Chapter 6

2.6K 114 4
                                    

Nagmamasid lang ako sa kanila, para malaman ko kung kaya ko ba silang higitan sa pagmamahal sayo...

Kahit malayo ako sayo, nagawa naman ako ng paraan para ikaw mismo ang lumapit sa akin...

♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕♛♕

Christmas Eve na ngayon kaya busy ang lahat sa bahay. Si Kuya Hikaru at Natsume dito muna sila sa bahay hanggang December 26, may kwarto din naman sila dito sa bahay kahit na di sila dito nakatira.

Si Papa at Mama hindi makakauwi dahil nasa France sila para sa honeymoon nila.

Kaya eto ako ngayon at nakakulong sa kwarto ko at inaayos ang mga regalo ko para sa kanila. Buti na lang at malaki ang allowance na bigay sa akin ni Papa, naibili ko sila ng regalo. Alam kong kahit simple lang ang regalo ko matutuwa sila. Kinuha ko na lahat ng yun at inilagay sa isang kahon, mamaya na lang nya iyon ilalabas.

Tumingin ako sa orasan, 9:36pm na kailangan ko ng bumaba para tulungan si Kuya Ukyo sa pagluluto.

Pagbaba ko nadapa ako sa hagdan dahil sa mga christmas decor na nakakalat, napapikit na lang ako para intayin ang pagbagsak ko, pero may sumalo sa akin.

"Tss ang bobo talaga, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo" sabi sa akin ni Fuuto, tatlong linggo din itong nawala dahil sa shows nito. Tumayo na ako ng tuwid.

"Salamat" sabi ko kahit na nilait pa nya ako.

"Tutulungan kita sa pagluluto mo, baka mamaya malason mo pa kami eh bobo ka pa naman" sabi nito at naglakad na kami palapit sa kitchen counter, andun na si Kuya Ukyo.

"Kuya tutulong na kami" sabi ko.

"Sige Psyche, ikaw ang bahala sa desserts ako ng bahala sa mga main dish" tumango lang ako.

"Fuuto pakuha naman nung baking powder at flour" sabi ko habang kinukuha ang iba pang sangkap. Gagawa ako ng strawberry cake, fruit salad at graham balls.

"Ako talaga ang kukuha? Tss buti na lang at naawa pa din ako sayo" sabi nito pero kinuha pa din naman yung mga inutos ko.

Nagsimula na akong mag mix ng kakailanganin sa cake, tinutulungan naman ako ni Fuuto kaso maloko nga lang talaga.

Mantakin nyo ba naman eh kumuha ng harina at hinipan sa mukha ko. Grabe talaga kaya gumanti ako hanggang sa naghabulan kami. Buti na lang at inilagay ko na sa oven yung magiging tinapay ng cake.

Umabot kami sa tagong part ng garden, tumigil na si Fuuto kaya napatigil na din ako. Nagulat naman ako sa sunod na ginawa nito, hinila ako nito at niyakap.

"Minsan yang katangahan mo may advantage din eh" sabi nito sa akin at tiningnan ako sa mata.

"Fuuto---" bigla na lang ako nitong hinalkan sa labi, hindi agad ako nakalayo dito. Halos isang minuto na magkalapat ang labi namin ng lumayo na ito.

"Akin ka lang ha, at ayokong mapunta ka sa iba" naglakad na ito pabalik sa bahay. "Tara na sa loob, baka malamigan ka pa eh bobo ka pa naman" hinila na ako nito papasok ng bahay.

Pagbalik sa loob ng bahay ay tinapos na namin ang iba pang desserts. Umakyat naman na si Fuuto sa kwarto nya para maligo, ako naman ay tinatapos ang paglalagay ng icing sa cake. Si Kuya Ukyo naman ay nagbibihis na din

"Psyche ang dumi mo" napalingon ako kay Kuya Masaomi na bagong bihis na.

"Ano kasi, napagkatuwaan ako ni Fuuto kaya eto ang inabot ko. Pero patapos na din naman po ako dito" ngumiti naman ito sa akin.

"At dahil mabait ka sa lahat ito ang reward mo, say ahhh" at sinubuan ako nito ng lollipop. Nagulat naman ako ng halkan ako nito sa noo. "Thanks for coming into our lives" tapos ginulo pa nito ang buhok ko. "Tapusin muna yan para makaligo kana"

"Opo" matapos ang ilang minuto ay natapos na din ako. Napatingin ako sa orasan, 10:52pm na.

Agad akong umakyat sa kwarto at naligo. Nagbihis na agad ako pero di ko pa naayos ang buhok ko. May kumatok naman sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas" sigaw ko, hinahanda ko kasi yung mga regalo ko. Pumasok doon si Louis at nginitian ako. "Oh Louis, may kailangan ka?"

