Chapter 12

10 1 0
                                    

Nagbihis ako ng two piece bikini. Kaonti lang ang tao sa tabing dagat dahil hindi naman summer. Kulay abo ang buhangin ngunit pinong pino ito.

Galit na sumalubong sa akin si Raffe na may dalang tuwalya habang ako naman ay nagtatampisaw sa tubig.

"Ano ka ba? Bakit ganyan ang soot mo?!" Aniya at binalot ako ng tuwalya.

What's wrong with my clothes? Nasa dagat naman kami ah. Mabuti sana kung nakabikini ako sa edsa!

Nagmartsa ako pabalik sa cottage at padabog na naupo sa isang silya doon. Nasa may malayo si Nanay Linda at Tatay Lino habang nagtatampisaw, si Aaron naman ay naghahanda ng iiihaw.

Sinugod nya ako sa cottage at dinuro. "Hindi mo ba alam na ang daming matang nakatitig sayo roon!" Sigaw niya.

Para naman akong batang pinapagalitan ng kanyang Ama. Nilingon ko siya at inirapan.

"Puta!" Napamura siya at nilayasan ako.

Bakit ba galit na galit sya? Eh talaga namang nagsusuot ako ng bikini pag nasa dagat ako, medyo hindi pa nga ito gaanong revealing!

Sinundan ko siya at ang daan niya ay doon sa inuupahan naming bahay.

Sinapak ko ang balikat nya. "Hoy! Ano bang problema mo?!"

Hinarap niya ako at galit parin ang kanyang ekspreayon. Inirapan ako at tumalikod.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa nya. Napaka! Ano ba kasing mali ko? Pumasok ako sa kwarto at nagsuot ng isang maong na short at oversized tshirt. Lumabas ako at naabutan ko syang naghihintay sa labas ng pinto.

"Better" aniya at tinalikuran na naman ako.

Umirap nalang ako sa ere at bumalik sa dagat. Ayan na naman yung side nya ng pagiging masungit, yung side nya talaga namang nagpakisay sa buto ko.

Tinulungan ko sa pag aayos ng maiihaw si Aaron habang sya ay hindi parin ako pinapansin, bahala nga siya hindi ko rin siya papansinin dahil sinigawan nya ko.

"Ar- Ate" tawag ni Aaron. Habang nagpapaypay.

"Oh, bakit?" Bumaling ako habang nagtutusok ng barbeque.

"Ano bang nagustuhan mo sa Kuya ko? E ang sungit sungit sa babae niyan" aniya.

Oo nga masungit ang kuya mo at yun ang pinaka nagustuhan ko sa kanya, gusto kong sabihin pero tinikom ko nalang ang bibig ko.

Sandali pa kong nag isip. "Ewan ko, basta pag gising ko isang umaga gusto ko na sya"

"Tss..di naman pwede yon"

Siguro nga hindi pwede yon.

"Hmmm kasi nung minsan na maaksidente ako ay siya ang tumulong sakin, yun siguro dun siguro nagsimula" paliwanag ko.

Saglit syang sumulyap pero bumaling ulit ang atensyon sa iniihaw. "Ahh.."

Pinagpagan ko ang kamay kong may sauce ng barbeque. "Teka change topic, may girlfriend ka na ba?"

Sa tanong ko ay bigla syang namula, dahil mas maputi ang kanyang balat kaysa sa kanyang kuya ay mas halata ito ng namula. May kaunting pagkakahawig din pala sila sa ibang anggulo.

"W..Wala" nauutal at di makatingin ng diretso sa akin.

Umiling ako. "Huuh..ayaw mo pang magshare e namumula ka na oh!" Tinuro ko ang mukha nya, lalo syang namula!

Winasiwas nya ang hawak na pamaypay. "Bakit ba ako ang topic..tss, dapat kayo ni kuya ang pinaguusapan natin eh. Teka alam mo ba kung pang ilan ka na nya?" Aniya sa nanunuyang tono.

Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya, at sa araw araw naman naming pagsasama ay marami rin akong natutuklasan. Itong parte na ito kung pang ilan nya ako ay hindi parin naabot ng kuryosidad ko.

Umiling ako.

