Chapter 14

214 16 0
                                    

MALALIM NA ang gabi pero naroon pa rin si Yerin sa swimming pool. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nagbababad doon. Napapikit siya sabay buntong-hininga pagkatapos niyang maalala ang mapangahas na paghalik sa kanya ni JB. Hanggang sa mga sandaling iyon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Dapat ay kasama niya ito doon, pero nang huli ay nagpaiwan na lang ito doon sa kuwarto nila.

Kanina pa niya iniisip kung tama ba ang ginawa niyang pagtugon sa halik nito? Sinabi niya noon na kapatid lang ang turing niya kay JB at kahit na anong gawin nito ay hindi mahuhulog ang loob niya dito. Pero sa tuwing nasa paligid ito ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Kapag umuuwi siya galing sa ampunan at wala pa ito sa bahay ay naghihintay na siya ng oras ng pag-uwi nito dahil nami-miss na niya ang binata. Kapag magkasama sila, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. And Yerin knew that kind of feeling. She's falling in love with JB. Sa loob ng maigsing panahon at sa kabila ng pagkabigo niya ay mabilis nitong nasakop ang puso niya. Kahit na anong taboy niya ay hindi na ito umalis pa doon. Hanggang sa hindi na niya alam kung paano tuluyang paalisin ito sa buhay niya dahil ayaw na rin niyang mawala ito. No way! Hiyaw niya sa kanyang isip.

"You're getting crazy Yerin. What's wrong with you?" aniya sa sarili sabay lubog ng sarili sa ilalim ng tubig at doon pinikit niya ang mga mata. Baka sakaling tumino ang isip niya. Makaraan ang ilang segundo ay umahon na siya, pero bigla siyang napaatras sa gulat sabay sigaw ng malakas ng makitang may lalaking may matipunong katawan ang nakatayo sa harapan niya. Nang tingnan niyang maigi kung sino iyon ay bigla niya itong naitulak ng makitang si JB lang pala ito.

"Bakit ka ba nanggugulat?" asik niya dito.

Marahan itong natawa. "Ako nanggugulat? Hindi ah! Hindi mo lang naramdaman na lumapit ako dahil nakalubog ka sa ilalim ng tubig," paliwanag nito.

Napailing siya saka iniwan ito.

"Hey, where are you going?" tanong pa nito.

"Aahon na," sagot niya.

"Agad? Kakababa ko lang ah, huwag muna!" pigil nito sa kanya.

"Ako kanina pa dito. Kaya mauuna na ako sa'yo," sabi niya saka muling tumalikod.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napahinto si Yerin sa paglalakad. "Hi-hindi," nauutal na sagot niya.

"Really? Pero bakit iyon ang pakiramdam ko?" tanong na naman nito.

"E-ewan ko. Baka feeling mo lang 'yon," sagot niya. Bago tuluyan umahon sa tubig ay napalingon pa siya kay JB, biglang itong napaiwas ng tingin. Isang pares na two-piece swimsuit na kulay peach kasi ang suot niya. Tanging maigsing short ang suot niya pagbaba kanina doon sa swimming pool area at ang tuwalya na pinangtakip niya sa itaas na bahagi ng katawan niya. Isusuot na lang ulit niya ang short ng may lumapit sa kanyang isang foreigner na lalaki.

"May I help you?" nagtatakang tanong niya dito. Napakunot-noo siya ng ngumisi ito sa kanya.

"Hi baby, do you have some free time tonight?" kampanteng tanong nito sa kanya.

"Excuse me? I'm sorry but my parents taught me not to talk to strangers," pasimpleng pagtataray niya dito.

Natawa lang ang lalaking foreigner. Guwapo naman ito at matangkad, kaya lang medyo malakas ang hangin sa katawan ng isang ito.

"You're funny. I just find you interesting. I was looking at you the whole time while you were swimming alone," sabi pa nito.

Napailing siya. "I'm sorry but—"

Puppy Love, First Love At True LoveWhere stories live. Discover now