Kabanata IX

2 0 0
                                    


Habang sila ay lumalakad patungo sa guho, ang tatlo ay napadaan sa loob ng Calle Crisologo. Kung walang dumadaan na iilang karwahe sa kalsada, ang kalahati ng Calle ay napunta lamang sa kanilang tatlo at ang dilim na kalangitan. 

Ang Crisologo ay payapa, sa totoo lang, sobrang payapa kung ikumpara ito sa modernong Vigan; walang mga mambobolang tindero't tindera na nakakalat sa kanto, o paligoy-ligoy na mga turistang galing sa karaoke.

Ang mga bahay din na dati'y walang ilaw ay nakabukas at ito'y tinitirahan. Ngunit hindi makakibo si Christina sa payapang atmospera o sa amoy ng sariwang prutas sa hapagkainan. Si Baste ay nakakuha ng ligaw na patpat sa kalsada at ito ay kanyang ipinampapalo sa hangin na parang ispada.

Napansin ni Baste ang bakal na tingin ni Christina sa kanya kaya't ito ay kanyang binigay ng pansin, "Binibining Cristina, okay lang po ba kayo? Maaari akong kumuha ng isang pang patpat." sabi ni Baste. 

Napalunok si Christina at napatingin sa daanan, "Ah, wala, iniisip ko lang kung ano ang dapat kong gawin pagka nakita ko na si Maria. Hindi ko siya gaanong kilala, pero ako pa ang kailangan na magpangiti sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung anong gagawin ko."

Napangiti si Baste, "Huwag na po kayong magalala sa gagawin ninyo! Nararamdaman ko po na sa simpleng presenya mo lang, mapapangiti na kaagad si Ate Maria! Lagi naman po siyang ngumingiti kung kasama niya si Kuya Emile. Kung pwede lang, baka ito'y umabot hanggang langit pa!" sabi ni Baste.

Tumango siya sa kalangitan na punumpuno ng kumikinang na bitwuin. "Noong pumunta si Kuya Emile sa Amerika para magaral, naalala ko ang labis na kalungkutan ni Ate Maria. Pero ito ay madaliang naanod noong siya'y nakakatangap ng liham ni Kuya; ang simpleng pagpapaalala ng kanilang mga matamis na alaala nila sa Casa De Entrada ay nakagagaan na ng kanyang karamdaman."

'Hindi po rebolusyon ang nasa isip ni Maria. Ang kanyang isipan ay naroon kay Crisostomo at naririto sa Casa De Entrada. Nais niyang magsakripisyo para lamang sa ano? Sa isang pangako na hindi na maisasakatuparan!'

"Gaano ba kahalaga ang Casa De Entrada kina Maria at Emile?" tanong ni Lucio. Sa kanilang buong lakad, ngayon lang siya nagsalita. 

"Lubus-lubusan po. Halos dito na po sila lumaki at dito nagkasundo. Maypagkamalupit kasi po ang pamilya nina Ate Maria kung naroon po ang kura paroko, kaya't doon lagi siya'y naparoroon."

Napayuko ng ulo si Christina. Mayroong pait na nalalasahan siya sa kanyang labi noong naalala niya ang kanyang nais mag abroad. Naisip niya ang mga rebolusyonaryo, ang mga sugatan, at ngayon, ang pagmamahalan nina Maria at Crisostomo. 

"Baste, parang kilalang-kilala mo talaga ang iyong Kuya Emile at Ate Maria ah." Pabirong sabi ni Lucio, "Baka sa lagay na yan mapagiisipan namin na kabilang ka sa mga nanirahan dito sa makalumang Vigan."

Napahinto si Baste sa kalsada. Ang kanyang ngiti na kanina'y parang walang paki sa mundo ay biglang tumamlay, at siya'y napatingala kay Lucio. Mayroon nadama si Christina na kakaiba sa kanyang tawa.

Ang gabi muli ay tumahimik at wala lang sila ginawa kundi tumingala sa mga kumikinang na bituin.

"Binibining Christina, ipangako niyo po sa akin na kayo'y magkakabati ni Ate Maria. Pagka tayo'y naroon na po, huwag niyo po siya talikuran." ani ni Baste. 

Si Christina ay napatingin sa kanya at napangiti ng kaunti, "Pangako ko ito sa iyo, Baste." 

Noong sila'y lumikong pakaliwa patungo sa gubat, mayroong mahabang pila ng mga kalesa. Sa dating kinatatayuan ng guho, mayroon isang magandang mansyon na yari sa narra at bato. 

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now