"Tss..di mo alam?" Nanlaki ang mata nya.

Napayuko ako. "Hindi.."

Humalakhak sya at tinignan ko ng masama. "Bakit pang ilan ba ko ha? Sampu? Lima? Ano?!"

Lalo syang humalakhak sa tanong ko. "Haha. Easy..ang totoo nyan ay pangalawa ka palang nya" aniya.

Tinaliman ko pa lalo ang tingin ko. "Weh di nga?"

"Haha! Oo ayaw mo pala maniwala"

"Hmm..anong nangyari dun sa una?" Tanong ko.

Bumuntong hininga sya at inilagay ang mga naluto na sa isang pinggan. "Umalis, nagmigrate sa ibang bansa..highschool pa sila non, malamang may asawa na yung si Yumi"

Ah..Yumi pala.

"Tatlong taon sila, nung pumunta si Yumi dun naputol na rin kung anong meron sila" pagpapatuloy nya.

Tatlong taon? Wala pa yatang isang buwan ang tinatagal ng mga nakarelasyon ko. But, Iba si Raffe, aalagaan ko ang relasyon namin at hindi ako papayag na maagaw siya ng iba.

Tumango lang ako. Kinuha ko ang isang barbeque doon at ng kakagatin ko na ay may kamay na pumigil sakin.

"Mamaya mo na kagatin yan, tara ligo tayo" nilingon ko kubg sino ang may ari ng kamay na iyon at ang nakangising Raffe ang bumungad sakin. Bipolar talaga! Kaninalang galit ngayon naman nakangisi!

"Yoko nga" pagmamaktol ko na parang bata.

Kinuha nya ang silya at binaligtad, itinabi iyon sa akin at umupo siya roon. Sinandal nya ang braso sa sandalan ng silya at mataman akong tinitigan.

Hinawakan naman ng isang libreng kamay nya ang baba ko. "Tampo ka?" Nanunuya nyang tanong.

Ayun na naman ang soot nya! What's with those white tshirts? what's with those cap na baligtad naman ang pagkakasuot?

"Wag mo nga akong hawakan" nasa himig ng tono ko ang pagtatampo.

Sa peripheral vision ko ay kita ang pagngisi ng kanyang kapatid na para bang naasiwa sa ginagawa namin.

"Tss..ayoko lang naman na nagsusuot ka ng ganon, kahit si Nanay kung makita kang ganon ang suot ay papagalitan ka" aniya.

Pinilig ko ang ulo ko sige Arny tuloy mo pa yang pagtatampo mo kuno at magpalambing ka!

Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. "Alam mo ba, bago naging tayo nakasabay ko si Roy sa elevator" panimula ko. Wala na kong maisip na sabihin at sakto namang naalala ko ang araw na yun.

Hinawakan nya ang naglalaro kong mga kamay at nilaro din nya yon. "Oh tapos?"

Hinawi ko ang kamay nya. "Sabi nya may girlfriend ka doon na nakatira sa building"

Sandali syang natigilan at tumingin sakin. "Wala. Wala yon"

"Huuh..wala?"

"Wala nga!" Sigaw nya.

"Bakit sinisigawan mo na naman ako!" Bintang ko.

"Ang kulit mo kasi.." inirapan ako.

Tahimik lang kami nakayuko ako at sya naman ay pinaglalaruan ang takas ng buhok ko.

"Eh yung babae? Nakita kita na may kausap na babae matangkad saka maganda"

Nagkunot ang noo nya.

"Oy. Oy tama na nga yang lambingan nyo kumain na muna tayo" anang ni Nanay Linda na nasa likuran ko na pala. Kasunod din niya si Tatay Lino.

Nabitin tuloy ang pag uusap namin di bale mamaya ko nalang ulit tatanungin sa kanya yon.

Masaya kaming kumain sa may dahon ng saging lahat kami ay naka kamay kumain, medyo asiwa naman ako dahil hindi naman talaga ako nagkakamay. Pinagtawanan pa ako ni Aaron ng hindi ko maisubo ng maayos ang ulam.

I love this family, nakikita ko na ang masayang pamilya na mabubuo namin ni Raffe sa hinaharap. Ansabe!

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now