Kabanata 8

883 50 4
                                    

Kabanata 8

Sasama

Hindi ko ba alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil hindi niya na ako pinapansin. Simula nung umiwas ako sa kanya, hindi na rin nasundan ang pagkikita namin. Hindi na siya pumunta sa classroom namin. Hindi na rin ako pumunta sa gym upang puntahan si Kuya sa practice nila. Though, may mga pagkakataon na nagkikita kami ni Kuya Amadeus sa school pero nahihiya talaga akong lumapit gayong nagkaroon talaga ng awkwardness ang pagitan sa amin.

Ngayon, tahimik akong nakaupo sa aking upuan habang nagbabasa ng libro. Nandito rin ang grupo ni Hydilyn upang bigyan pansin na naman ang ginagawa ko. Iyon naman palagi ang ginagawa nila sa akin. Kapag nakikita nila akong nagbabasa o busy sa academics, manggugulo sila. Pero hindi ko nalang ‘yon pinapansin kasi tumitigil naman sila sa ginagawa kapag tahimik lang ako.

Truthfully, I miss Kuya Amadeus presence. Hindi ko ba alam kung bakit ganito ang ginawa ko gayong mabait naman siya sa akin. Nangyari lang naman ‘to dahil sa halik na nangyari sa amin sa sinehan. Dahil doon nahiya na ako at ayoko ng humarap sa kanya kaya ganoon rin ang ginawa niya sa akin. He avoided me. Para hindi na rin ako mahirapan pang umiwas sa kanya.

Tinapos ko ang pagbabasa ng libro at pinasok sa bag ang binabasa. Naisip kong bumili ng snack sa cafeteria kasi medyo nagugutom ako. Tahimik akong naglakad papunta sa cafeteria at pumasok sa loob. Maraming tao at bumibili rin. Tumingin ako sa mga pwedeng bilhin. May mga kakanin, may puto, moron at iba pa. Nakakabusog ang moron kaya iyon ang bibilhin ko.

Nilibot ko muna ang paningin sa buong cafeteria, natigil ang mga mata sa lalaking nakaupo hindi kalayuan sa counter kasama ang isang babae. For sure, maganda ang babaeng kanyang kasama kasi sa kalidad ni Kuya Amadeus, siguradong pipili ‘yon ng maganda at sexy. Tama ako sa sinabi kasi ganoon nga ang babaeng kanyang kasama. Kumakain sila habang nag-uusap at nagtatawanan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanila at nakaramdam ng hiya kasi tumingin pa ako. Nahuli pa yata ni Kuya Amadeus ang titig ko sa kanila kaya hiyang-hiya na ako.

“Anong sayo?” tanong ng tindera.

Muli akong tumingin sa kanila at muling nahuli ni Kuya Amadeus ang paningin ko. I look away and sighed heavily.

“Dalawang moron po at isang C2 apple.” sagot ko.

Agad na tumugon ang tindera at kinuha ang order ko. Naglabas ako ng pera sa wallet at nilagay sa counter. Nang dumating ang order, kinuha ng tindera ang bayad ko at kumuha ng sukli. When she handle it, I took it immediately. Mabilis akong lumabas ng cafeteria at pumunta sa paborito kong spot dito sa school.

Tahimik sa garden at kung may mga istudyante man, magkarelasyon lang ‘yon. Umupo ako sa isang bench at kinuha ang pagkain na binili. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa mga mag-couples na busy sa bawat isa. Minsan, naitatanong ko sa sarili, paano nga ba humawak ng isang relasyon? Madali lang ba? Mahirap? O, masakit kung nasasaktan? Mga katanungan na nasa isip ko habang nakatingin sa mga couples dito.

I never encounter such connection. Tanging si Kuya Amadeus lang ang naging kasama kong lalaki dito. And I felt him fastly. Sa ilang araw na pagsasama namin, mabilis akong na-attach sa kanya. Mabilis akong nagkaroon ng damdamin na hindi ko naman kayang pangalanan kasi takot ako at hindi ko alam kung paano ‘yon iha-handle. I’m really scared. At nung nangyari sa sinehan ay mas lalo akong natakot.

I ate my snack silently. Palagi namang sinasabi ni Mommy sa akin na mahirap ang magmahal. Dapat handa kang masaktan at tanggapin ang mangyayari. Dapat buong puso mong tatanggapin ang lalaking mamahalin mo. Hindi ka matatakot. Hindi ka mawawalan ng lakas na ipaglaban ang taong iyon. Pero ang tanong, kaya ko bang gawin ‘yon? Kaya ko bang harapin ang lalaking mamahalin ko? Hindi ba ako matatakot? Handa ko bang harapin ang sakit na maidudulot nito sa akin?

I don’t think I can do it now. Masyado pa akong mahina upang harapin ‘yon. I need more strength to face that kind of feeling. I need assurance that at the end, hindi ako masasaktan kasi ang totoo, takot na takot akong masaktan ng pagmamahal.

Binuksan ko ang C2 at uminom. Naubos ko ang snack na binili bago tumingin sa paligid. Vacant namin ngayon at hindi rin ako sure kung may pasok pa kami mamaya sa last subject namin. Siguro maghihintay lang ako ng ilang sandali at kapag hindi dumating ang prof namin ay uuwi ako.

Pumasok ako sa classroom namin na tahimik pa rin. Last subject na at maghihintay lang ako sa prof namin. Nag-uusap ang mga kaklase ko habang nagpatuloy ako sa pagbabasa ng libro na binabasa ko. Napatingin ako sa front ng makita ang representative namin.

“Okay, everyone listen please. Professor Yruma is not here. She has a travel order to Cebu for some seminar. For the meantime, we have to study the last topic we discussed because she said we will have a quiz when she comes back.” sabi ng representative namin.

Naging maligaya ang mga kaklase ko kaya ganoon na rin ako. Pinasok ko ang libro sa bag at sinukbit na ito upang umuwi. Kinuha ko muna ang cellphone at tinext ang kapatid.

Ako:

Mauuna akong umuwi, Kuya Keno. Wala na kaming pasok. Magco-commute nalang ako.

I send it. Naglakad ako palabas ng building at diretso sa gate. Natanggap ko ang reply ni Kuya ng naghihintay ako sa masasakyan.

Kuya:

Sige, mag-iingat ka.

Ngumiti ako at hindi na nag-reply. Muli akong naghintay ng masasakyan ngunit wala pa ring dumadaan. Nanginig ang cellphone ko para sa isang tawag kaya mabilis ko ‘yong kinuha at tinignan.

Unknown number calling…

Sino ba ito? Unknown number? Sino ‘to? Sinagot ko ang tawag kasi baka importante.

“Hello, sino po ito?”

I heard a deep sighed.

“Sama ka sa akin?”

The voice is very familiar. Pero ayokong mag-conclude kasi baka mali ako.

“Sumama saan? Sino ka po?”

“It’s me, Rish. Can you come with me? Magluluto ako sa penthouse, baka gusto mong tikman?”

Oh, si Kuya Amadeus nga!

“S-sige…”

He sighed. Hindi naman masama siguro kung sasama ako sa kanya ngayon? Magluluto lang naman siya at ako ang titikim sa mga luto niya. Tsaka pinag-usapan na namin ito. Kaya valid rin naman kung sasama ako.





---
© Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now