Kabanata 16

998 53 7
                                    

Kabanata 16

Arms

Amadeus POV

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto ng makita si Cyrish na umiiyak at umaatras palayo. Nakita ko ang katabi na babae, mabilis akong kinain ng takot ng makita ang babaeng hindi ko naman naalala kung bakit nasa tabi ko. I was running while thinking about my girlfriend. Hindi ko alam ang nangyari. Wala akong alam kaya gusto kong magpaliwanag sa kanya. I wasn’t drunk! I know in myself that I didn’t touch that girl. Pero ang puso ko ay tumatakbo sa kaba dahil alam kong iba ang paniniwalaan ni Cyrish.

Pinigilan ako ni Keno at agad na sinuntok sa pisnge. Natumba ako ngunit wala akong maramdaman na sakit kasi mas gusto kong habulin si Cyrish. I need to explain myself! Wala akong ginawang masama! I didn’t cheat! I know, walang may nangyari sa amin ng babaeng ‘yon!

“Tangina mo, Costiño! Sabi ko na e!” Keno furiously said.

Tumayo ako at tumalikod upang sundan pa rin si Cyrish ngunit sinuntok ulit ako ni Keno kaya muli akong natumba. Rinig na rinig ko ang hiyaw ng mga babae at maging mga ka-teammates namin. Hinawakan ni Ronnie si Keno sa braso upang awatin. Muli akong tumayo at naglakad dahil ayokong magsalita. Kailangan kong sundan si Cyrish.

Sumakay ako ng elevator at mabilis na lumabas sa building. Nilibot ko ang paningin sa paligid, hindi ko na nakita si Cyrish. Galit kong sinipa ang mga nakikitang bagay sa daan. Fuck! What did I do!? Did I cheat? Did I fuck that girl? Oh shit! Alam kong sinabi ko sa kanya na marami na akong karanasan sa mga babae at ngayon sa nakita niya, siguradong tumatakbo na ang isip sa kung saan-saan.

Ang huling natatandaan ko ay umiinom kami ni Keno at Ronnie sa counter. Hindi ako mabilis malasing kaya laking pagtataka ko kung bakit isang shot pa lang, umiikot na ang ulo ko. Dinala ako ni Keno sa kwarto ko dahil natumba nga ako no’n pero ang naaalala ko ay wala akong babae na kasama sa loob. Kaya paanong nakapasok ang babaeng ‘yon sa kwarto ko?

Sumakay ako ng taxi upang puntahan si Cyrish sa kanilang bahay. Wala na akong pakialam kung ano ang aabutan ko. Ang mahalaga ay makausap ko siya at maipaliwanag ang sarili ko. Tangina, mahal na mahal ko si Cyrish! Hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit niya. At ayokong mawala siya sa akin. Ayokong mawala ang babaeng mahal ko.

Nagbigay ako ng pamasahe sa driver at lumabas ng taxi. Madilim ang kanilang bahay at nakapatay ang ilaw sa kanyang kwarto. Nag-doorbell ako upang malaman nilang may tao sa labas. Ilang beses na pag-doorbell ko, walang may lumabas kaya mas lalo akong na-frustrate.

“Cyrish!” I shouted.

Walang may sumagot. Nanginginig na ako sa takot ngayon dahil ito na yata ang araw na hindi ko na siya makikita.

“Babe! Come on! Let me explain! I know I didn’t do it! Please, listen to me! Please…” I beg.

Walang may sumagot kaya mas lalo akong natakot. I press the doorbell again, same answer. Hinawakan ko ang gate nila at tinulak-tulak upang makagawa ng ingay.

“Tito! Tita! Let me talk to your daughter…please?” I shouted beggingly.

Bumukas ang pinto nila at lumabas si Tito na malamig ang mukha. Nasa likod niya si Tita habang nakasuot ito ng roba. Lumapit sa akin si Tito at binuksan ang gate nila. Buong akala ko ay makakapasok ako ngunit isang malakas na suntok ang sumalubong sa akin. Mabilis akong natumba sa lupa habang nagdudugo ang labi sa suntok ni Tito.

