Chapter 1

3.9K 109 2
                                    

Pinipigilan ko ang pag usbong ng damdamin para sayo pero di ko mapigilan...

Bakit kung kailan nakita ko na ang babaeng mamahalin ko, naging kapatid ko naman bigla...

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Namamahay pa si Psyche, wala pa siyang isang araw sa bahay pero pakiramdam nya antagal na nya dun. Hindi din sya sanay na madaming tao. Umalis naman agad si Papa at Tita para sa trabaho nila na overseas. Kaya no choice na ako kundi ang tumira sa bahay na ito kasama sila.

Nasa gitna ako ng pag aayos ng mga gamit ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko, agad ko yung binuksan at tiningnan kung sino yon.

"Kuya Ukyo"

"Kakain na tayo, tara na sa baba" yakag nito na nakangiti. Hindi naman pala siya ganung nakakatakot.

"Sige po, aayusin ko lang ang mga gamit ko" tumango lang ito at umalis na. Agad ko namang nilinis ang mga gamit ko at bumaba na, nakita ko na andun na yung iba.

"Ate Psyche dito ka sa tabi ko" yakag sa akin ni Wataru, ang cute talaga nya.

"Sige" umupo ako sa tabi niya, ipinaghanda naman ako ng pagkain ni Kuya Ukyo. "Salamat po"

"Walang anuman"

Nagumpisa na akong kumain,nakakapanibago na may kasabay na ako sa pagkain. Napalingon naman ako sa kaharap ko na si Subaru, pakiramdam ko kasi kanina nya pa ako tinitingnan at hindi nga ako nagkamali. Problema nito???

Matapos naming kumain naupo muna kami sa sala.

"Ahm ano Kuya Ukyo, bakit lima lang tayo na kumain? Asan yung iba?"

"Si Masaomi may biglaang pasyente, nasa templo naman si Kaname, si Tsubaki at Azusa sa labas kumain, nauna ng kumain sa atin kanina si Iori" napatango naman ako. May apat pa nga pala silang kapatid na di ko pa kilala, anu kayang ugali nila???

Bigla namang may pumasok na lalaki na parang antok na antok pero napaka ganda niya. Muntik pa nga itong matumba kundi lang ito naalalayan ni Yusuke.

"Kuya Louis inaantok kana naman?" Tanong dito ni Yusuke at iniupo sa sofa. Tumango lang ito at tumingin sa akin at ngumiti.

"Ako nga pala si Louis Asahina, 8th son sa pamilya"

"Nice to meet you po, ako po si Psyche"

"Ang ganda naman ng buhok mo, hayaan mo pag may oras ka pwede ko bang ayusin yan?" Tanong nito, nagtaka naman ako


"Isang hair dresser si Louis kaya mahilig sya na mag ayos ng mga buhok" paliwanag sa akin ni Kuya Ukyo, napatango na lang ako.


Nang makalipas ang kalhating oras ay napagdesisyonan na ng lahat na umakyat sa kanya kanyang kwarto. At dahil hindi nga ako makatulog lumabas muna ako at pumunta sa garden. Napakagagaganda ng mga rosas, tulips at iba pa bulaklak. May puno din pala dito ng sakura.


"Hay, kakayanin ko kaya ito?"


"Nahihirapan ka ba?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Iori, akala ko tulog na to.

"H-hindi n-naman m-masyado, ahm ano lang kasi" napatawa naman ito

"Wag kang matakot sa amin, ituring mo kaming kapatid mo. Eto para gumaan ang pakiramdam mo" binigyan ako nito ng isang rosas.

"Salamat, naninibago lang talaga ako. Di kasi ako sanay na madaming tao, halos lumaki naman akong mag isa dahil sa iba't ibang bansa nagtatrabaho si Papa"


"Naiintindihan naman kita, pero dapat sanayin muna ang sarili mo" tumango naman ako, bigla namang humangin ng malakas at nilamig ako, nalimutan kong kumuha ng jacket. Pero nagulat naman ako ng may magpatong ng jacket, napatingin ako kay Iori. Napakabait naman nya.

"Salamat"

"Hindi kadapat nagpapalamig ,tara ng pumasok sa loob"


"Sige" at pumasok na kaming dalawa. Inihatid ako nito hanggang sa tapat ng kwarto ko.

"Good Night Psyche" at ngumiti pa ito.

"Good Night din" umalis na ito at naman ay pumasok na sa kwarto ko, agad akong humiga dinalaw naman na ako ng antok kaya mabilis akong nakatulog.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Mabilis akong naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na ako. Lumapit ako kay Kuya Ukyo para tumulong.

"Kuya tulungan na kita" sabi ko sa kanya.


Ngumiti naman ito. "Sige, ihain mo itong mga ulam" napatango naman ako, pero bakit kulang? Apat lang? Magtatanong na sana ako kay Kuya pero nagsalita na siya. Itinuro nito ang board na may mga schedule. "Dito makikita mo kung sino ang wala sa bahay, maaga ang pasok, gabi ang uwi at tanghali ang gising. At sa ngayon ikaw, si Wataru , Yusuke at ako lang ang maaga ang pasok kaya mamaya pa yung iba" napatango naman ako.

Matapos naming kumain ay naglinis muna ako ng mga pinagkainan at tsaka umalis. Si Kuya Ukyo pala ang nag hahatid kay Wataru sa School at si Kuya Masaomi naman ang kakaon dito. Kami naman ni Yusuke ang sabay.


"Di ko akalain na ikaw ang anak ni Tito Hayato." Sabi sa akin ni Yusuke habang nakasakay kami sa tren.

"Kahit ako di ko alam,"

"Ayos lang sayo na maging kapatid mo kami?"

"Oo naman, masaya pa nga ako" natigilan naman ito at tumahimik na.

Mabilis na lumipas ang oras at awasan na, hindi ko kasabay si Yusuke dahil magre-retake to ng quiz.

Nang makauwi ako sa bahay ay may nakita akong lalaki na nakahiga sa sofa. Agad akong lumapit dito pero di ko naman kilala. Sino kaya to? Nagulat naman ako ng bigla itong magmulat ng mata at umupo.

"Sino ka? Girlfriend ka ba ng isa sa mga kapatid ko?" Mataray nitong sabi, kapatid? So isa sya sa Asahina brothers


"Ano ako yung anak ni Hayato Daidouiji"

Tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa at tsaka ako hinila at niyakap. Ano bang problema nito? "Ikaw pala si Psyche, or should I call you Ate?" Ate? Anu daw? "Im Fuuto Asahina, artista ako, 12th son." So sya ang sunod kay Yusuke, unti unti nitong inilapit ang mukha sa akin. Teka anong gagawin nito? Napapikit na lang ako pero nakarinig lang ako ng tawa kaya napamulat ako. "Akala mo ba eh hahalkan kita? Ano ka sinuswerte?" At tumawa uli ito, tumayo na lang ako kaysa mabwisit pa ako sa isang ito.


"Okay, nice to meet you" at tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko. Argh nakakainis ang isang iyon napakayabang...

My Brother'sWhere stories live. Discover now