ang nagbabantay at nagaayos ng kailangan ko, nagi guilty kasi ito kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Si Subaru ay lagi akong binubuhat papunta sa sala para naman makalabas ako ng kwarto at makasabay sa pagkain nila. Si Iori ang laging nagmamasahe ng paa ko pag sumasakit iyon tapos lagi pang may mga bulaklak na dala. Si Futo wala ng ginawa kundi asarin ako kahit sa phone calls lang pero napapasaya naman ako nito. At syempse si Wataru na laging inaayos ang kwarto ko.

Lahat sila ay inaalagaan ako. Kaya nga nahihiya ako sa kanila. Tapos mamaya dadating pa yung mga pinsan nila na mga anak ng diablo. Nakilala ko na sila nung last week ng January at nightmare ang naging buhay ko ng araw na yun.

"Gusto ko ng lumabas"

"Gusto mong buhatin kita?"

"Ay hudas!!!" Nagulat naman ako ng may mag salita. Nakita ko si Ayato, naka silip ito sa pinto ng kwarto ko.

"Tsk tsk, bad girl. Ang gwapo ko para maging hudas" sabi nito at lumapit pa sa akin, umupo ito sa kama ko at tiningnan ang paa ko.

"Sorry, nagulat lang ako. Teka nga bakit ka ba kasi bigla biglang napasok sa kwarto ko?"

"Tinatamad ako sa family reunion sa baba, alam ko namang world war ang mangyayari dun" sabi nito at sinulatan pa ang paa ko na nakacast.

"Hoy anu bang ginagawa mo?!"

"Art," argh anu ba naman tong lalaking to.

"Ilabas mo naman ako, may wheel chair naman dyan oh." Pakiusap ko sa kanya, sawang sawa na lang talaga ako sa kwarto ko. Tumigil na ito sa ginagawa nitong 'art' sa paa ko at tumingin sa akin.

"Ipapasyal na din kita" tumayo na ito sa kama ko at binuhat nya ako. Kaso nagulat naman ako ng buksan nito ang bintana ng kwarto ko.

"O-oy A-ayato!!! Pilay pa nga ako tapos dito mo pa balak dumaan! Kung gusto mong magpakamatay ikaw na lang! Dahil gu--- aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" napasigaw naman ako ng bigla itong tumalon. Napayakap na lang ako ng mahigpit dito.

"Nice, ang sarap naman sa pakiramdam ng yakap mo" sabi nito, ligtas naman kaming nakababa, kaso ang mga halaman ni Iori ang nasira.

"Nakakainis ka, dapat sa hagdanan na tayo bumaba, nasira tuloy ang mga halaman ni Iori"

"Tss, tutubo naman uli yan."

"Pero kakatubo lang ng mga yan, dahil nasira sila ng bagyo. Ibaba mo nga ako nakakainis ka"

"Ganun na ba kahalaga sayo ang mga halaman na yan? Or should I say, ganun na ba kahalaga sayo ang effort ni Iori? May gusto ka ba sa kanya?" Natigilan ako sa sinabi niya.

"W-wala, akong gusto sa kanya, kahit sino man sa sa kanila wala akong gusto dahil mga kapatid ko sila, naiinis lang ako isipin na kailangan pang umabot sa puntong mahalin nila ako ng higit sa kapatid" sigaw ko sa kanya.

"We're sorry kung naiparamdam namin sayo yun" napatingin ako sa nagsalita, si Kuya Tsubaki at kasama nito ang lahat pati na din ang mga pinsan nila

"K-kuya" malulungkot ang mga ito at parang may galit.

"Bring her down Ayato, pwede bang iwan nyo na muna kaming lahat. May pag uusapan lang kami." Utos ni Kuya Masaomi, na lumapit pa sa amin at kinuha ako mula kay Ayato. Tahimik lang na tumango ang mga pinsan nila at umalis.

Tahimik parin ang lahat, samantalang ako ay nag umpisa ng umiyak.

"Sorry, sorry kung kailangan nyo pang marinig yun. Di ko na kasi alam ang gagawin. Kapatid ko kayo at mali sa atin ang mag mahalan ng higit pa sa kapatid. Mahal na mahal ko kayong lahat at ayokong umabot sa puntong masaktan ko kayong lahat." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Hindi ka namin kadugo at lalong higit ka naming hindi kaapelyido at kahit kailan ay hindi ka magiging Asahina dahil Daidouiji ka!" prangkang sabi ni Fuuto, lalo akong naiyak sa sinabi nito.

"Kumalma kayong lahat, pag usapan natin ng maayos ito sa loob, hindi maganda sa kondisyon ni Psyche ang malamig na klima" sabi ni Kuya Ukyo. Nagtanguan ang lahat at pumasok na sa loob ng bahay.

Ini upo ako ni Kuya Masaomi sa single seater na sofa, tapos lahat sila nakapaligid sa akin at tahimik na nakamasid.

"Umamin nga kung sino ang may gusto kay Psyche bilang kapatid natin?" Tanong ni Kuya Kaname, tumungo lang yung iba. Pero lumipas na ang isang minuto ay wala paring nataas ang kamay, kahit si Wataru? Napaiyak na lang ako at di ko na napigilan ang pag hikbi.

"Sana una pa lang sinabi nyo na sa akin na ayaw nyo akong kapatid." Umiiyak na sabi ko, wala pa ding umimik sa mga ito.


"Sorry Psyche, pero kahit anong sabihin mo di mo mapipigilan ang nararamdaman namin sayo." Sabi ni Kuya Ukyo. Ako naman ang napatungo, paano na to?

"Sa debut next month, sasabihin na namin ang dahilan kung bakit ka namin minahal, at dun na din kami magpapasya kung ititigil ang nararamdaman namin sayo o hindi. Pero sa ngayon, umakto na lang lahat tayo ng normal. Psyche, in behalf of my brothers, we're very sorry kung naiparamdam namin ang ganitong bagay, but for now act as normal until your birthday comes" sabi ni Kuya Masaomi, tumango na lang ako. One three weeks before my debut, sana kayanin ko to.

My Brother'sWhere stories live. Discover now