Kabanata 5

944 46 2
                                    

Kabanata 5

Hinatid

Sumunod ako kay Kuya Amadeus nung lumabas siya. Nahanap ko ang salamin sa mata sa ibabaw ng side table niya. Mas lalo akong napasinghap ng makita ang labas ng kanyang kwarto. Sobrang luwag na tila ba'y isa itong mansyon. Mula sa taas, malaya mong makikita ang ibaba.

Sobrang ganda ng bahay niya. Mag-isa lang ba siya dito? Baka nandito rin ang magulang niya at kapatid? Sobrang ganda ng interior design niya. Nakakahalinghing sa mga mata. May mga portraits na sigurado akong mga mahal. May chandelier pa.

Bumaba ako at muling napasinghap sa mga nakikita. Hindi ko ma-imagine na magkakaroon ako ng ganitong bahay. This is very expensive.

"Bahay mo ba 'to, Kuya Amadeus?" tanong ko.

He shook his head. Nakatingin lang siya sa akin habang nakatitig ako sa bawat parte ng bahay niya.

"No. This is my penthouse. We are in the Costiño Luxurious Tower." sagot niya.

Ah, kaya pala! Sikat ang condominium na 'yon sa buong Pilipinas. Tsaka sobrang expensive ang unit sa CLT.

"Grabe, ang ganda ng design. Sobrang maaliwalas sa mga mata."

He chuckled.

"Some of the units here was designed by our uncles. May mga penthouse kaming magpi-pinsan sa bawat condominium ng Costiño." tugon niya.

Napatingin ako sa kanya. Ngayon may suot na siyang puting sando.

"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko.

He smirked playfully.

"Yup. Pero kung gusto mong tumira dito, why not?" sagot niya na nagpataka sa akin.

Ha? Bakit naman ako titira dito? May bahay naman kami tsaka okay naman ang kwarto ko.

"Okay naman ang kwarto ko sa bahay namin. Tsaka hindi naman ako papayagan ni Papa na tumira sa ibang bahay." mahina kong sagot.

"I can call your father and ask his permission. I'm sure he will let you once I ask him." aniya sa buong atensyon.

"Naku...huwag na, Kuya Amadeus. Okay na ako sa amin. Tsaka nakakahiya naman na dito ako tumira. Hindi naman ako naghahanap ng boarding house." sagot ko.

He smirked.

"Alright. But I think soon, dito ka rin titira." he said that makes me really confused.

I don't get it. Bakit naman kaya dito ako titira soon? Hindi naman kami nawalan ng bahay. Tsaka maayos naman ang tirahan namin.

"Kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom." he added.

Naputol ako sa mga iniisip ko ng marinig ang sinabi niya. Naglakad siya at pumasok sa isang pinto kaya sumunod ako. Nakita ko naman sa couch niya ang bag at libro ko. Mabuti nalang at nakuha niya rin yon. Hindi ko na kailangang bumalik sa school para kunin pa 'yon.

Pumasok ako sa pinto na pinasukan ni Kuya Amadeus at bumungad sa akin ang masasarap na mga pagkain sa lamesa. Ang daming nakahanda. Kaming dalawa lang naman siguro ang kakain dito.

"Let's eat. Kanina pa galit sa akin ang Kuya mo." aniya bago nilahad sa akin ang upuan.

Tumango ako at umupo na sa tabi niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Nang matapos siya, nilagyan niya rin ng pagkain ang kanyang pinggan. After that, he was about to start eating when I speak.

"Pray muna tayo, Kuya." pigil ko sa kanya.

He stop and stared at me. Tumango siya at nagsimula kaming magdasal. Nang matapos, kumain na kami. Unang kain ko sa pork chop napatango agad ako sa sarap. Hanggang sa maubos ko ang pagkain na nilagay niya at nabusog. Masarap ang mga pagkain. I wonder if he cook it or he just buy it?

"Luto mo, Kuya?" tanong ko.

He was done eating too. Kumakain naman ako ng dessert ngayon.

"Oo. Yung iba binili ko lang kasi kulang sa oras. Kung gusto mong makakain ng iba't-ibang luto ko, you can visit me here. After school, sabay tayong pumunta dito, ipagluluto kita." aniya at uminom ng tubig.

Pwede naman siguro 'yon? Tsaka parang kapatid naman ang turing ko sa kanya. Masarap kasi siyang magluto at gusto ko pang makatikim ng iba't-ibang putahe na lulutuin niya. Maybe he can cook some of my favorite food.

"Pwede naman, Kuya. Okay lang ba sayo? Baka kasi busy ka?" sagot ko.

He shook his head immediately.

"It's fine. I'm not busy. Tsaka gusto ko rin ma-practice pa ang ibang mga pagkain na lutuin."

Napatango ako. Mabait naman siya. Bakit ganoon kaya si Kuya Keno? Bakit gusto niyang layuan ko si Kuya Amadeus? Parang ang sama ko naman kung gagawin ko 'yon ng walang sapat na rason.

"After my engineering course, proceed ako sa military training ko." singit niya sa usapan namin.

Military training? As in sundalo?

"Hindi mo pala gusto ang engineering, Kuya?" tanong ko.

He glaced at me.

"I like it, but I want to be a soldier." aniya habang nakatitig sa akin.

"Sana makita kita na suot ang uniform ng sundalo balang araw, Kuya Amadeus. Siguradong bagay sayo." masaya kong sabi sa kanya.

Pumungay ang kanyang mga mata bago ngumiti sa akin. Masasabi ko talagang kakaiba itong itsura ni Kuya Amadeus. Kahit tumanda na ito, gwapo pa rin.

"Makikita mo 'yon kapag maging asawa mo ako." he said meaningfully.

Natigilan ako at mabilis na nakaramdam ng hiya sa sarili. Hilaw akong ngumiti bago tumingin sa paligid. Nailang ako lalo pa't nakatitig siya sa akin. Naisip kong umuwi na kasi malalim na ang gabi. Baka pati si Papa ay naghahanap na sa akin.

"U-uuwi na ako... Kuya Amadeus," humina ang boses ko.

He sighed. Inabot niya ang baso ng tubig at uminom. Pagkatapos no'n, tinulungan ko siyang iligpit ang mga pagkain. Nilagay niya sa sink-in ang platong ginamit namin samantalang sa refrigerator ko naman nilagay ang mga pagkain na sobra.

Nang matapos akong gawin 'yon, naglakad ako papunta sa sala para kunin ang bag at libro ko. Sinuot ko na rin ang salamin sa mata bago kami umalis ng penthouse niya.

Sa parking lot, nandoon naghihintay ang motor niya. Nahihiya pa ako sa mga taong nakatingin sa amin sa lobby nung dumaan kami. Sinuot niya sa akin ang helmet. Sumakay siya sa motor at umangkas na rin ako. Hindi ko alam kung saan ako hahawak kasi hindi naman 'to katulad kay Kuya Keno.

"Lapit ka pa sa akin, Rish." sabi ni Kuya Amadeus.

Napalunok ako at lumapit ng kaunti sa kanya. Hindi pa siya kontento kaya hinawakan niya ang likod ko at mas lalong pinalapit sa kanya. Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Sunod niyang ginawa ay dinala niya ang kamay ko sa kanyang baywang at pinayakap sa akin.

"Higpitan mo ang yakap para hindi ka mahulog." he said softly.

Nahihirapan akong tumango. Kahit naiilang, niyakap ko siya ng mahigpit para hindi nga ako mahulog sa dulo. Pagkatapos kong gawin 'yon, umalis na kami at hinatid niya ako.






---
© Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now