Kabanata V

1 0 0
                                    

Ang unang bumati kay Christina noong siya ay nagising ay ang sinag ng asul na buwan. Mirakulo na lang na hindi gaanong kalalim ang bangin at hindi siya nabalian ng neek sa kanyang pagkahulog at pagtama sa sanga ng puno. 

Ang kanyang mga parte ng katawan ay sumasakit at ang ulo niya ay parang sasabog. Pwinersahan niya ang kanyang sarili na umupo at tumingin sa kanyang kalagayan. Wala naman siyang nakitang baling buto at natastas lang ng kaunti ang kanyang suot na maong at dyaket. Hawak-hawak ang kanyang kaliwang bewang, siya'y papilantod na labas ng gubat upang makahanap ng tulong. Sa kanyang pagkaligoy nakahanap siya ng isang maliit na kapatagan.

Ang maliliit na ilaw ng Calle Crisologo ay kanyang nabatid sa likuran at nakita niya ang anyo ng Casa De Entrada. Ito ay kanyang mabilisang pinuntahan, pero pagkadating niya roon, napansin niya na hindi lamang kapatagan ang naroroon kundi ang dating pinagtayuan ng isang mansyon. Ito ay wala nang bubong, nakakalat ang kanyang batong pader, at hindi nga ito mapagiisipang bahay dahil sa guho. 

Sa gitna ng manor may nakita siyang babaeng umiiyak na mayroong suot-suot na takip sa mukha. Nakasuot siya ng puting bestida at may hawak-hawak na lampara na kanyang iniiyakan; sa nababatid ni Christina sa kanyang mukha, siya'y magmumukha na sanang anak ni aphrodite, ngunit ang kanyang kompleksyon ay nasira sa tumutulong kolorete sa kanyang pisngi.

Ang ordinaryong tao ay matatakot at tatakbo ngunit siya'y nagsilbeng lampara sa tingin ni Christina; at kagaya ng gamugamo sa harap ng apoy ito ay kanyang nilapitan. Mayroon siyang naramdaman na awa sa babaeng hindi niya kilala, at nais na patahan ang kanyang pagiiyak. Noong harap-harapan na sila, inabot niya ang kanyang pantakip sa mukha bago-

"Christina? Anong ginagawa mo riyan?"

"Huh?" Siya'y nawalan sa kanyang ulirat noong mayroong tumawag sa kanya. 

Pagkatingin niya ulit sa babaeng umiiyak wala na siyang kasama. Noong namukhaan niya ang unano na lumalapit sa kanya, ang kanyang simangot ay lumalim. Nakilala niya ang kanyang kayumangging buhok, magarabong na pananamit, at kahali-halinang mukha. 

Tumingin siya uli sa kinatatayuan ng babae. "Nakita mo ba iyon?" 

"Huh?" 

"Yung umiiyak na babae." 

"Hindi? Ikaw lang ang nakita ko rito. Bakit, may kasama ka ba?" 

Umiling si Christina. "Wala, gabi na at kung ano-ano ang iniisip ko. Pero kumusta ka Linares?" sabi niya na may maliit na ngiti, "Paano mo nalaman na ito ang aking tutunguan?"

Si Linares ay nagbuntong hininga, "Hindi mo na ba talaga maalala Christina? Dito tayo laging tumatambay noong tayo pa ay bata. Noong nalaman ko na bibisita ka ng Vigan, tinanong ko ang aking tatay kung maaari bang ako dumalo sa Casa." 

"Pero si tatay..." 

"Alam ko naman na may galit pa siya sa aming mga Linares ngunit bakit ko ihahayaan ang oportunidad na ito upang batiin ang aking kaibigan?... na, napansin ko, ay mahilig akong iwasan." 

Tumingin si Linares sa direksyon ng Calle Crisologo at ang ngiti niya ay unti-unting nasindi. Kinagat ni Christina ang kanyang pisngi at siya'y napayuko sa hiya. Hindi naman niya ninais na taguan si Linares, ngunit alam niya na hindi niya na maibabalik ang kanyang mga sinabi.

"Pagkatapos kong magcolegio, gusto kong ibenta ang Casa De Entrada para makapunta sa Amerika." Biglaang ani ni Christina. Dumidilim na ang kalangitan sa at ang mga kaha sa loob ng Crisologo ay nagsisimula ng bumukas. 

Si Linares, na naresolbang umupo lang sa isang malaking bato na katabi niya, ay napatingin sa kanyang kaibigan. "Anong sabi mo?" 

"Gusto kong ibenta ang Casa para makapagibang bansa. Alam mo, nalaman ko lang kani-kanina kay tatang na abot sa 35 milyon ang halaga na inuupuan niyan. Milyon? Sakto na iyon sa akin, sa tingin ko. Kailangan ko na lang hintayin si lelong pumanaw upang mapangalan na ang estado sa akin. Ang problema ko ay masusulusyonan na sa wakas." 

Ang Nais MaghintayOnde as histórias ganham vida. Descobre agora