“Hinding-hindi mo na makikita ang anak ko, Amadeus.” aniya sa walang kabuhay-buhay.

Umiling ako at tumayo.

“T-tito, I didn’t cheat on her. I was…I don’t know what happened,” hindi ko maipaliwanag ang nangyari.

Nakita kong yumakap si Tita sa braso ni Tito habang nakatingin din sa akin.

“M-mahal na mahal ko ang anak niyo. Hindi ako nagloko. I was frame up! I didn’t know what exactly happened.” nanginginig ang boses ko.

“Mahal mo pero nangaliwa ka. Binigyan kita ng pagkakataon, pero hindi na ngayon. Mahalaga sa amin si Cyrish at ayokong umiiyak siya dahil lang sa isang lalaki.” malamig na tinig ni Tito.

I shook my head. Pinaglalaban ko na hindi ako nagloko sa kanya. Alam kong walang nangyari sa amin ng babaeng ‘yon.

“T-tito…Tito, please, I need to see your daughter.” I beg again.

Umiling si Tita sa akin at napahinga.

“Sinabi ko sayo na kung ayaw mo na sa anak ko, ibalik mo lang sa amin at huwag sasaktan. You didn’t listen to me, Amadeus.” si Tito.

Umiling-iling ako.

“Mahal na mahal ko ang anak niyo, Tito. Alam ko wala akong ginawang masama. Kailangan ko lang magpaliwanag sa kanya—”

“Aalis si Cyrish ng bansa sa linggo. Doon siya sa auntie niya mag-aaral sa Austria. Stop pestering my daughter.” huling sinabi ni Tito bago sila umalis sa harap ko.

Hinawakan ko ang gate at nagpupumiglas upang buksan kasi ayokong umalis si Cyrish at iwan ako dito. Ayokong umalis siya at doon makahanap ng ibang mamahalin sa ibang bansa. Ayokong mawala siya sa akin.

“C-cyrish…please, listen to me babe.” I beg.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata. Hindi ko kailanman na-imagine na iiyak ako sa isang babae. I was frame up! I didn’t touch that girl! I know in myself that I didn’t do anything! Pero bakit ganito ang nangyari sa amin ni Cyrish? Kabago-bago pa lang ng maging girlfriend ko siya tapos babawiin agad sa akin.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Ngayon ko naramdaman ang mga suntok sa mukha ko. Dumudugo pa ang labi na nasuntok ni Tito. Nanginginig ang kamay kong tinawagan ang numero ni Mama. She answered it immediately.

“Hello, Kuya?” malamig na boses ni Mama.

Mabilis na tumulo ang luha ng marinig ang boses ni Mama. Damn it!

“M-ma…” utal kong sagot.

“What happened, Amadeus?” naging pormal ang boses niya.

I sob quietly.

“Ma, I need your hug. P-pwede ka bang pumunta dito?” mahina kong sabi.

She sighed. Sa lahat ng mga pinagdaanan kong problema, si Mama lang ang palagi kong hinahanap upang bigyan ako ng pag-aaruga.

“Nasaan ka? Gisingin ko lang ang Papa mo.” aniya. “Amado, gumising ka. Puntahan natin ang anak mo.” narinig kong paggising niya kay Papa.

I wiped my tears.

“Pupunta kami d’yan, Kuya.” si Mama pagkabigay ko ng lugar.

Humiga ako sa semento habang naghihintay sa magulang ko. Sumasakit ang puso ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ang sinabi ni Tito sa akin. Hindi ko kayang umalis si Cyrish at iwan ako dito. Gusto kong magpaliwanag sa kanya at sabihin ang nalalaman ko. May humintong sasaktan sa gilid ko at humihingos na lumapit si Mama sa akin.

“What happened, Amadeus.” punong-puno ng pag-aalala ni Mama.

Pinaupo niya ako kaya mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko ang mukha sa kanyang leeg habang umiiyak. Para na akong babae pero ganito talaga ako kapag si Mama ang nagbibigay ng comfort sa akin. I cried in her arms while telling her what happened to me here.






---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 14: Never Love Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon