Nakamamatay na Pag-ibig by LadyLollyChain

585 108 1
                                    

[ SONG ] Better Than Revenge

[ ARTIST ] Taylor Swift

[ TEAM ] Mikel

[ WATTPAD WORD COUNT ] 2,452 words


Ang pagmamahal daw ay isang makapangyarihang sandatang maaaring gamitin sa buhay. Kaya nitong magbigay ng pag-asa sa taong sumusuko na. Kaya nitong magbigay ng lakas sa taong 'di na lumalaban. Kaya nitong magbigay inspirasyon sa taong nawawala na ng dahilang lumaban. Kaya nitong pasayahin ang taong nalulugmok na sa kalungkutan.


Ngunit, hindi lahat ay kayang hilumin ng pagmamahal. Ang iba'y ito ang nagiging dahilan ng kanilang pagsuko, pagkwala ng pag-asa, pagkawalan ng dahilang sumaya at ang masaktan.


Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat. Naalala ko pa ang kahibangan kong nagsimula nang makilala ko ang tarantadong lalaking iyon at natapos nang pagtaksilan ako ng matalik kong kaibigan.


Tinapon ni Joe ang apat na taong pagmamahalan namin para sa hudas kong kaibigan na walang alam kundi ang maghubad at humilata sa kama ng kung sino-sinong lakaki. Ang hudas na walang laman ang utak kundi ang kakatihan sa katawan.


Ang akala nila'y mananahimik at luluha lang ako sa tabi. Nagkakamali sila. Gagawin ko ang lahat para magdusa sila. Hindi ako papayag na 'di nila maramdaman ang sakit na naramdaman ko. 'Di ako papayag na ako lang ang lumuha at masaktan ng ganito. Kung kinakailangan kong maging kriminal para makabayad sila'y 'di ako natatakot. Walang taong nagiging masaya pagkatapos saktan ang isang Victoria.


Pabalang kong pinunasan ang mga luhang lumalandas sa magkabila kong pisngi. Siya namang pagpasok ng kapatid kong lalaki na masama ang tingin sa akin.


"Ilang beses kitang binalaan sa malandi mong kaibigan at sa manloloko mong syota pero nakinig ka ba? Nasaan ka ngayon? Narito! Nagkukulong sa madilim na lugar na 'to, nagmumukmok kasama niyang ilang bote ng beer." Bakas ang galit sa boses niya pero hindi ko pinansin. Tumingin lang ako sa larawan namin ni Joe sa gilid ng kama ko. Makikita roon ang masaya naming ngiti. Hindi matatawaran ang sayang pinagsaluhan namin ng araw na kunan ang larawang 'yon.


"Naging masaya naman kami, kuya, 'di ba?" tanong ko sa kanya.


Malakas na halakhak ang narinig ko sa kanya bago siya nagsalita ng pagalit. "Tanga ka ba? Ang akala ko bulag ka lang, tanga ka rin pala. Victoria! Puwede ba? Hindi ka pinanganak kahapon para paniwalaang naging masaya siya sa 'yo. Hindi hahanap ang isang lalaki ng iba kung naging masaya siya."


Tama si kuya, kung masaya at mahal talaga ako ni Joe, 'di niya papatulan ang bestfriend ko. 'Di niya sasayangin ang pagmamahal ko.


"Naalala mo ba ang unang panloloko sa 'yo ng tarantadong 'yon? Nang patulan niya ang malandi nilang katulong? Nang makita mo silang parang hayop na sabik sa laman? Nang marinig mo silang tila kabayong humahalinghing sa sarap? Nang makita mo silang binababoy ang tahanan ng magulang niya? Ano nga ulit ang ginawa mo? Nagalit ng isang oras at nagtangkang iwan siya pero nang sabihin niyang pinilit lang siya ng makati nilang katulong ay pinatawad mo. Tanga nga." Mahabang litanya niya.


"Kuya, alam ko naman 'yun pero konting preno naman. Masakit."


Liriko 2: ShowdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon