Chapter 10

223 17 1
                                    

"EH ANG KAPAL naman pala talaga ng mukha ng lalaking 'yan eh!" galit na galit na tungayaw ng kaibigan ni Yerin na si Lyn. Araw iyon ng Lunes at day off nito sa ospital na pinagta-trabahuhan nito, gaya niya ay nurse din ito. Nagulat na lang siya ng biglang sumulpot ito doon sa bahay ni JB at sinundo siya. Pagkatapos ay dinala siya nito sa mall saka sila namasyal. Nang mapagod ay kumain sila at tumambay sa isang coffee shop. Doon ay kinuwento niya dito ang totoong nangyari.

Bata pa lang ay matalik na silang magkaibigan at lumaking parang tunay na magkapatid. Nang lumipat si Lyn at ang buong pamilya nito sa isang subdivision sa Cavite ay labis siyang nalungkot. Pero agad din napawi iyon dahil nakabili ng bahay sa subdivision na nilipatan ng mga ito ang Tita niya kaya kapag bakasyon ay pumupunta siya doon. Ang huling punta niya doon ay noong nakilala niya si JB. Nang mga panahon na iyon ay tumira na sa boarding house na tinutuluyan niya si Lyn kaya hindi na siya nakabalik pa doon.

"Hayaan mo na, nangyari na," sabi pa niya.

"Sabagay, mabuti na rin na maaga mong nalaman na lalaki pala hanap niya. Kaysa naman kasal na kayo tapos saka mo matutuklasan ang misteryo ng pudpod mong lipstick. Iyon pala ginagamit ng tinamaan na magaling na lalaking iyon sa gabi at nagta-transform siya bilang si Erica!" walang prenong komento ni Lyn.

Biglang nawala ang lungkot niya sa sinabi nito at napabulanghit siya ng tawa. "Baliw ka talagang babae ka!" sabi pa niya.

Ngumiti si Lyn sa kanya. "'Yan! Mabuti naman at ngumiti ka. Hindi iyong sa skype na lang nga tayo nag-uusap, palagi ka pang malungkot, o kaya naman ay umiiyak ka," anito.

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Maraming Salamat, ha? You always find a way to make me smile," sabi pa niya pagkatapos ay niyakap ito.

"Eh teka, kay JB ba nagpasalamat ka na?" tanong pa nito.

Lumayo siya dito saka umiling. "Bakit ako magpapasalamat sa kanya? Eh daig ko pa ang bilanggo sa kanya," naiinis na sagot niya.

Bigla siyang napahiyaw ng kurutin siya nito sa braso. "Aray ko! Bakit bigla ka na lang nangungurot diyan?" sita niya dito.

"Magpasalamat ka sa tao! Hindi mo ba alam na kung hindi dahil sa kanya baka napahamak ka na dahil sa kalokohan mo? Eh paano kung wala siya doon at dinala ka ng mga lalaking 'yon? Ano ka na ngayon?" sermon pa nito sa kanya.

"Eh basta! Napaka-demanding na tao! Bastos pa! Alam mo ba? Walang pakundangan akong pinalitan ng damit nang gabing iyon! Malay ko ba kung anong ginawa sa akin ng lalaking iyon habang tulog na tulog ako," naiinis pa rin na sabi niya.

Napatingin siya kay Lyn ng humugot ito ng malalim na hininga. "Aba Yerin! Gumising ka! Kung bastos talaga si JB, siguradong sinamantala na niya ang gabing iyon. At kung ganoon siyang klaseng lalaki, hindi niya ako tatawagan para lang papuntahin sa bahay niya para palitan ka ng damit!" walang prenong wika nito.

"Ha? Ano nga ulit ang sabi mo?" gulat niyang tanong.

"Oo, tama ang narinig mo. Ako nga ang nagbihis sa'yo ng gabing iyon at ako rin ang nagsabi sa kanya na huwag kang paalisin sa bahay niya," pag-amin nito.

"What?!"

"Hindi mo na ba naalala? Bigla kang tumawag sa akin ng gabing iyon at lasing ka na! Sinabi mo na maglalasing ka ng maglalasing hanggang sa mamanhid ka! At magpapakalayo-layo ka doon sa walang nakakakilala sa'yo! Kapag nangyari ulit iyon at wala si JB sa tabi mo, baka mapahamak ka na ng tuluyan," paliwanag nito.

"Lyn naman eh!"

"Sorry na! Pinangangalagaan lang naman kita eh," katwiran nito.

"Eh bakit sa JB pa na iyon? Nakakainis kaya ang lalaking 'yon!"

Puppy Love, First Love At True LoveWhere stories live. Discover now