Translation Games: Filipino / Tagalog

10 5 0
                                    

Big Bang by BrianMullin0

Language: Filipino / Tagalog 

Translated by: clumatic


Tiningnan ni Gargul, ang teenage Space God ang kanyang nagawa, at kinamot ang banal na pisngi ng kanyang pwet. Nakakabilib, lalo na't medyo maulap pa ito sa dulo. Anim na trilyong planeta, lahat umiikot sa isang mukhang nakasusulasok na higaniting tala. May bilyon ding may buhay kung masasabi. Kung makaliligtas ang mga ito, o magbabago, wala siyang pakialam.

Sa totoo lang, hindi nga siyang sumusubok. Walang pag-iisip na ginawa, o pagpaplano. Hay, si Snood nga, libu-libong taon ang sinayang sa sariling buhay, at si B'larbarra naman ay mas mahaba pang panahon ang ginugol sa pagpili ng kulay. Siya, naramdaman niya lang na tila nahulog ang kanyang sikmura at ayon!

Isang Big Bang.

Ang ibang mga likha ay tila mababangong bulaklak. At ang ibang kalawakan naman ay sadyang mabantot lang.

Tevun-Krus #108 - International 7: The Big Bang!Where stories live. Discover now