Kabanata IV

1 0 0
                                    

Ang Calle Crisologo ay buhay sa gabi. Galing sa mga nagtotoreng bahay na bato patungo sa tuktok ng kumikinang kaha ng mga tumatawid na kalesa, ang inabandonang bayan ay humihinga araw-araw para lang sa taumbayan na nais makapasok uli sa panahon ng mga kastila.

 Bilang pagpupugay sa kasaysayan ng Vigan, ang simpleng 500 metro na kalye ay labis na iprineserba ng mga lokal; Kahit ang simpleng pagbaklas ng pinta ay ipinupuri nilang simbolo ng dumadaan na panahon. Ngunit si Christina ay skeptiko sa ganitong klaseng paniniwala at hindi maintindihan kung bakit ipinupuri ang hungkag ng dating manigong kalye kaysa maging realistiko.

Hindi na mababalik ng mga lokal ang lumang Calle Crisologo, bakit pa sila nagsusubok na ito'y ipreserba kaysa tangkilikin ang progreso? Si Lucio at Janelle ay labis na nabighani sa delanterang tinatawag nila na Calle Crisologo. 

Sa loob ng masikip na daluyan ng tao, napagtanto si Christina kung siya lang ang nagsusuklam sa kanyang tradisyon.

"Wow naman! Ang ganda ng elephante na ito! Ate, how much is this?" ani ni Janelle sa isang manininda. Sa wakas nabuksan na niya ang kanyang pitaka na kating-kati pa niyang gustong gamitin. 

"480 po ma'am para sa isa." 

"480?! You must be joking! Ang liit-liit lang ito para maging 480 kaagad! I want a tawad!" 

"Tawad po? Eh ma'am, ito na lang ang natitirang stock po namin ngayong araw." 

"No matter if it's the last stock! Bakit ang mahal? In Manila these figures cost around 240 and nakabox pa!" 

"Well ma'am, sorry, bano ako sa ingles, but we work hard to carve these with our own hands. So if you want a cheaper elephant, I suggest you go somewhere else."

Ang pagkagigilan ng dalawa ay nagresulta sa papwersahang pagarbitwaryo ni Baste. Si Lucio ay muling nawala sa piling ni Christina kaya't ito ang kanyang hinanap. 

Naroon lang niya nalugod ang importanteng tungkulin nina Audrey at Rodolfo sa kanilang grupo. Hindi niya kayang mamahala sa dalawang dalawampu't tatlong edad na bata, at kahit si Baste, na sa palagay niya ah labing-apat na gulang pa lang, ay napapatanda sa nakakahiyang lagay nila. 

Nahanap niya si Lucio na masayang nakatingala sa isang bahay na nakabukas ang bintana. "Ano kaya ang nasa loob ng mga bahay na ito... alam mo Christina, sa totoo lang nadadayaan ako sayo. Mukhang masaya manirahan sa Casa De Entrada." 

Nagdilim ang mukha ni Christina, "Talaga ba?"

Pagkabalik nila sa pamilihan, natapos na rin ang away ni Janelle kasama ang tagatinda. Masaya siyang lumabas na may dalang limang kahon ng alahas, apat na pamaypay na mayroong "I Love Vigan", dalawang pigurin ng dyip, at ang kanyang kahoy na elepante. 

"Hi guys, guess kung sino mayroong pasalubong?" ani niya. Sa likod niya, si aling tindera naman ay pasipol na nagbibilang ng pera. Ngunit hindi pa natapos ang lakwatsya ni Janelle. Sa kanyang mata, lahat ay oportynidad na dapat hindi dapat ibaliwala. 

Noong mayroong dumaan na kalesa, ito'y kanyang binigyan pansin, "Huy, tingnan ninyo ang parada ng mga kalesa! Dapat sumakay din tayo for the full Vigan experience!" 

Sumimangot si Lucio, "Pero paano sina Audrey at Rodolfo?" 

"Their fault na ayaw nila sumama. 'Wag na kayong mag alala ako na ang magsposponsor! I'm feeling generous today." 'Ni isa sa kanila ay tumutol.

Si Baste ang naghanap ng paraan para makarenta sila ng kalesa. Noong nahanap niya ang suki ng mga Crisostomo, pabulong niyang sinabihan ang manong na si Ginang Crisostomo na lang ang magbabayad. 

Ngunit noong nakita ng kutsero ang bilang nila, tinanggal niya ang kanyang sombrero at umiling, "Tatlo lang po ang pwedeng sumakay." 

"What?! Pero apat kami." 

"Pwede naman po akong maglakad." iminungkahi ni Baste, 

"Hindi maaari! Ikaw lang ang may alam ng daan." Tumingin siya sa ikalawang kutsero sa likuran nila, "dalawa-dalawa na lang ang sasakyan natin! It's unfair if one of us isn't able to ride."

Tumaas ang kilay ni Lucio at tumingin si Christina, "Nasasapian ba siya?" 

