Kabanata VIII

3 0 0
                                    

Ngayo'y siya nasa sinaunang Casa, napansin ni Christina ang malaking pagbabago na naganap sa loob ng estruktura. Ang maduduming relikaryo at abubot, kahit kung sila ay nasa isang tabi, ay mukhang nagagamit at hindi lang nakadisenyo sa kabinete. Sa baba ng hagdanan, ang masayang teklado ng piyano at pagakompanya ng guitara ay rinig niya kasama ang palakpakan ng ilan sa mga nakikitira. 

Lahat ng taong nasa paligid niya ay nakasuot ng nagiiba't ibang kulay ng filipiniana at barong na hindi na niya nakikita sa modernong panahon. Kahit si Lucio ang malakas na kritiko ay napabukas din ng bunganga.

"Ngayon back to business na tayo! Mamaya na kayo tumingin dahil strikto ang ating skedyul ngayon. Sa lahat ng tao na idinala ko rito, lahat po sila ay ligtas na nakababalik po sa modernong Vigan. Tamang-tama po talaga na bumisita kayo sa disyembre, dahil napansin ko po na ngayong buwan lang ito bumubukas." 

"Teka, mayroon na nauna sa amin?" ani ni Lucio. 

"Opo, nakailan na rin- nga lang kaunti ang maswerte na nakapapasok rito. Noong idininala ko sila sa mga Dela Cruz, 'ni isa sa kanila ay nakapagpapangiti kay Ate Maria kahit banggitin ko po; Kadalasan po ay nakikitungo lang po sila upang kumain at bumabalik na po kaagad sa Casa De Entrada."

 Noong nakita ni Baste ang kamagong na orasan sa sala, siya'y napahinto upang isaayos ang kanilang mga relo; ang dating alas onse ay naging alas otso. "Mayroon po tayong isang oras bago po magsarado ang Entrada kaya dapat po nating bilisan."

Sa gabay ni Baste, sila'y tumungo sa loob ng kusina at patahimik na lumabas sa bukas na pintuan. "Ang damo naman ng dinadaanan natin, Baste..." ani ni Christina. Kung sa modernong panahon ito ay isang malawak na parking area, sa lumang Vigan ito'y madamo at magubat.

 "Malapit lang po, Binibining Christina! May kailangan lang po akong kunin... Aha! Ayan, sa loob ng pintuan." Itinuro ni Baste ang isang malaking palumpong na nasa likod ng Casa. Tiningnan ni Christina ng maigi ang itinuturo ng bata, ngunit wala siyang makita na kahit ano mang pintuan. "Sigurado ka? Wala naman ah." 

"Dahil kasi ito'y nakatago. Bakit naman namin ipapahalata na base ito ng mga rebolusyonaryo? Dapat nilagyan na namin ito ng karatula kung ganon!" patawang sabi niya. Hinawi ni Baste ang palumpong gamit ang kanyang dalawang kamay at nagsipa ng ilang mga ugat upang ipakita ang maliit na pintuan. 

"Pwede nga," Puri ni Lucio, "Pero bakit pa tayo dadaan sa kampo niyo?" "May kailangan lang po akong kunin sa loob. Maaari po kayong manatili dito." Binuksan ni Baste ang pinto at ito'y kanyang pinasukan. Noong siya'y nakapasok na sa loob ng butas, ibinuhat ni Christina ang kanyang saya at kinapa ang layo ng lapag sa kanyang paa. 

"Christina-"

 "Kung ayaw mo sumama, wala naman problema Lucio. Ngayon ko lang kasi nalaman na may sikretong bodega pala kami sa Casa." 

mabilis na isinambit ni Christina. Umiling si Lucio at pinaltik ang kanyang dila.

Makitid ang hagdanan ng entrada, at ilang beses na si Christinang napatipalok dahil sa kayuyuko. Ang daanan ay matarik at yari sa matigas na lupa, at hindi pa nakatulong ang kisameng mababa kung saan nakadalawang bagok na ang ulo ni Lucio. Noong narating nila ang baba, ang una nilang nakita ay isang estante ng libro. Magrereklamo na sana si Lucio na sila'y tumungo roon para sa wala, pero tinakpan kaagad ni Christina ang kanyang bibig; Halatang mayroong gumalaw ng estande dahil may ilaw na lumalabas sa kanyang gilid.

Ginamit niya ang kanyang kamay na pantakip sa bibig ni Lucio upang sumilip sa espasyo; Sa loob, mayroon siya nakitang pansamantalang kwarto kung saan ang kumpon ng sampung lalaki, limang babae, at si Baste ay nagtipon-tipon. Sila'y nakapaligid sa isang maliit na lamesa na naroon sa gitna ng kwarto kung saan mayroong nakalatag na iba't ibang mapa at dokumento; ang ilaw na mayroon lang sila ay isang nakataling lampara na nakakabit sa mababa na dingding. Habang nagsasaya ang mga walang kamalay-malay na mayayaman sa taas, sila naman ay halos mapalupasay na sa pagod at may awra ng kaseryosohan.

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now