Chapter 16

251 14 0
                                    

JB IS THE happiest man alive. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi niya akalain na darating ang araw kung saan maririnig niya mula kay Yerin na mahal din siya nito. It's been one month since she became officially his girlfriend. Sa loob ng mga araw na nagdaan, palagi siyang excited na umuwi galing sa trabaho. Dahil alam niya na naghihintay ito sa kanya. Gaya ng araw na iyon, eksaktong alas-singko ng hapon ay agad siyang tumayo at saka niligpit ang gamit.

"Wow, excited to go home?" tanong ni Lloyd sa kanya na may bahid ng panunudyo.

Ngumiti lang siya dito saka nag-high five silang magkaibigan.

"She's waiting for me," masayang sagot niya.

Tumayo si Lloyd saka umakbay sa kanya. "Hinay-hinay sa pagngiti Pare, baka maubos 'yan," biro pa nito.

"Ganoon talaga, masaya ako eh," kunwa'y pagmamayabang niya.

"Naalala ko lang bigla, paano na kapag umuwi na si Ate Yerin ng America? Di ba hindi naman siya dito naka-base?" walang prenong tanong nito.

Hindi siya nakakibo saka biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Iyon ang isang bagay na ayaw niyang harapin o kahit isipin man lang. Natatakot siyang dumating ang araw kung saan kailangan na naman siyang iwan ni Yerin. Natatakot siyang harapin ang katotohanan na sa muling pag-alis nito ay maaaring hindi na sila ulit magkita.

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan," sagot niya.

Tinapik siya nito sa balikat. "I know you're scared to lose her again. You waited for so long for this chance to be with her. Don't tell me you'll just let her go?" tanong pa nito.

Napakunot-noo siya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Don't you want to marry her?"

Napatingin siya dito. "What?"

Ngumiti si Lloyd sa kanya. "Bestfriend, isipin mong mabuti. Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama siya buong buhay mo? You love her, right? Then, marry her!" payo ni Lloyd.

Hanggang sa makauwi siya ay dala niya sa isip ang sinabi ng kaibigan. Bago bumaba ng kotse ay napangiti siya. May katwiran ang kaibigan niya. Sobrang mahal niya si Yerin at nakahanda siyang pakasalan ito kahit bukas din. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang Mommy niya. Naroon ito sa bahay nila sa Cavite.

"Hi Mom," bungad niya pagsagot nito. "Kumusta na po kayo nila Dad?" tanong niya.

"We're okay, anak. Ikaw? Kumusta ka na? Si Yerin?" sagot nito. Noong isang linggo ay umuwi siya sa Cavite ay sinama niya ang dalaga at pinakilala ito sa mga magulang niya.

"Okay naman po. Yerin is okay too," sagot niya. "Mom, can I ask you something?" tanong niya.

"Oo naman anak, ano ba 'yon?"

"Okay lang ba sa inyo kung yayain ko nang magpakasal si Yerin?"

Natawa ang Mommy niya sa kabilang linya. "Anak, hindi ba parang nagmamadali ka?" tanong pa nito.

"You know how much I love her," aniya.

"Kung saan ka masaya, doon kami. Alam mo naman na nakasuporta lang kami sa'yo," anang Mommy niya. "Nag-propose ka na ba?" tanong pa nito.

Natawa siya. "Not yet Mom. I'm still thinking about it carefully," sagot nito.

"Oh basta, balitaan mo na lang ako ha?" sabi pa ng Mommy niya.

Puppy Love, First Love At True LoveWhere stories live. Discover now