"Mukha yatang nasapian siya ng banal na espiritu ng Vigan. Sana nga lang hindi maubos ang epekto pagkadating natin sa Casa." Humagikgik si Lucio.

Si Baste at Janelle ay sumama sa unang kutsero habang sina Lucio at Christina ay napunta si ikalawa. Mayroon na naman binulong si Baste sa ikalawang manong at itinuro sa kalsada. "Baste! Bilisan mo na or I'll tell kuya to leave you!" 

"Opo na, sasakay na po ako!" 

Sakay ng kalesa, nagpatuloy sila sa batong kalsada ng Calle Crisologo. Nakaupo kasama ni manong sa harap, tiningnan ni Baste ang karwahe ni Christina bago tumalikod.

Ang gabi ay muling tumahimik noong nakalabas na sila sa kalye. Galing sa ingay ng mga mambebenta at sirang boses ng taong nagkakaraoke, ito'y napalitan ng paghuni ng mga insekto at pagkaluskos ng puno sa simoy ng hangin. Ang ilaw ng mga lamparang nakapalibot sa Calle ay nagiging bola ng ilaw habang lumalayo sila. Kung wala lang ilaw ang kaha ng sinasakyan nilang kalesa, walang nang mabatid ni Christina ang daanan. Sa kanyang namamasid sa maliit na bintang nasa likod ni kuya, patungo na sila sa tabi ng gubat. 

'Hindi ito ruta patunong Casa.' sumimangot si Christina. Sa pamamagitan ng maliit na partisyon nila sa kuya tiningnan niya ang karwahe sa harap nila. Naginhawaan siya ng loob noong nakita niya ang ilaw ng kaha nina Janelle at Baste. Baka tumungo lang sila sa mas mahabang ruta, alam naman ni Baste ang kanilang pinupuntahan.

Clip. Clop. Clip. Clop.

Muling tumahimik ang isipan ni Christina. Kaysa magalala kung darating sila sa Casa, ngayo'y niya lang napansin ang kagandahan ng kalikasan. Kasama ang mga puno ng acacia at ang mabubulaklak na palumpong, nakahinga siya ng malalim upang amuyin ang preskong hangin. Sa mga hati ng dahon sa puno nakikita niya rin ang mga kumikinang na bituin na kanyang minimithi sa Maynila.

Clip. Clop. Clip. Clop.

Lubak-lubak nga lang ng konti ang kalsadang dinadaanan nila pero hindi naman problema. Sa kanyang harap, naaliw siya sa ilaw na katabi ni kuya; hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ilaw ng kandila. Naramdaman niyang gumalaw si Lucio sa tabi niya, kaya't siya'y napatinigin. Si Lucio'y nakatingala sa labas ng kanyang hati ng karwahe, ngunit sa ilaw ng buwan nakikita niya ang kanyang simangot sa mukha.

Clip. Clop. Clip. Clop.

"Kuya, mukha po ibang daanan na po ito sa Casa De Entrada," pinangunahan siya ni Lucio. "Hindi ko na rin po makita ang kalesa nina Janelle at Baste. Maaari po ba na tayo'y naligaw?"

Ang mama ay hindi siya sinagot at patuloy niyang minaneho ang kalesa. Si Lucio ay napatingin sa harap; iniisip na hindi narinig ng kuya ang kanyang sinabi, pairitang inulit ni Lucio ang kanyang tanong, "Manong, malayo na po tayo sa Casa De Entrada. Bumalik na po tayo sa Calle Crisologo upang makasama ang iba." Hindi na naman umimik si kuya. 

Namutla ang kamay ni Christina noong napansin niya na lumilimiko na sila sa mas lilim pa na lugar ng gubat; siya'y napahawak ng rehas noong nakita niya ang bangin sa kanyang gilid. Nagkakamali si Lucio. Papunta sila sa Casa diba? Hindi naman mali ang panuto na ibinigay ni Baste kay kuya.

Binuksan ni Christina ang kanyang bulsa upang halugkatin ang kanyang cell phone, ngunit noong inabot niya ito, wala siyang makapa. Ang karwahe ay napaalog dahil ito'y nakatama ng iilang maliit na bato sa kalsada. Dahil sa inis ni Lucio sa kutsero, inabot niya ang kanyang kamay sa loob ng maliit na bintana at ihinila ang kanyang kwelyo upang ito ay sigawan. 

Nagulat si Christina sapagkat si Lucio ay lubha lang magalit ng harap-harapan. Muling umalog ng matindi ang sakay nilang kalesa at siya'y napaigtad sa kanyang gilid. Hindi na lang niya namalayan na hindi siya nakahawak sa rehas ng kanyang inuupuan at siya'y natuluyan na mahulog sa labas ng kalesa.

"Christina!" Sigaw ni Lucio. Madalian niya itong hinawakan sa kamay ngunit huli na. Ang huling nasulyapan ni Christina ang ilaw na kumikinang sa kaha ng lampara ng sasakyan bago siya magpagulong-gulong sa bagin, at noong marating niya ang matigas na lupa siya'y nawalan ng kamalayan.

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now