Chapter 4

2.7K 96 0
                                    

Akala ko di ako makakaranas ng tinatawag nilang pag ibig, pero nung dumating ka naranasan ko iyon...

Handa akong magbago para sayo, hindi ko lang talaga mapigilan minsan na yakapin at halkan ka...

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Gabi na at nagpapahinga na ako sa kwarto. Isang buwan na mula ng ikasal si Papa at Mama. Nakapag adjust na din ako sa bahay.

At dahil hindi talaga ako makatulog ay bumangon na ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng gatas.

Nakasandal lang ako sa kitchen counter habang nainom ng may yumakap sa akin. Mapapasigaw sana ako ng takpan nito ang bibig ko.

"Psyche, ako ito si Tsubaki" tumango naman ako kaya tinanggal nito ang takip sa bibig ko.

"May problema ka ba?" Nakatitig kasi ito sa akin. Lumapit naman ito sa akin at isinandal ang dalawang kamay sa counter kaya nakulong nya ako. "T-tsuba---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halkan ako nito sa labi. Mali ito! Magkapatid na kami! Pilit ko siyang tinutulak pero niyakap nya lang ako.

"Sorry Psyche, alam kong mali tong ginawa ko sayo pero hindi ko mapigilan. Psyche, gusto kita hindi bilang kapatid kundi isang dalaga" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, paanong? "Hindi kita pipilitin na sagutin ang sinabi ko pero iintayin kita. Good Night" at hinalkan uli ako nito bago umalis.

Ano bang nangyayari? Akala ko ayos ng lahat pero nagkamali ako.

♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤♠♤

Kinabukasan maaga kaming natapos sa school dahil na din sa meeting ng mga teachers. Kaya umuwi na ako, si Yusuke may gagawin pa daw kaya di sumabay.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Ukyo na busy. Lumapit ako sa kanya.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Birthday kasi ngayon ni Subaru, wala pang cake eh magluluto pa ako"

"Ako na lang po ang gagawa ng cake"

"Talaga? Salamat Psyche. Eto ang pambili ng ingredients mo."

"Sige po" nagbihis muna ako tsaka ako nagpunta sa mall

SOMEONE'S POV

Matapos makapamili ni Psyche ng mga gagamitin niya ay umuwi na agad sya, pero nahihirapan sya sa pagbubuhat dahil mabigat.

"Argh ang bigat naman nito, kung katulad lang sana ako ni Subaru di ako mahihirapan ng ganito. Masubukan nga ding mag exercise at jogging"

Hindi alam ng dalaga na narinig ni Subaru ang sinabi niya.

"Kung ganon napapansin nya pala ako" sabi ng binata sa isip isip niya.

Nang sumapit na ang gabi ay handa na ang lahat natapos ng dalaga ang cake na para kay Subaru.

PSYCHE'S POV

"Wow mukhang masarap yan Ate" sabi ni Wataru na tuwang tuwa habang ipinapatong ko sa table ang cake.

"Ang ganda nyan, parang ayoko tuloy sirain yan" sabi naman ni Yusuke.

"Hindi naman para sayo yan eh. Psyche sa birthday ko din ha sa may cake ako" sabi naman ni Tsubaki.

"Bakit parang hindi masaya ang may birthday" puna ni Fuuto kay Subaru na nakaupo lang sa isang tabi. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"M-may iniisip lang ako" sabi ni Subaru at lumapit na din naman sa amin.

Matapos naming kantahan si Subaru ay kumain na kami at pinagkatihatian yung cake. Kinuha ko din ang camera ko para kunan sila ng picture.

"Iba talaga pag may babae sa pamilya" sabi ni Kuya Masaomi.

"Oo nga, ang sarap pang magluto" dugtong pa ni Azusa.

"Parang diko talaga kayang kainin to" nakatitig na sabi ni Yusuke sa cake.

"Kung ayaw mo edi akin na lang" akmang aagawin ni Fuuto ang cake ng ilayo ito ni Yusuke

"Akin to wag kang madaya" at kinain na din ni Yusuke ang cake "ang sarap talaga" napangiti naman ako.

Ang kambal ang nagprisintang maghugas ng pinag kainan, mag iinom din ata silang matatanda kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Nakahiga na ako sa kama ng mapansin kong wala ang cellphone ko. Hinanap ko iyon pero wala sa kwarto ko, baka naiwan ko iyon sa baba.

Lumabas na ako ng kwarto at nasa may hagdanan na ako ng marinig ko ang pag uusap nila kaya tumigil ako.

"Hey Subaru, type mo din si Psyche no?" Nang aasar na sabi ni Tsubaki

"H-hindi no" sagot nito

"Eh anong tingin mo sa kanya?" Tanong ni Azusa.

"Isa lang syang pabigat, kailangan ko pa laging mag ingat pag maliligo, hindi ako makapag hubad ng pang itaas pag andyan sya" sagot nito, nasaktan talaga ako sa sinabi niya.

Babalik na sana ako kwarto ko ng mabangga ko ang isang vase at gumawa iyon ng ingay, mabilis na lumapit ang mga nag uusap. Nanlaki pa ang mata ni Subaru.

"Psyche" sabi ni Subaru

"Sorry, di ko sinasadya" sabi ko at nagtatakbo na papasok ng kwarto ko.

Akala ko tanggap na ako sa pamilya nila, nagkamali ata ako...

♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣

Kinabukasan maaga akong gumising, hindi na ako nag agahan dahil masama pa din ang loob ko sa narinig.

Naglalakad na ako papunta sa train station ng may humila sa akin.

"Psyche" napatingin ako sa humila sa akin.

"S-subaru" nagulat naman ako, tapos niyakap nya ako.

"Sorry sa mga narinig mo kagabi, hindi ko talaga intensyon na sabihin yun. Sa katunayan di ka pabigat sa akin o sa amin.Nasabi ko lang yun para pagtakpan ang tunay kong sasabihin..." nag iwas naman ito ng tingin.

"Ayos lang yun, nagulat lang din naman ako kaya siguro ako nagkaganito. Pasensya na din, di ko naman kayo masisi kung iniisip nyo na pabigat ako"

"Wag mo nang isipin yun, kunwari wala na lang akong sinabi, sorry talaga"

"Salamat din, sige kailangan ko ng pumasok"

"Ito nga pala, di ka kasi kumain kaya pinabalot ko na lang kay Kuya Ukyo" at iniabot nito sa akin ang isang lunch box.

"Salamat talaga, mauna na ako bye"

Gumaan na ang pakiramdam ko, nagkamali lang pala siya ng intensyon sa pagsasabi nun, pero ano kaya yung tunay na dahilan niya??? Hmm ano nga kaya yun???

Mabuti na din at nangyari ang mga ganitong bagay atleast di na ako maninibago.

My Brother'sWhere stories live. Discover now