Kabanata 13

896 51 3
                                    

Kabanata 13

Maganda

Amadeus POV

I dated her. Bagama't alam kong medyo mahihirapan ako sa gagawin kong pagmamahal sa kanya, susubukan ko. Nakahinga nga ako ng maluwag ng payagan ako ng kanyang magulang na ligawan siya. Si Keno lang ang susuyuin ko upang pumayag na rin sa akin.

Honestly, I really like her. Simula ng makita ko siya, nakaramdam na ako ng kakaiba dito sa puso ko. And when I know her, doon ko nasabi na mas malalim itong nararamdaman ko para sa kanya. That's why, I fall hard! Kaya ngayon, sumusubok akong maging girlfriend siya.

Nasa lahi ng mga Costiño na kapag magmahal, hanggang sa dulo. I found my rule. Hindi na ako hahanap ng iba kasi si Cyrish lang ang babaeng gusto kong makasama sa buhay na ito.

Tumingin ako sa kanyang mga mata habang nandito kami sa sinehan. I remember, dito ko siya unang nahalikan. Simula ng maramdaman ko ang kanyang halik, hindi na ako nakatulog ng maayos. It inked in my mind. Kaya nahirapan rin akong tanggalin siya sa isip at puso ko.

Malambot ang kanyang labi. Masarap halikan. I was her first kiss. Kaya sobra akong naging masaya. Aminado akong nakahalik na noon pero kakaiba talaga ang halik kapag mahal mo 'yong mahahalikan. I'm not innocent. I had my experience with woman before I met her. Kaya hindi ko rin sasabihin na wala akong karanasan kasi magsisinungaling lang ako.

Ngayon, hindi ko na 'to papakawalan pa. Hanggang sa dulo, siya lang ang gusto ko. She's my rule.

"You like the movie?" tanong ko sa kalagitnaan ng palabas.

I cannot give my attention to the movie because I'm stuck staring at her. Sobra talaga akong nagagandahan sa kanya. Though, she's using a thick sunglass, but it really suit to her. Kaya hindi ko siya masabi-sabi ng nerd. She's attractive. At alam ko, kapag hindi na siya gumamit ng salamin sa mata, mas lalo siyang gumaganda.

"Oo, comedy kasi." natatawa niyang sagot.

Napangiti ako. She continue watching the movie while I'm busy staring at her. Tinignan ko ang orasan, may oras pa kami para sa ibang gagawin ngayong araw. Naisip ko kasi na dalhin siya sa eye optical upang ipakita ang kanyang mga mata. Pwede naman siguro siyang gumamit ng contact lens upang hindi na gumamit pa ng salamin.

I want her to feel being confident. She really deserve to feel beautiful. Alam ko kasi na insecure siya sa mga kababaihan. Alam kong gusto niyang maging confident siya kahit naman bagay rin sa kanya ang may salamin sa mata.

"After this movie, may pupuntahan pa tayo." sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Ngumuso habang nagtatanong ang mga mata.

"Saan naman tayo?" she asked.

Napahinga ako at hinawakan ang kanyang mga kamay. Rinig na rinig namin ang tawanan ng mga taong nasa loob ng sinehan ngunit ang mga mata namin ay nasa isa't-isa.

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo." sagot ko.

She sighed. I remember, nung nagkagusto ako sa kanya, I stalked her. Nagtatanong ako sa kanyang kapatid ngunit hindi naman ako sinasagot. Kaya naghahanap ako ng ibang impormasyon sa mga taong nakakakilala sa kanya.

After the movie, lumabas kami na hawak ko ang kanyang kamay. I was smiling deep inside because her hand makes me tremble. Hinawakan ko ng mahigpit at naglakad kami papunta sa eye optical dito sa mall. Nasa first floor 'yon kaya sumakay nalang kami ng escalator.

Tinignan ko siya. She was busy looking around. Habang busy rin ako kakatitig sa kanya. Magaan talaga ang presensya niya sa akin. Kapag magkasama kami, nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Kapag ganito kami kalapit, pakiramdam ko, sasabog itong puso dahil sa kaba.

Sa dami ng babaeng naranasan ko, siya lang ang bukod tanging nagbigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Siya lang ang nagbigay ng pangamba sa akin kaya minsan naiisip ko, makakaya ko bang hawakan ang ganitong babae.

Pumasok kami sa eye optical. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Cyrish. Mabilis na lumapit ang mag-a-assist sa amin.

"Hello sir and ma'am. How may I help you po?" tanong ng babae.

Tumingin sa akin si Cyrish na naguguluhan. I smiled at her.

"Miss, malabo kasi ang kanyang mata. Maaari bang gumamit siya ng contact lens instead of eyeglass?" tanong ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Cyrish sa kamay ko. She was confused and shock.

"Yes po. Titignan lang natin ang grade ng kanyang mata. We can offer better contact lens, sir." sagot nito.

Tumango ako at napahinga.

"Sure. Can you check her?"

The girl nodded. Tumingin sa akin si Cyrish. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang kamay.

"Bakit ako gagamit ng contact lens?" she asked, confused.

"I want you to be confident. Ayaw kong mai-insecure ka sa ibang babae. You deserve to feel love and acceptable. Please, do this for yourself, Rish." marahan kong sagot.

Kita ko ang kakaibang tingin niya sa akin. Bagama't may kaunting gap pa pero ramdam ko rin na unti-unti siyang lumuluwag sa gap na iyon.

"T-thank you." she said.

Ngumiti ako at muling hinalikan ang kanyang kamay.

"I will wait you here." tugon ko.

She nodded. Binitawan ko ang kamay niya ng kinuha siya ng babae sa akin. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papasok sa eye check-up room. I sighed heavily.

Naisip kong bumili ng bulaklak at ibibigay sa kanya sa pag-uwi namin. Pero alam kong ayaw ni Cyrish ng ganoon kasi sayang lang daw sa pera. Kaya imbes na gawin ang iniisip, siguro ang mainam na gawin ay pasayahin siya.

I will be loyal to her. Kapag boyfriend niya ako, hinding-hindi ko ipaparamdam sa kanya ang insecurities. I will always give my time and support her. Iyon ang gagawin ko. I want her to feel that I love her and she's the only what I want.

Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, natapos si Cyrish. Lumabas siya ng room kaya napatingin ako sa kanya. Like what I did before, namangha ako ng makita siyang walang suot na salamin sa mata. She's really beautiful.

Ngumiti ako at hinayaan siyang makita kung gaano ako nababaliw sa kanya ngayon. Itong babae talaga ang gusto kong makasama at maging Ina ng mga anak ko. Siya talaga ang gusto kong maging asawa.

"Ang ganda mo." bulong ko sa kanya.

Namula ang kanyang pisnge. Niyakap ko ang kanyang baywang pagkatapos kong bayaran ang lahat.

"Salamin lang naman ang nawala sa akin e." mahina niyang sagot.

I kissed her cheeks.

"Really, maganda ka. Kahit may salamin, maganda ka." sabi ko.

She sighed. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang baywang at naglakad na kami palabas ng mall.





---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now