"Wala naman, pero hayaan mo sana akong ayusin yang buhok mo" agad akong napatigil sa pag aayos ko ng gamit at umupo.

"okay" at inumpisahan na nito na ayusin ang buhok ko.

"Chi inilugay ko na lang ang buhok mo ah pero mag head band ka" tumango naman ako, kinulot lang ni Louis ang dulo ng buhok ko. "Tapos na, pwede na tayong bumaba. 15 minutes na lang chritmas na"

"Ah sige" kinuha ko yung mga regalo at camera ko, pero pagharap ko sinalubong ako ng yakap ni Louis

"Im glad na andito ka Chi" ngumiti ito at lumayo na "ako na ang magdadala nyan" kinuha nito yung mga regalo at dinala.

Nauna na itong bumababa, kinuha ko pa kasi ang cellphone ko. Nagtext si Papa.

To: Baby Chi
From: Papa

Chi, sorry if di mo ako makakasama ngayong christmas. But andyan naman ang mga kapatid mo, mas magiging masaya ka. Hope you enjoy your holidays with your siblings, merry christmas Chi and I love you.

Napaluha naman ako, kahit di ko makakasama si Papa andyan naman ang mga kapatid ko. Pagbaba ko andun na silang lahat at nakatingin sa akin sakto namang nag twelve o'clock na.

"MERRY CHRISTMAS PSYCHE" sabay sabay nilang sabi. Lalo akong napaluha.

"Merry christmas din sa inyong lahat" at niyakap ko sila isaIsa.

Nagdasal muna kami para pasalamatan ang Diyos at ang kapanganakan niya. Tapos kumain na kami, ang sarap ng luto ni Kuya Ukyo.

Madami ding pumuri sa ginawa namin ni Fuuto.

"Ang sarap mo talagang gumawa ng cake Psyche" sabi Yusuke

"Actually kami ni Fuuto ang gumawa ng lahat ng desserts" nasamid naman si Yusuke at tiningnan ng masama ang kapatid.

"Gagaya sayo walang kwenta" komento nito sa kapatid.

Pagkatapos naming kumain ay nagtipon tipon kami sa sala para ibigay ang mga regalo.

"Well this year dalawa lang ang reregaluhan ko. Here Psyche and Wataru, i hope you like it" sabi ni Kuya Masaomi

"Thank you po" sabi ko at niyakap ko pa sya.

Sunod sunod na nagbigay ng regalo sa akin ang magkakapatid kahit nga si Wataru may regalo. At dahil ako huli kinuha ko ang mga regalo ko.

"This is my first christmas na kasama ko kayo, at kahit 5 months pa lang tayong magkakasama tinanggap nyo na ako na parang tunay na kapatid. At bilang pasasalamat ko, ito ang regalo ko" at binigay ko sa kanilang lahat ang regalo ko. Nagpasalamat silang lahat sa akin, hindi matatawaran ng kahit anong bagay ang saya na nararamdaman ko.

♣♧♣♧♣♧♤♧♚♧♧♤♧♤♧♤♧♤♧♣

AUTHORS NOTE: DEAR READERS, PLEASE VOTE AND COMMENT NAMAN, NGAYON NA LANG ULI AKO NAG A.N EH, SIMPLE REQUEST LANG HAHA.

WELL NAINTRIGA BA KAYO DUN SA MGA REGALO NI PSYCHE SA ASHINA BROTHERS? AT KUNG ANONG REGALO NG ASAHINA BROTHERS KAY PSYCHE? WELL ITO PO ANG LIST... THANKS FOR READING

PSYCHE'S GIFT TO ASAHINA BROTHERS

*BROIDED HANDKERCHIEF of THEIR NAMES AND TAKE NOTE TIG TATATLO PO SILA*

ASAHINA BROTHER'S GIFT TO PSYCHE

MASAOMI- PAIR OF BUNNY SLIPPERS
UKYO- PERSONALIZE APRON
KANAME- MAKE UP KIT SET
HIKARU- TWO DRESS
TSUBAKI- NEW RELEASE ZOMBIE GAME SEASON 1
AZUSA- NEW RELEASE ZOMBIE GAME SEASON 2
NATSUME- LATEST RELEASE GAMES
LOUIS- SET OF HAIRBANDS,CLIPS, RIBBONS AND COMB
SUBARU- RUBBER SHOES
IORI- BACKPACK AND FLOWERS
YUSUKE- STATIONARY AND PENS
FUUTO- BRAND NEW S6 PHONE
WATARU- PANDA STUFF TOY

My Brother'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon