Kabanata VI

2 0 0
                                    

Pagkarating nilang dalawa sa kwarto, ang kanilang mga kaibigan ay patulog na: Si Janelle ay naroon sa kanyang kama na suot suot ang kanyang skin care routine at tahimik na humihilik, Si Rodolfo ay nakahilata sa lapag na tumatawa sa kanyang paniginip, at si Audrey ay nakaupo sa kanyang kama nagbabasa ng libro. 

Nakita ni Christina ang kanyang celphon sa banidad niya. Sabi niya nga, kinuha ito ni Janelle. Noong nakita ni Audrey ang dalawa, isinarado niya ito at sila'y inasikasuhan.

Nauna na si Lucio sa paggamit ng banyo, kaya't naiwan si Christina na magpaliwanag. Hindi na lang niya binanggit ang bangin, si Linares, at ang babaeng umiiyak. "Ah talaga ba? Sabi ni Baste na tama naman ang kanyang panuto kay manong, at inakala namin na tumungo pa kayo sa Calle Crisologo." 

"Napunta kami sa gubat, Audrey, paano iyon 'tamang' panuto?"

Sumimangot si Audrey, "Kausapin na lang natin ang magulang ni Baste upang malaman natin kung bakit niya kayo iniwan sa gubat." Tumango na lang si Christina at ipinatong niya ang kanyang baba sa kutson ni Audrey.

Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nangyari. Sa pagkahulog niya sa karwahe papunta sa usapan niya tungkol sa Casa, hindi niya alam kung nabuhay nga ba siya sa aksidente o nananaginip siya. Noong napansin niya ang makalumang takip ng libro na hawak-hawak ni Audrey, siya ay nakuryoso at napatanong, "Ano yan?" Namula si Audrey, "Ah, sana hindi ito abala, pero nakita ko na mayroon kayong libro ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dito kaya ito'y aking hiniram kay Ginang Crisostomo. Katatapos ko lang ng Noli kanina at kasisimula ko pa lang sa El Filibusterismo." 

Lumaki ang mata ni Christina, "Wow, ang bilis mo naman magbasa." 

"Naginuman pa kasi sina Ginoong Crisosotomo at Rodolfo kaya..." Napatingin siya sa nananaginip na lalaki sa lapag. "Ayan, nakailang kabanata na ako dahil doon. Sabi ni Janelle na huwag na lang namin siya galawin sa lapag dahil baka uminit pa ang ulo." Tinikom ni Christina ang kanyang labi noong ito'y tumawa uli.

Kinuha niya ang libro sa gilid ni Audrey at umupo ng maayos. Hinawi niya ang mga pahina at nagbasa-basa ng ilang kabanata; sina Padre Damaso, si Elias, si Tandang Tasio, si Crisostomo, alam na ni Christina ang kwento dahil paulit-ulit niya itong binasa noong bata. Noong nalagpasan niya naang ilang kabanata, mayroon siyang nakitang hiwa sa isang pahina. Nagtataka, binuksan niya ito at nakakita ng puting liryo na ginamit na bookmark. 

Sa pahina mayroong nakaguhit na piktur si Maria Clara na lubos ang kanyang pagatungal sa nawalan na kasintahan. Ito ay kanyang kinapa gamit ng kanyang daliri, at naalala niya ang babaeng nakita niya sa guho na may hawak-hawak na lampara.

Napatingin siya kay Audrey na pinagkaabalahan ang El Filibusterismo. "Audrey, kung maaari ko lang ikaw matanong, bakit ka nainteresado sa Noli at El Filibusterismo?" tinanong niya. 

Si Audrey ay humuni habang ibinubuklat ang ibang pahina, "Hmm... siguro natural na kaugalian talaga ng taong mainteresado, dahil para sa akin nakabibighani ang kwento nila. Naipapakita ng mga aklat ang kasaysayan ng Pilipinas sa mata ni Rizal at! Kung pwede kong bangitin, ang ganda ng symbolismo niya."

Isinarado ni Christina ang libro. "Talaga ba..." siya'y napatahimik. 

"Nakikita ko rin ang mga paghihirap ng mga pilipino upang makamit ang kanilang kapayapaan. Ang rami rin talagang pinagdaanan ang mga pilipino noong panahon ng Kastila."

"Pero ipagpapalit mo ba ang makasaysayang literatura ng Pranses para dito?" tumanto si Audrey, "Siguro maaari kong ihalintulad ang mga nangyari sa libro sa kasaysayan namin. Kami rin ay nagkaroon ng sariling opresyon at ito ang aming ipinaglaban. Pero siyempre, uunahin ko muna ang aking sariling panitikan. Dapat kilalanin ko muna ang aking sariling bansa bago ang iba. Ito ang aking pagkakaroon ng utang-na-loob." 

Ngumiti si Audrey at isinaayos ang kanyang salamin noong lumabas si Lucio sa banyo. "Tapos ka na? kumusta na ang iyong nararamdaman?" "Pagod. Gusto ko na lang matulog." "Ah, edi matulog ka na. Ang higaan na ginamit mo kanina ay bakante." 

Lumakad si Lucio patungo sa kama ni Audrey at tiningnan ang deliryosong Rodolfo. Sisipain niya sana ito upang magising, ngunit hindi na niya itinuloy. Tinulungan na lang niya ang lasing sa kamang katabi ng kanyang kapatid, at mabilisang nakaidlip noong siya'y humiga sa unan.

Binalik ni Audrey ang kanyang atensyon kay Christina, "Sa aking paninirahan dito sa Pilipinas, maituturing ko talaga na mayaman ang inyong kasaysayan; dito pa nga lang sa Vigan- parang pumasok ako sa isang malaking istorya." Humagikgik si Christina. "Audrey, mukhang natagalan ka nga rito sa Pinas."

Ngayo'y nakahiga na sa sariling kama, si Christina ay napatingala sa nakakabit na brasong aranya. Inamoy niya ang liryo na nakuha niya sa libro, at dinamdam ang kanyang sariwang amoy. Katakataka, ani niya sa kanyang sarili. Ito'y mabango kahit sa ilang dekada na nakatambak ang libro sa Entrada. Sa dulo ng kanyang mata ang kaha na isinara ni Audrey ay umilaw pero ito ay napundi kaagad.

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now