Kabanata III

3 0 0
                                    

Alas sais ng gabi noong sila'y nakababa upang kumain ng hapunan kasama ang mga Crisostomo. Si Janelle, na katatapos lang sa kanyang "beshie-breakdown" live sa insta, ay nagtangka pang magayos upang hindi mahalata ang kanyang takot.

Simpleng walang nangyari. Walang humiyaw, walang humagulgol, at walang multong naninirahan sa loob ng Casa De Entrada. Si Rodolfo at Audrey ay ginawa niyang tanod upang maisigurado na walang multo na dudukot sa kanya.

Ang kamay ni Christina ay pinagpapawisan noong inabot niya ang hawakan ng pinto. Nauna nang lumabas sina Rodolfo at Janelle, at kalalabas lang ni Audrey upang samahan sila. "Anong inaabangan mo Christina? Bababa ka ba o hindi?" tinanong ni Lucio. Muli, dahil sa kanyang kapagalan siya ay nahuli sa magkakaibigan. 

"Ah, Lucio! Oo, bababa ako. Pero gawan mo nga ako ng pabor, no? Nandito ka naman din kasi. Kung may makita kang lalaking matangkad, may pagkakayumanggi ang buhok, kamukha ni Coco martin noong binata, at magarabong sa pananamit, pwede mo ba akong sabihan?" Patawang sinabi ni Christina. 

Tumaas ang kilay ni Lucio, "May tinataguan ka ba?" 

"Hindi! Wala akong tinataguan, ako pa?" 

Mas pinagpapawisan pa ang kanyang kamay sa hawakan, ang dudoso pa talaga ang pinakiusapan niya. Humikab ang lalaki, "Sige, basta utang mo ito sa akin ah. Dapat ikaw manglibre ng keyk mamaya." Ngumiti si Christina. Sabay silang bumaba patungong restawran kung saan nakahanda ang hapunan.

Ang restawran ay punong-puno ng tao noong sila'y bumaba sa hagdanan. Galing pa lang sa sala patungo sa kusina, maligayang nakikikain ang mga turista at nagsisipaghalakan. Ang ingay ng gabi ay hindi na nakasanayan ni Christina sapagkat kung ikukumpara ito sa kanyang apartamento sa Maynila, ang kanyang apartamento ay kasing tahimik ng daga. 

Tumatago sa likod ng balikat ni Lucio, tumingin lang si Christina minsan sa kanyang paligid upang hanapin ang binatilyong kanyang tinataguan. Siya'y naginhawaan ng loob noong hindi niya nakasalamuha ang mukha ni Linares. 

"Wala rito sina Janelle at Rodolfo." Ani ni Lucio noong nakapasok sila sa panloob na restawran. "Baka nasa labas sila? Dalawa kasi ang restawran ng magulang ko at sa labasan lang naman ang Nuestra Felicidad. Mas maraming tao roon." Tumango si Lucio.

Pagkalabas nila sa kalye, ang unang bumisita sa kanila ay si Rodolfo na nagtatangkang tawagin sila. Sa isang lamesa nakaupo na sina Janelle at Audrey kasama ang kanyang magulang. Buong galak na itinanggap ang dalawa at doon nagsipagpalitan ng bati ang magama na kaytagal nang hindi nagkita. 

Sa tulong ng magasawang Crisostomo ang hapagkainan ay napuno ng bagnet, sisig, at sinigang na salmon sa halip ng sampung minuto. Hindi na kinailangan ni Christina bumayad para sa keyk na minimithi ni Lucio.

Ang kanilang pinagusapan sa hapagkainan ay nahati sa tatlong kurso: ang unang kurso ay sinimulan sa kalagayan ng mga mag aaral sa unibersidad, ang ikalawa ay napadpad sa indibidwal na adhikain at mga nais sa buhay pagkatapos ng colegio, at ang ikatlo ay nahati sa pamamagitan ng magasawang Crisostomo na nagsanga sa anong balak ng grupo sa Vigan at sa karaniwang sitwasyon ng pulitika sa Pilipinas.

Si Audrey at Rodolfo ay nagmadaling sumama sa usapan ni Ginoong Crisostomo habang ang atensyon naman nina Lucio at Janelle ay napunta sa tanawin ng Vigan. Ang isipan ni Christina ay nahati dahil sa kanyang nais niyang makisalamuha sa dalawang pinaghatiang kurso, ngunit noong tiningnan niya ang kanyang plato, ang ideya'y madaling nawatak. Kung mayroon siyang pangunaihing kurso na hindi niya maubos-ubos, dumagdag pa si Linares ng panghimagas. Nagdadalamhati sa sarili, siya'y napilitang sumama sa usapan ni Ginang Crisostomo.

