Chapter 7

2.5K 90 8
                                    

Tungkulin ko na alagaan at bantayan ka. Ilalayo din kita sa mga bagay na makakasakit sa iyo kahit ang mga kapatid ko pa iyon o ang sarili ko mismo...

♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂

After christmas, new year naman pero three days pa naman bago yun. Kaya eto tambay ako sa kwarto ko at nilalaro ang bigay sa akin ni Natsume, pero nasa level 3 pa din ako at na stock na ako.

"Argh paano ko ba malalampasan ang level na ito?" At humiga na ako sa sahig. Bigla ko naman naalala yung sinabi sa akin Natsume

"Kung kailangan mo ng tulong ko tawagan mo lang ako" dali dali kong kinuha ang cellphone ko which is yung regalo sa akin ni Fuuto puro picture naman nya ang laman. Dinial ko ang number ni Natsume.

"Hello?" Sagot agad nito

"Hello Natsume, ahm ano naabala ba kita?" Tanong ko

"Hindi naman, wala naman akong ginagawa. Bakit?"

"Yung game na bigay mo sa akin nahihirapan ako, pede bang patulong?"

"Oh sige, magkita na lang tayo sa Season's Cafe"

"Sige salamat" at dali dali akong naligo at nagbihis. Kinuha ko ang backpack ko na regalo ni Iori.

Nakita ko sa sala si Kuya Masaomi na kalaro si Wataru

"Kuya aalis muna ako" paalam ko sa kanya

"May kasama ka ba?" Tanong nito

"Si Natsume po"

"Sige mag ingat kayo ha, tawagan mo agad ako pag may problema"

"Ok po, salamat" at lumabas na ako ng bahay. May nakasalubong naman akong mga kaklase ko, mga nakapang basketball ang mga ito.

"Koroko" tawag ko sa kaniya, siya si Tetsuya Kuroko classmate namin ni Yusuke.

"Oh Psyche," sabi nito

"Saan kayo lalaro?" Tanong ko

"Dyan sa court, kalaban namin ang Shohoku" sagot ni Kise. Ibang section naman ito, mga prodigy ang mga ito sa basketball. Kasama sa grupo nila si Midorima, Murusaki, Tepei, Taiga, Aomine at Akashi.

"Well galingan nyo ha...sana minsan makalaro nyo ang mga kuya ko"

"Sige ba, anytime" sagot ni Aomine

"Sige una na ako sa inyo, good luck" at iniwan ko na sila.

Pagdating ko sa Seasons Cafe wala pa si Natsume, lumapit naman sa akin yung isang server, kilala ko ito ah. Sya ang ang president ng Supreme Student Government, si Mizaki Ayuzawa.

"Hi Misa-chan" bati ko sa kanya, agad nagulat ito.

"Ikaw si Daidouiji diba? Yung photographer ng school magazine?" Sabi nito at tumango naman ako "Please wag mong ipagsasabi na maid ako sa isang cafe, baka kasi hindi ako igalang ng mga studyante."

"Dont worry, walang makakaalam nito. Privacy mo na ito at hindi na sakop ng trabaho ko" nakahinga naman ito ng maluwag.

"Thanks buti mabait ka, di katulad ng Usui Takumi na yun" nanggigil na sabi nito.

Napatawa na lang ako, maya maya pa dumating na si Natsume.

"Nag intay ka ba ng matagal?"

"Hindi naman"

"Nag order ka na ba?"

"Hindi pa iniintay pa kasi kita, order na tayo ako na ang magbabayad" sabi ko, ako kasi ang nagyaya kaya natural na ako ang magbayad.

"Ang bait mo pala talaga, pero di ako papayag na ikaw ang magbayad. Consider this as a date." Date?!

"Ah eh, sige" nag order ako ng mocha frappe at black forest cake. Sya naman ay black coffee at sansrival.

"So anong problema mo?" Tanong nito

"ano, dun sa level three dun sa murder case, na stock ako. Everytime na tatangkain ko na humanap ng clue wala akong makita and it ended up na fail lagi. May cheat ba dun?" Frustrated na tanong ko na ikinatawa nito.

"Well lahat naman ng games my cheat pero di ko sasabihin. Na try mo na bang bumalik sa level two para humanap ng armor o sword? Baka yun ang way para makalabas ka" agad ko namang nilista ang sinasabi nito. Ang dami nyang technique na sinabi sa akin.

"Thank you talaga Natsume, makakaalis na din ako sa level three"

"No problem" bigla naman tumunog ang phone nito "wait lang work calls" tumango naman ako

Napalingon naman ako sa katabi naming table, nag aasaran yung mag kasintahan.

"Takishima madaya ka, paano mo nalaman ang sagot sa question 1000 ng exam sa history?" Galit na sigaw nung babae

"Isa lang ang sagot ko Miss Number Two, nag aral kasi ako" sagot nung lalaki na kinainis nung babae.

"Hikari ano na namang ginawa sayo ni Kei?" Tanong nung isa sa kabilang table

"Akira calm down"

"Manahimik ka Tadashi"

"Ryu awatin mo nga sila nakakahiya na eh"

"Megumi yun din ba ang gusto mo kagaya ng gusto ni Jun?" Tumango lang yung babae dun sa lalaki, hay kagulo.

"Psyche tara na hatid na kita, mahirap na pag ginabi ka pa." Tumango ako sa sinabi ni Natsume. Naglalakad na kami papunta sa kotse nito ng maisipan nito na dumaan muna sa park. Kakaunti ang tao dito dahil na din siguro sa lamig.

"Ok ka na ba sa Bahay?" Tanong nito

"Oo naman, tinulungan naman nila lahat ako para makapag adjust agad ako"

"Mabuti kung ganon. Si Subaru ba ok lang?" Napatingin ako dito, well naintriga talaga ako kasi di nagpapasinan yung dalawa pag nagkikita unlike dun sa iba

"Normal naman sya, ang alam ko nakasali na uli sya sa first five ng team nila" sagot ko.

Si Subaru kasi ay basketball player sa school niya, ang kaso nung nakaraang buwan natanggal to sa line up dahil sa wala daw ito sa konsentrasyon. Pero sa ngayon nakabalik na sya, niyaya pa nga ako nitong panuorin siyang maglaro sa inter college na gaganapin sa 3rd week ng February.

"Mabuti at bumalik na uli sya sa dati, baka may inspiration na siya" at tumingin ito sa akin.

"Next time na may problema ka tawagan mo uli ako ha" tumango naman ako.

Pumunta na kami sa kotse nito at inihatid ako nito pauwi sa bahay.

"Salamat uli Natsume, ingat ka sa pag uwi" baba na sana ako ng kotse ng yakapin ako nito at hinalkan ako sa ulo

"Ingat ka lagi" tumango naman ako at bumaba na. Ang weird ng araw na ito? Bakit ganun si Natsume? Ah bahala na si Batman...

▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓

AN: weird ba? Haha yae na nabaliw kasi si ms author haha. Pero a loves ko si Gray Fullbuster at Juvia Lockser haha. Good nyt na nga praning na ako eh.

Just a few reminders, mabilis ang shifting ng scenes, well base kasi to dun sa real anime na mabilis ang scenes. Wala naman akong balak pahabain ang kwento na to kasi may on going stories pa din ako. Pero if you suggest for book 2, syempre buong puso kong tatanggapin ang request nyo...

JhairaMarie

My Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon