Chapter 13

192 13 0
                                    

PABALIK NA sila sa kuwarto ay tahimik pa rin si JB. Gusto sanang itanong ni Yerin kung may problema ito pero mukhang mainit ang ulo nito. Simula ng makabalik siya pagkatapos nilang mag-usap ni Eric ay hindi na siya nito kinibo at salubong ang kilay nito. Pagpasok nila sa loob ng kuwarto ay tahimik pa rin ito. Nang hindi na siya makatiis ay naglakas loob na siyang tanungin ito.

"JB, may problema ba?"

Salubong pa rin ang kilay na tumingin lang ito sa kanya. Hinintay niyang sumagot ito pero gaya kanina ay tumahimik lang ito.

"Hoy, ano ba? Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong na naman niya dito.

Tinabihan niya ito sa sofa saka pinilit niyang sinilip ang mukha nito. Napangiti siya ng iiwas nito ang mukha sa kanya.

"Hoy," sabi pa niya dito sabay kalabit sa braso nito.

"Iyon ba si Eric?" walang kangiti-ngiting tanong nito.

"Oo," sagot niya.

"Okay na kayo?" tanong na naman nito.

"Oo, maayos na kami," sagot niya.

"Are going back to him?" tanong ulit nito.

Napakunot-noo siya sa tanong nito. "Ha? Ako? Babalik sa kanya? Bakit?" naguguluhang tanong din niya.

"Akala ko ba sabi mo ayos na kayo?"

Bigla siyang napahagalpak ng tawa ng ma-realize niya ang ibig sabihin nito.

"Anong nakakatawa?" nakasimangot na tanong na naman ni JB.

Umiling si Yerin. "Ikaw eh, ang cute mo!" sagot niya.

"What?"

"Ano bang iniisip mo? Nagkabalikan kami?"

Sumandal ito sa sofa saka nagkibit balikat. "Malay ko ba, eh nakita ko kayong magkayakap," sagot nito.

Napailing si Yerin. "Yan! Kung anu-ano na ang iniisip mo. Hindi ka muna nagtatanong. Nakalimutan mo na ba? Eric is gay. Kaya imposibleng magkabalikan kami at iyong kasama niya, iyon 'yong partner niya," paliwanag niya.

"Eh hindi mo man lang ako pinakilala kanina eh," pagmamaktol pa nito.

"Pasensiya ka na. Nagulat lang ako ng makita ko siya kanina, ang nasa isip ko lang kasi ay makausap ko siya," aniya.

"So, anong napag-usapan n'yo?" pag-uusisa pa nito.

"I told him I already forgave him," sagot niya. Napatingin si JB sa kanya saka umayos ito ng upo. "Gusto ko na kasing mag-move on. Ayokong aksayahin ang panahon ko para magalit sa kanya. Walang maidudulot na maganda ang magtanim ng galit sa kapwa. Sometimes, we got hurt by the people around us. But it's about how you forgive them and live a better life afterwards," paliwanag niya sabay ngiti dito.

"Can I ask you something?" tanong nito.

"Ano 'yon?"

"Did you love him?"

Huminga siya ng malalim saka marahan tumango. "Oo naman. Minahal ko siya," sagot niya.

"Until now?"

Napangiti siya. "Ewan ko. I can't say that I don't love him anymore. Pero hindi ko na siya nami-miss gaya ng dati. Hindi ko na rin siya naiisip. Kanina nang makita ko siya, hindi na mabilis ang tibok ng puso ko," sagot niya.

Napatango lang si JB saka ngumiti sa kanya. Napailing siya saka ginulo ang buhok nito.

"Ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala, okay lang ako. I'm happy now. Finally, makaka-move on na ako sa buhay ko," wika niya dito sabay tayo.

"Magsu-swimming ako, sama ka?" tanong pa niya dito.

"Ha? Ah, sige," sagot nito.

