Kabanata 11

914 46 3
                                    

Kabanata 11

Ligaw

Pagkatapos kong tignan ang mga pictures ng kanyang pamilya, natapos sa pagluluto si Kuya Amadeus. Sa amoy pa lang alam kong masarap ang kanyang naluto. Minsan lang ako makakain ng sweet adobo kasi hindi naman ganoon ang niluluto sa bahay. Kapag si Papa ang nagluluto ng pagkain namin, most of it were vegetables. Vegetarian kasi si Papa at minsan lang kumain ng meat. But my mother didn’t like it. Salungat silang dalawa sa pagkain kaya minsan hindi naba-balanse ang pagkain sa hapagkainan.

Minsan, natatanong ko ang sarili, ano nga ba ang mga gusto ko sa buhay na ito? Well, first, I want to become a doctor. Iyon ang ultimate dream ko. Gusto ko talagang sumunod sa yapak ni Mama. She was working very hard to provide our needs. Second, I want to help my family. Hindi naman siguro ako nagpapakahirap na mag-aral kung wala akong planong tulungan ang magulang ko. Third, I want to build my own house. Gusto kong makapundar ng sariling tirahan. Yung matatawag kong akin at ako ang nagpagawa.

Simple lang talaga ang mga gusto ko sa buhay. Hindi ko rin inisip ang magkaroon ng damdamin sa mga lalaki kasi naisip kong mahirap makatagpo ng katulad ni Papa. He was my standard for man. Kaya naisip ko, baka wala na akong mahanap na katulad ng Papa ko. Nowadays, mahirap ng magtiwala sa mga lalaki. Our culture and tradition become more uninterested because of the new generation. Believe it or not, pero hindi ko na halos makita ang tradisyon ng Pilipino. Is it because we are facing new society? Liberation? Kaya nawala ang saysay ang kultura at tradisyon natin?

How unfair to those people who seeks the original culture and tradition we have. Ang bilis maglaho ng mga bagay sa palagid. Ang bilis masira ng mga relasyon ngayon. Maraming lalaking nagkakasala dahil sa pangangaliwa. Mga mag-asawang naghihiwalay dahil sa mga isyu na hinaharap. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sarili sa mga pangyayari ngayon.

That’s why, I taught myself to be more careful when it comes to love. Ilang ulit kong sasabihin na takot akong magmahal. Takot akong masaktan. Takot akong umiyak. Takot akong maiwanan. Takot akong harapin ang mga problemang dadaan kung sakaling magkaroon ako ng relasyon. Takot akong lokohin. Takot akong ipagpalit. Kasi mahina ako. Kasi wala akong lakas na ipagtanggol ang sarili ko. Kasi sa oras na masaktan at iwan ako, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

But now, lahat ng mga tinatak ko sa isip at puso ay unti-unting napapalitan dahil sa mga ginagawa ni Kuya Amadeus. Sa kanya ko nakita ang hinahanap kong lalaki. Nasa kanya ang katangian ni Papa, na alam kong hindi ako sasaktan at iiwan. Kaya habang pinagmamasdan ko siya na naghahanda ng pagkain namin, unti-unti kong nakikita ang lalaking mamahalin ko ng lubusan.

“Let’s eat?” he said.

Napatingin ako sa kanya. Handa na ang pagkain namin. Amoy na amoy ko ang masarap niya niluto. Bukod sa ulam at kanin, may dessert rin na nakahanda sa lamesa. Dalawang chocolate slice cake at mango float. Natakam ako dahil sa bahay, hindi ganito ang dessert na hinahanda ni Papa. Ayaw niya kasi sa matatamis kaya halos walang dessert.

“Magdasal muna tayo.” sabi ko.

He sighed and nodded. Nag-sign of the cross kami at nagsimulang magdasal si Kuya Amadeus. Napangiti ako kasi siya na mismo ang nagdadasal para sa amin. Nang matapos siya, nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at nagsimula kaming kumain. Panaka-nakang nag-uusap kami habang kumakain.

“H-hindi ka pa ba nagkaroon ng girlfriend, Kuya?” nahihiya kong tanong.

Inabot niya ang tubig at uminom bago ako harapin. He was really handsome. Siya ang batang bersyon ng kanyang ama. Matikas, marahas ang mukha, ang features ng kanyang mukha ay sobrang kakaiba. Kung magiging model siya, siguradong bagay sa kanya.

“I’m not into relationship.” maikli niyang sagot.

Not into relationship? So, ibig sabihin hindi pa pala siya nagkaroon ng girlfriend?

“Bakit? Ayaw mo ng commitment?” I added.

He sighed. Seryoso ang kanyang mga mata. Nahihirapan na tuloy akong magtanong kasi tingin ko, ayaw niya naman sagutin ang mga tanong ko. I just want to know him more. Nagpahayag siya ng damdamin sa akin kaya kailangan ko rin na malaman ang buhay niya.

“Noon, ayaw ko ng commitment. I only want flings. But now, it change, Rish.” he huskily said.

Napalunok ako. To divert the awkwardness, kumuha ako ng cake at kumain kasi unti-unti na naman akong natatamaan sa kanyang sinasabi. Flings lang ang ginagawa niya noon? Ibig sabihin, nagkaroon siya ng maraming babae, ganoon ba? Si Kuya Keno kasi, ganoon rin ang ginagawa. Wala akong nakita na dinala niyang babae sa bahay upang ipakilala.

Tapos naririnig ko sa school namin na marami siyang naging babae. Ayaw ko naman tanungin si Kuya kasi buhay niya ‘yon pero bilang isang kapatid, gusto kong seryosuhin niya ang babaeng nagkakagusto sa kanya.

“M-marami ka ng karanasan sa mga babae?” utal kong tanong.

Tumitig siya ng seryoso sa akin. Inaalam yata ang nasa isip ko ngayon. Si Mama at Papa talaga ang example ko ng perfect relationship. Simula ng magmahalan sila, palaging gumagawa ng paraan si Papa upang palaging pasayahin ang Mama ko. Sila ang batayan ko ng perpektong relasyon.

“Yes, marami na. Nung hindi pa kita kilala at nakikita, wala akong interest sa commitment at serious relationship. I did flings, hook-ups. Sa mga nagdaan na iyon, wala akong naibigan na babae.” he stopped.

Napalunok ako. Kumirot ang puso ko sa kanyang sinabi.

“But, believe me, wala akong nagustuhan na katulad mo. It was all experience, Rish. Kaya sana huwag mabahiran ng mga nakaraan ko ang isip mo. Ayokong iyon ang isipin mo habang umaakyat ako ng ligaw sayo.” aniya sabay abot ng kamay ko.

W-what? Umaakyat ng ligaw? Nanliligaw siya sa akin?

“L-ligaw?”

He smiled genuinely.

“Yes. I’m courting you.” paos niyang sabi.

Halos manuyo ang lalamunan ko ng sabihin niya ‘yon. Nanliligaw nga siya sa akin. Hala, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin kasi first time naman itong may nangligaw sa akin. Gulat ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya masagot. Hindi ko rin kasi alam ang bibigkasin lalo pa’t ngayon ay sobra-sobra na akong nahihiya.

“Don’t be nervous. Pupunta ako sa bahay niyo at magbibigay ng respeto sa magulang mo.” dugtong niya.

Alanganin akong tumango kasi ngayon mas lalo akong kinabahan. Haharapin niya si Mama at Papa, maging ang kapatid ko. Sana maging maayos ang lahat.






---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now