Kuebiko by CallMeBoss

616 80 41
                                    


[ SONG ] I Knew You Were Trouble

[ ARTIST ] Taylor Swift

[ TEAM ] Mikel

[ WATTPAD WORD COUNT ] 2,470 words


Tanga ka.


'Yan ang unang-una na gusto kong sabihin sa 'yo. Ang tanga-tanga mo. Akala ko ba matalino ka? Tanga ka na, sobrang tigas pa ng pagmumukha mo. Ngayong unti-unti mo nang nakalilimutan ang mga nangyari, babalikan mo na naman ang mga alaalang sumira sa pagkatao mo. Masokista ka rin, e 'no? Gustong-gusto mong umiiyak. Gustong-gusto mong sumisikip 'yong dibdib mo. Gustong-gusto mong nasasaktan ka. Gustong-gusto mong nagmumukhang kawawa kaya binabasa mo ito, hindi ba?


Kasi wala kang kuwentang tao.


Kasi wala nang nagmamahal sa iyo.


Naalala mo pa ba? Ikaw lagi 'yong pinapasali sa mga beauty contests simula pa lang n'ong elementary. Maganda ka raw kasi, makinis ang balat at matalino pa kaya palong-palo ang eskuwelahan sa iyo dahil sigurado raw na mananalo ka. Hanggang paglaki mo, hinahangaan ka pa rin. Iniidolo. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa iyo... sa atensyon mo, sa kahit isang simpleng letra mula sa bibig mo. Handa silang gawin ang lahat para sa iyo, handa silang gawin ang kahit ano para makuha ka lang.


Naalala mo pa ba? Pagkatapos mo sa kolehiyo, pumasok ka na agad sa pagtuturo. Tinanggap ka agad ng isang unibersidad sa edad na bente-uno. Ang saya mo, tuwang-tuwa ka dahil bata ka pa lamang, pangarap mo nang maging isang guro. Ngayong natupad na ang pangarap mo, pakiramdam mo'y nasa tuktok ka na ng pinakamataas na alapaap.


Ngunit isang lalaki ang humila sa iyo paibaba.


Bumagsak ka sa lupa... at nawasak.


Naalala mo pa ba? May isang lalaking nagngangalang Jacob. Unang taon mo pa lang sa pagtuturo n'ong nakilala mo siya. Nakakainis ang estudiyante mong iyon. Maingay. Umiinom at naninigarilyo. Basagulero. N'ong sandaling tumapat pa lang siya sa mga mata mo, alam mo nang mapanganib siyang tao. Alam mo nang maari kang mapahamak nang dahil sa kan'ya. Pero anong katangahan ang nagawa mo, ha? Minahal mo siya. Minahal mo ang isang taong hindi alam ang ibig sabihin ng pagmamahal!


Nakakatawa ka, alam mo 'yon? Ay hindi pala, nakakaawa ka! Mahal na mahal mo ang bulok na pagkatao niya kaya nahawa ka na rin, masangsang na rin ang kaluluwa mo. Paano ko nasabi? Hindi siya pumapasok sa klase mo, laging bagsak ang tests at hindi sumusulat ng kahit isang lecture pero pinasa mo pa rin! Palakpakan ang katangahang mayroon ka! Kailangan pa ba ng standing ovation ng mapurol mong utak?


Naalala mo pa ba n'ong sinabi niyang mahal ka niya? At ikaw naman itong gago na naniwala nga. Naniwala kang mahal ka rin niya, naniniwala kang pareho kayo ng nararamdaman. Mahal ka niya, kaya pala nagpapakita lang siya sa iyo kapag may kailangan siya. Mahal ka niya, kaya pala ilang beses mo siyang nakitang may katalik na ibang babae sa comfort rooms o kahit pa sa likod ng campus. Mahal ka niya, kaya pala siya rin ang boyfriend ng nakababata mong kapatid na si Brielle. Mahal ka niya, kaya pala kinabit ka niya.


Pero dahil nga number zero ka sa pagiging martyr, tinanggap mo pa rin! Anong sabi mo? Mahal mo kaya ipaglalaban mo? Mahal mo kaya titiisin at kakayanin mo ang lahat-lahat kahit masakit? Lintek na pagmamahal pala 'yan, o! Nakakain ba 'yan? Papatayin ka pa n'yan e! Ni hindi mo man lang naisip ang sasabihin ng Papa mo, isa siyang pastor hindi ba? At malaking kasalanan sa Diyos ang pagiging kabit, 'di ba? Ni hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng Mama mo, hindi ka naman niya pinalaking mang-aagaw, 'di ba? Nag-uumapaw ka pa nga sa atensyon e! Ni hindi mo man lang naisip ang maaring mangyari kay Brielle, ituring ka niyang Ate! Pinagkatiwalaan ka niya! Isa ka inspirasyon niya para magpatuloy sa pag-aaral at... guro ka niya! Ni hindi mo rin naisip ang magiging epekto nito sa bunso mong kapatid na si Shirley, ito ba ang mga katangiang gusto mong tularan niya?

Liriko 2: ShowdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon