Kabanata 14

891 49 7
                                    

Kabanata 14

Past time

Umabot ng limang buwan ang pangliligaw sa akin ni Amadeus. Sa loob ng limang buwan na ‘yon, ang tanging ginawa namin ay mag-date, manood ng sine at kumain sa mga restaurant na bago sa panlasa ko. Indeed, Amadeus made me realize one thing, to be confident. Dahil sa pagpapa-check-up niya sa mata ko, nabigyan ako ng contact lens upang hindi ko na gamitin ang salamin sa mata.

I was really happy that time. Nagkaroon ako ng kumpyansa sa sarili dahil sa ginawa niya sa akin. Kaya sobrang saya ko. I never expect it. But he made me realize that. Kaya ngayon, pagkatapos ng huling date namin, sasagutin ko siya. I’m ready now. And I know, I can handle myself with him. Sa nakalipas na limang buwan, mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo kong nabigyan ng pagkakataon ang sarili na umibig ng husto. Amadeus is a sweet and caring man.

Napahinga ako habang nandito kami sa park. Gabi na at alam kong iuuwi na niya ako. Pero dito ko siya sasagutin. Gusto ko ng tapusin ang pangliligaw niya at gawing opisyal ang relasyon namin. Napatingin siya sa akin, kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

“Tumigil ka na.” mahina kong panimula.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo.

“Anong tumigil?” naguguluhan niyang tanong.

“I said, stop courting me.” diretso kong sabi.

Dumilim ang kanyang mata ng marinig ang sinabi ko.

“Bakit?” malamig niyang tanong.

I sighed. Galit na ‘to! Mainitin din minsan ang ulo niya. Kapag sinusundo niya ako sa room namin ngunit nakakalimutan ko ay nauuna akong pumunta sa cafeteria kaya sa huli, papagalitan niya ako. Gusto niyang palagi kaming sabay. Gusto niyang hindi ako mauuna sa lahat ng bagay.

“Kasi gusto kong tumigil ka na.” sagot ko.

He shook his head darkly.

“Hindi. Ayokong tumigil!” mariin niyang sabi.

Napahinga ako at gusto ko ng tumawa kasi yung reaksyon niya nakakatawa na.

“Ayoko na nga. Stop it!”

“Hindi nga! You won’t force me to stop courting you! Hindi!” punong-puno ng riin niyang sabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Napatingin siya doon at kumunot ang noo sa akin.

“Sabi ko, ayoko na kasi tayo na.”

Kumunot ang kanyang noo.

“Anong tayo na?” nagtataka niyang sabi.

Bumuntonghininga ako at marahang hinaplos ang kanyang pisnge.

“Tayo na nga. Sinasagot na kita.” nakangiti kong sabi.

Nalaglag ang kanyang panga ng marinig ang sinabi ko. Akala ko hindi niya pa naintindihan pero nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at gulat na gulat.

“Tayo na? You mean…girlfriend na kita?” he asked.

I nodded. Nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang saya niya habang magkayakapan kami. Ngumiti ako at hinayaan siyang yakapin ako.

“Ang saya-saya ko.” bulong niya habang nakayakap sa akin.

Hinaplos ko lang ang kanyang likod. Sa loob ng limang buwan, marami siyang napatunayan sa akin. Marami akong natutunan sa kanya. Masaya ako at alam kong siya lang ang nagbibigay saya sa akin. This is my first time to have a boyfriend. At sana, hindi niya ako saktan. Sana hindi niya ako lokohin. Sana maging loyal nga siya sa akin.

“I love you.” marahan niyang sabi.

Nasa tapat na kami ng bahay namin. This night, we are officially a couple. Dumampi ng marahan ang kanyang labi sa akin. I let him kiss me. Boyfriend ko na siya kaya may karapatan na din siyang halikan ako. I kissed him back. Tumagal ng ilang sandali ang halikan namin bago siya humiwalay at ngumiti sa akin.

“Sa byernes, may laro kami ng basketball. Gusto kong manood ka. Gusto kong nandoon ang girlfriend ko.” marahan niyang sinabi.

Ngumiti ako at hinaplos ang pisnge niya.

“Oo, pupunta ako. I will support you.” sagot ko.

Hindi mabura ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ako. Alam kong biglaan din ‘tong pagsagot ko sa kanya pero sigurado naman akong mahal ko siya. Muli niya akong hinalikan bago siya umuwi ng penthouse niya.

I was alone in my room while thinking about him. Tinignan ko ang kisame habang napapangiti ako. He is my boyfriend now. Kaya may karapatan na din ako sa kanya ngayon. Sa byernes, manonood ako ng laro niya. I will give my full support. This is my first time and I want to be happy while I’m his girlfriend.

Martes ng umaga at maaga ring dumating si Amadeus upang sunduin ako. Sabi niya sa akin sa text, maaga kami ngayon kasi gusto niya akong makasama at may hinanda siyang pagkain sa akin. Ngumiti ako ng inabot niya sa akin ang helmet ko. Siya pa ang nagsuot habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Sobrang gwapo talaga niya.

Sumakay ako sa likod at mabilis na niyakap ang kanyang katawan. Hindi na talaga ako naiilang sa kanya. Hindi na rin ako nahihiya kaya malaya kong nagagawa ang mga ito.

“Kumusta ang tulog mo?” tanong niya.

Binaon ko ang mukha sa kanyang balikat. Narinig ko ang kanyang pagtawa sa aking ginawa.

“Okay naman. Ikaw?” balik-tanong ko.

He sighed.

“Puyat kasi iniisip kita.” aniya habang tinitignan ako sa side mirror.

Ngumuso ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.

“I love you.” sabi ko.

Mula sa side mirror, kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge at pagtaas-baba ng kanyang adams apple.

“I love you, babe.” sagot niya.

Nakarating kami ng safe sa school. Hinubad ko ang helmet at binigay sa kanya. Nang maging maayos ang kanyang motor, magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng school. May mga tumitingin sa amin ngunit walang pakialam si Amadeus do’n. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa garden. May upuan at lamesa dito kaya pwedeng kumain.

Umupo kami at kinuha niya ang pagkain na hinanda sa akin. Natakam ako kasi masarap ang niluto niyang breakfast sa akin. Bumaling ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

“Salamat sa breakfast.” tugon ko.

He smiled. Nagsimula akong kumain. Masarap nga at alam kong mauubos ko ito. Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako. Kumuha ako ng bacon at sinubo sa kanya. Ngumiti ako kasi kinain niya. Niyakap niya ang baywang ko at nagpatuloy ako sa pagkain.

After that moment, pumasok na ako sa room namin. Hinatid niya pa ako bago umalis at pumunta sa room niya. Ramdam ko ang nanunuyang titig sa akin ng mga nangbu-bully sa akin. Lumapit si Hydilyn sa akin at ngumisi.

“Boyfriend mo na pala si Amadeus.” nakangisi niyang sabi.

Napalunok ako at huminga ng malalim.

“Baka past time ka lang, nerd. Mag-iingat ka haha.” aniya sabay alis.

Tumatak ‘yon sa isip ko at nagambala habang nagsisimula ang klase. Baka past time lang ako? Nakaramdam ako ng kaba at pangamba sa isip at puso.






---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now