Kabanata 7

919 48 3
                                    

Kabanata 7

Mangyayari

Umiwas ako ng tumingin siya pabalik sa akin. Nahiya ako kasi siguro naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. Napalunok ako at tumingin sa screen. Kahit hindi ko naman naiintindihan ang palabas, binigay ko ang buong atensyon kasi ngayon, siya naman ang nakatitig sa akin ng malalim.

Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. He was staring at me. Parang huminto ang oras habang magkatitigan kami. My heart started to pound. Hindi ko alam kung bakit ganito siya tumingin sa akin ngayon. Dahan-dahan siyang lumapit kaya nakaramdam ako ng kaba.

Hindi ko alam kung saan titingin o ibabaling ang mukha kasi unti-unti na siyang lumalapit sa akin. I sighed when his face is coming. Napalunok ako at napakagat-labi.

"K-kuya..." mahina kong sabi.

Hindi siya tumigil sa paglapit sa akin. He continue nearing his face kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya at kaba. Lumapit pa siya hanggang sa ilang layo nalang ang mukha namin. Tumitig siya sa labi ko, hiyang-hiya na ako ngayon.

Babaling na sana ako sa screen ng mariin niyang dinampi ang labi sa akin. Natigilan ako at nagulat sa kanyang ginawa. Ramdam na ramdam ko ang basang labi niya. Tumagal ang kanyang labi sa akin ng ilang sandali bago kumalas at tumitig ng marahan sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat sa halik na binigay niya. Umiwas ako ng tingin at napahinga ng sobrang lalim. Hindi ko rin alam ang ibibigay na reaction gayong first time kong kiss 'yon. Hiyang-hiya na rin ako. Pakiramdam ko, nakalutang ako sa ulap at ilang sandali ay mahuhulog mula sa ibabaw.

Narinig ko ang buntong-hininga niya bago nagpatuloy ang palabas. Hindi na tuloy ako interactive ngayon kasi nahihiya na talaga ako. Pakiramdam ko talaga sasabog itong puso ko sa kanyang ginawa. Kinain ng katahimikan ang pagitan sa amin. Hanggang sa matapos ang palabas at nasa motor na kami, tahimik pa rin ako.

Paminsan-minsan ay nagtatanong siya o nagsasalita pero ang sagot ko ay palaging lutang. I don't really know how to describe my feelings right now. Si Kuya Amadeus ang first kiss ko. At sa oras na malaman 'to ni Kuya Keno, baka magalit na talaga 'yon sa akin.

Kaya ngayon nag-iisip na ako ng paraan upang hindi malaman ni Kuya 'yon. It was a big scandal for us, lalo pa't kaibigan siya ni Kuya! Bakit niya kasi ako hinalikan? Anong nangyari sa kanya at ginawaran niya ako ng halik?

Huminto siya sa tapat ng bahay namin. Tahimik pa rin at baka busy ang mga tao sa bahay. Hinubad ko ang helmet at binigay sa kanya. Hindi na rin ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nahihiya na talaga ako.

"Sunduin kita sa Lunes?" tanong niya.

Mabilis akong umiling at hindi sumang-ayon sa kanyang gusto.

"Huwag na, Kuya. Sabay kami palagi ni Kuya." nahihirapan kong sagot.

He sighed heavily.

"How about lunch? Snack? Pwede bang sabay tayo?" tanong niya ulit.

Umiling-iling ulit ako at ganoon pa rin, hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari. Kapag magpatuloy kami sa ganito, baka humaba pa itong nararamdaman kong kakaiba sa kanya. I don't want to prolong it. I'm not for love. I'm not for relationship. I'm boring. I don't have any talent to share.

Noon palang, palagi kong sinasabi sa sarili na hindi ako karapat-dapat na magmahal. Masasaktan lang ako kasi alam kong kaya akong palitan ng lalaki. Why? Because I'm boring. Wala akong sense of humor. Bookworm ako. Library. Pursue my dream. Men will never understand me.

And if this continue, baka doon nga mangyari ang lahat. Baka mahulog nga talaga ako sa kaibigan ni Kuya. It will be a big issue if that's happen. Kahit naman hindi Costiño ang apelyido ni Amadeus, may dugong Costiño pa rin siya. His mother is a pure blood of Costiño clan.

Ang layo ng agwat ng pamilya nila sa amin. Dagdagan pang boring akong babae, hindi presentable tignan. Nerd. Kaya kahihiyan lang ako sa pamilya nila.

"H-huwag na rin. Sa room lang ako kakain." sagot ko.

Bumuntonghininga siya.

"Come on, you don't want to eat with me?" he stated the fact.

I swallow really hard. Narinig ko ang ingay sa bahay kaya napatingin ako doon. Baka nagtataka na si Papa na wala pa ako sa bahay. I'm supposed staying at our house because it's weekend.

"K-kasi... ayokong kumain sa cafeteria. Tsaka okay lang din ako na kumain sa room namin." hirap na hirap kong sagot.

Napatingin ako sa kanya. Tumingin siya ng seryoso sa akin. Igting ang panga at binabasa ang iniisip ko. Ngumiti ako ng hilaw at huminga ng malalim.

"Alright." malamig niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Lumayo ako ng binuhay niya ang motor. Seryoso pa rin ang mga titig niya sa akin bago walang ingay na umalis sa harap ko. Napabuntong-hininga nalang ako ng makita ang papalayo niyang motor.

Maingat akong pumasok sa bahay. Naabutan ko si Papa at Kuya na nasa couch at nanonood ng news. Halos hindi marinig ang footstep ko dahil ayokong malaman nilang dumating na ako. Siguradong magtatanong si Papa at baka magsabi ng totoo si Kuya kaya malalaman niya kung saan ako pumunta ngayong araw.

Umakyat ako sa taas at maingat na pumasok sa kwarto. Napaupo ako sa kama at pinikit ang mga mata. Hinaplos ko ang labi na kanyang hinalikan kanina. Para talaga akong nadaluyan ng kuryente ng maramdaman ang kanyang halik sa akin. Hindi ko masabi ang nararamdaman kasi hirap na hirap akong magbigay ng pangalan.

Sana hindi nalang ako hinalikan ni Kuya Amadeus para hindi ko na ito iniisip ngayon. Sana hindi nalang niya 'yon ginawa para walang awkward sa aming dalawa. Ngayon mahihirapan akong harapin siya dahil sa nangyari. Baka kapag magkita kami o magkasama, hindi ko na talaga siya kakausapin. I hate it.

Alam kong mabait siya. Pero ang tanong ko, bakit hinalikan niya ako? Anong ibig sabihin ng halik na iyon? Bakit ginawa niya 'yon? Pareho lang ba kami ng nararamdaman? Ganoon rin ba ang nararamdaman niya sa akin? Ngayon tuloy, naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod.





---
© Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now