"Ano po ang masasabi ninyong magadang puntahan po dito sa Vigan?" wika ni Lucio. Kumpara sa nagkakating bulsa ni Janelle, siya'y sumama dahil interesado siya sa mga makasaysayang tanawin na nakapaloob sa bayan. 

"Ah kung gusto mo, maaari kayong bumista sa bahay ni Burgos o sa museo Crisologo. Narito rin ang mansion ng mga Quirino."

 "Matanda na naman! I want something I can bring home, tita. Meron po ba ditong malapit na pamilihan?" 

"Calle Crisologo iha, ilang minuto lang siya dito. Naroon din matatagpuan ang mga Calesang paupahan nila."

"Really?! Rudolpho take me there right now!" ani ni Janelle sa kanyang kapatid. Si Rodolfo, na wiling-wili sa kanyang debate kasama ni Ginoong Crisostomo, ay hindi man lang umimik sa kanyang kapatid na nangangailangan ng atensyon. Sumimangot si Janelle.

Tawang-tawa na kinonsuwelo ni Ginang Crisostomo ang dalaga, "Huwag kang mag alala ayat! Patapos naman ang usapan nila kaya pwede na kayo mauna roon. Mayroong tindahan na bukas pa rin para sa turista."

"Talaga po ba? Pero po what if we get lost?" 

"Oo, at maniwala ka sa akin hindi kayo mawawala! Kahit ako pa ang hahanap ng kasama ninyo!" ani ng nakatatanda; Tumingin siya sa kanyang paligid at namukhaan si Baste na naglalaro ng patpat sa sulok. "Baste! Pumunta ka nga rito, may ipapagawa ako," tinawag niya.

Maingat na pinagmasdan ni Baste ang direksyon kung saan narinig niya ang kanyang pangalan bago tumungo sa kanilang lamesa. "Ano po ang gagawin ko?" 

"Samahan mo nga ang mga bisita natin papuntang Calle Crisologo. Gusto nila bumili sa mga nagtitinda roon." Sinulsulan ni Ginang Crisostomo. 

Ang bata ay sumimangot sa kanyang hawak-hawak na patpat bago tumingin sa direksyon ni Christina. Ang kanyang mata ay kumislap at delikado niyang itinuro si Christina gamit ito, "Sasama po ba si Ate Christina?" "Oo! Kaya't bitawan mo na ang patpat. Baka may masaktan ka pa dahil diyan." Tumakbo ang bata patungo sa sulok at iniwan ang patpat. Tumaas ang kilay ni Christina sa pagbabagong ugali ng bata.

Tumayo si Janelle sa kanyang upuan, "Let's go! Bahala na si Rudolpho at Audrey, mauna na tayo." ani niya. Nakipagkapitbisig siya kina Lucio at Christina at saya-sayang nilabas sila sa restawran.

"Pero-" 

"Wala ng pero-pero, Christina! Unless you want to be haunted by a multo in your Casa." 

Si Baste ay nakaabang na sa kanila sa kalye na may malaking ngiti sa kanyang mukha. "Humayo na tayo, binibining Christina! Hinihintay ka po niya." 'Hindi kapanipaniwala..." Natawa na lang si Christina sa kanyang sarili. Kahit ang dating kakampi niya na si Lucio'y nawala bigla sa ere.

Pagkatapos ni Ginoong Crisostomo inumin ang kanyang huling bote, doon pa lang niya napansin ang nawawalang mga estudyante. Tumingin siya sa kanyang asawa na ngumumuya sa kanyang bagnet. "Saan pumunta sina Christina?" tinanong niya. 

"Pumunta siya sa Calle Crisologo kasama ang kanyang mga kaibigan. Pinasama ko si Baste para hindi sila mawala." Kumunot ang noo ng lalaki sa kanyang asawa, "Ganon ba? Nais ko sanang kausapin siya." Pinaltak ni Ginang Crisostomo ang kanyang dila, "Mamaya na mahal. Hayaan mo munang magsaya ang bata. Pwes! Lasing ka nga rin, pa'no mo yan makakausap?" Nilunok niya ang kanyang bagnet at ininuman ng tubig.

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now