"Okay, magbibihis lang ako," aniya. Bago niya buksan ang bag niya para kunin swimsuit ay bigla siyang napahinto. Napangiti siya saka lumingon kay JB. Ang presensiya nito ang isang malaking dahilan.

Sa loob ng dalawang buwan na nakasama niya ito. Tila sinisiguro nito na walang siyang panahon para isipin ang problema niya. He's always there to make her smile and laugh. Minsan, iniinis siya nito sa kung anu-anong bagay. He made sure her mind is busy thinking of him instead of what happened. JB showered her with too much attention. Kapag maaga itong nakakauwi galing sa trabaho ay dinadaanan siya nito sa bahay ampunan at nakikipaglaro sa mga bata pagkatapos ay sabay silang uuwi. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa iyon. Pero aaminin din niya, masaya siya na kasama niya ito.

"JB, did you know?"

"What?"

"You're a big part of it. Everything became easy for me because you're here beside me. Simula noon, hindi ka umalis sa tabi. Bata ka pa lang, pinagtanggol mo na ako. At tinupad mo ang pangako mo sa akin. Thank you for always taking care of me. Now, all I have to do is to move on completely," nakangiting wika niya dito.

Hindi nagsalita si JB. Sa halip ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Ang emosyon na bumalot sa mga mata nito ay hindi niya maipaliwanag. Nang hindi pa rin ito nagsalita ay tumayo na siya. Ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay bigla siyang hinawakan nito sa braso saka pinihit paharap dito. Bumilis ang pintig ng puso niya ng makitang malapit ang mukha nito sa kanya. Lalong nagdoble ang pakiramdam niya ng hawakan siya nito sa beywang at hapitin palapit dito. Wala sa loob na nalapat niya ang kamay sa dibdib nito para mapigilan ang mas lalong paglapit nito sa kanya. Kailangan niyang pigilan iyon dahil ano man oras dahil baka mismong siya ay hindi na mapigilan ang sarili.

"Sinabihan na kita, huwag mo na ulit akong tatawagin bata," halos pabulong na wika nito saka humugot ito ng malalim na hininga.

"JB, what I mean is—"

"Do you mind if I step up two levels higher?" sansala nito sa sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong niya. Hindi ito nagsalita, bagkus ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng bumaba ang tingin nito sa labi niya.

"JB, tigilan mo na nga itong kalokohan mo. Bitiwan mo na ako," saway niya dito para mabawasan ang kabang nararamdaman niya dahil parang sasabog na ang dibdib niya.

Pero tila hindi nito narinig ang sinabi niya. "I'll help you to move on and finally forget everything," mas mahina ang boses na sabi nito. Bago pa siya makasagot ay biglang umakyat ang isang kamay nito sa batok niya sabay sakop ng labi niya. Sinubukan niyang itulak ito palayo sa kanya pero mas lalo lang siya nitong hinapit palapit dito.

Nang maramdaman ni Yerin na dahan-dahan gumalaw ang mga labi ni JB ay tila tuluyan nang nawala ang katinuan niya. Suddenly, she loses all her defenses with his kiss. A kind of kiss that is passionate enough to blow her mind away. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakayapos sa beywang nito at tumutugon sa mga halik nito. Hanggang sa bigla siyang matauhan at tinulak niya ito palayo sa kanya.

"Kapag ginawa mo ulit ito, aalis ako," puno ng kabang sabi niya dito saka agad na tumalikod at pumasok sa CR. Nang mapag-isa siya ay napapikit siya at napaupo sa semento. Kinapa niya ang damdamin kung may pagsisisi siya sa pagtugon niya sa halik nito. Pero wala kahit kaunti. Imbes na magalit kay JB dahil sa kapangahasan nito ay napangiti na lang siya at napailing.

That kid, where did he learn to kiss so passionately like that? I must be crazy, aniya sa sarili.

Puppy Love, First Love At True LoveWhere stories live. Discover now